***
Chapter fourteen - Divina's POV
"Kasalanan mo ang lahat ng ito." Masama ang tingin sa akin ng asawa kong si Dan. "Kung hindi dahil sa trip mo hindi sana mag kaka ganun ang mga bata."Anito na tumayo upang mag timpla ng kape. "Anong gusto mo? May gatas o wala?"
"Syempre yung wala." Nakaismid kong sagot, as if he didn't know that I hate coffee with milk. "Parang hindi mo alam, e no?"
Natawa naman itong tumingin sa 'kin. "I know, Honey. I'm just teasing you. You know that I love seeing you, with that face. So cute."
Napailing nalang ako. Simula noon hanggang ngayon, bully parin.
"Ewan ko sayo."
"Mom, Dad, seriously?."
"Anak, nandyan ka pa pala." Dan looked shocked at his son.
"Kanina pa ako nandito, Dad. You know, you always like a bully but ended up a drama king kapag napikon si Mommy."
Napangiti ako dahil kahit maikling panahon palang kaming nag kitang muli ng anak ko pero lagi niyang pinagmamasdan ang mga bagay sa paligid niya lalo na sa amin.
"Son, What do you want?" Dan asked.
"Beer." sagot ni Nathan.
"Okay, I'll give.." Anito na bubuksan ang mini ref ng tumikhim si Nathan at napatingin siya sa akin. Nakangiti akong nakamasid sa kanila. "Anak, mag kape ka nalang pala." Agad itong bumalik upang pagtimpla ng kape ang anak na tumatawa.
"How are you, Son? Kumusta ang mga Tatay mo?" Tanong ni Dan sa anak matapos ilapag ang timplang kape para dito. Agad ngumiti ng marinig ang mga Tatay niya.
"Ayun, mahal parin nila ang isat isa." Natatawa nitong sagot na parang may naaalala. "Lagi silang nag aaway pero matapos ang ilang minuto, sorry ng sorry sa isat isa. "
Napangiti ako. Mahal na mahal niya ang kanyang mga Tatay. Isang buwan na simula ng mahanap namin siya, akala namin magagalit siya sa amin dahil nawala siya sa aming mag asawa pero ganun na lang ang saya dahil matagal niya na palang alam na kami ang mga magulang niya. Hindi niya lamang alam kung ano ang gagawin.
Nawala ang ngiti ko ng maalala ko kung sino ang may kagagawan kung bakit nawala ang anak.
"Honey, okay ka lang? Bakit parang galit ka?" anito na tumabi sa akin. "Sorry na." Natawa ako dahil akala niya siguro galit ako dahil sa ginawa niya.
"Hindi ako galit may naalala lang ako." sagot ko at ininom ang timplang kape.
"Bukas na tayo pupunta sa Batangas. Ready ka na ba, anak?" Baling ko kay Nathan na nakangiti habang may ka text sa phone.
Kinalabit ako ni Dan. Nakangiti itong nakatingin sa anak. "Masaya ako dahil kahit hindi siya sa atin lumaki. Lumaki siyang mabuting tao."
"Me too." sagot ko
"Ikaw talaga" anito na pasimpleng yumakap sa bewang ko." I love you, Hon" Paglalambing nito.
"I love you too."
***
Thank you for reading this chapter. I really appreciate it. Don't forget to vote and comment😊
See you next Chapter!
-4cenin3teen💕-
YOU ARE READING
I Love You, You Love Me! (COMPLETED)
RomanceAng distansya ay hindi hadlang kung tunay kang nagmamahal. Hindi lahat ng relasyon, masaya hanggang dulo. Hindi lahat nagiging kuntento. Hindi lahat kayang lumaban. Hindi lahat kayang manatili kahit Sobrang ng nasasaktan. Pero walang imposible sa t...
