"May kailangan ka ba bebe girl?"

"Tell me everything." nakita kong natigilan sila pero seryoso lang ang muhka ko. Tumingin naman si Glenda sa mga kuya ko kaya lumapit si kuya Payton.

"Baby .. please, Wag na muna nga--"

"No! Gusto kong malaman lahat ng hindi nyo sinabe saken ng buong linggo! Hindi nyo manlang sinabe saken na ganun na pala ang balita? Sana sinabe nyo so I can defend Him and myself!" Tumaas ang boses ko at nag iinit din ang sulok ng mga mata habang isa isang tiningnan ang mga ito.

"And then what?" Napatingin kameng lahat kay kuya Primo na salubong ang kilay saka umigting ang panga na nakatingin saken "Anong sasabihin mo? Na wala kayong relasyon ni Helios pero kitang kita sa picture ang mga emosyon sa mga mata nyo at lalo na ng pumasok sya sa Room mo, anong gusto mong isagot sayo ng mga tao?" Natigilan ako sa sinabe nya "Phobe kung kame ngang kapatid at mga kaibigan mo ay hindi din malaman kung baket may picture kayong ganun.. pero dahil alam namin ang nakaraan nyo walang kaso samen yun, pero paano ang mga taong hindi nakakakilala at nakakaalam sa nakaraan nyo?" Mas natigilan ako dahil sa mga sinabe nya dahil totoo naman ang lahat. Napayuko ako at nag simulang umiyak.

"Primo.." dinig kong saway ni Kuya Payton habang yakap yakap ako.

"Hindi manlang ba mag sasalita si Helios para depensahan si Phoebe?!" Nag angat kame ng tingin kay Leigh Ann salubong kilay at kagat din nya ang ibabang labi habang naka pamewang. Halatang naiinis sa nangyayare, umiling naman agad si Glenda.

"Siguradong pinipigilan sya ni Josie, manager nila ni Trisha. Hindi nya hahayaang mag salita at sabihin ang totoo dahil hindi lang image ni Helios ang masisira kundi pati ang kay Trisha na walong taong inalagaan ni Josie ang image." Natahimik ang lahat sa sinabe ni Glenda.

"I know Helios .. pag dating kay Phoebe gagawin nun lahat at hindi na ko mag tataka kung isang araw hindi na nila mapigilin yun." Basag ni kuya Primo sa katahimikan. Umiling ako sa sinabe nya kaya napatingin sila saken.

"Pero matagal ng wala kame kuya, may Trisha na sya ngayon na kailangang protektahan kaya hindi na ako ang priority nya." Lalo akong naiyak sa sinabe ko kaya lumapit na din saken si Kuya Primo at niyakap ako.

"Baby ..." masuyong sabe nya, ngumiti ako sakanila at alam kong hindi yun umabot sa mga mata ko. Punong puno ng awa at lungkot ang mga mata nilang nakatingin saken.

"But it's okay .. yun din ang hinihiling kong mangyare, na wag na syang mag salita tungkol sa nangyayareng to. Kung kinakailangan na ako ang sumalo at humarap sa lahat gagawin ko.. wag lang masira ang relasyon nilang dalawa."ramdam ko ang panginginig ng boses ko pero kailangan kong panindigan ang sinabe ko.. para sakanya.

"Pero bebe girl kase, may ginawa na kameng 'sa tingin ko ay nakatulong' sa issue." Napatingin ako kay Glenda na ngayo'y nakatingin kay Creed.

"Ano yun?" Kunot noong tanong ko.

"Basahin mo." inabot nya saken ang cellphone nya kaya binasa ko ang nandun nanlake ang mga mata at umawang ang bibig ko, hindi makapaniwala sa nabasa ko at napatingin sakanila.

"A-anong?"

"Tumawag saken si Creed bago ang araw ng birthday ko para mangamusta dahil nga hindi ka nya macontact. Sakto naman na namomoblema ako dahil may lumabas na pictures nyo ni Creed nung nasa resort tayo." una kong nabasa ang nakalagay na 'CREED AND PHOEBE MAY RELASYON ?' Sa baba nito ay ang mga stolen pictures naming dalawa, Merong picture nung magkasama kameng dalawa na namasyal at kumaen at nag tatawanan meron din yung time na nag dinner kame at wala pa sila Helios. May dalawang picture na nakayakap sya saken. Ang una ay yung nasa dalampasigan kame at pangalawa ay yung nakatulog ako sa bisig nya nung gabeng nakita ko sila Helios at Trisha. Kung titingnan ay para bang napaka sweet namin sa mga pictures dahil hindi naman kitang umiiyak ako, kaya iisipin na sweet lang kame pero hindi yun ang kinagulat ko. Kundi ang Headline nito.

'CREED SANDOVAL CONFIRMED IN A RELATIONSHIP WITH PHOEBE CARDONA'

Samu't saring reaksyon at comments ng mga tao dahil sa article na to. Ang iba ay hindi naniniwala ang iba naman ay naniniwala at sumusuporta sa relasyon 'kuno' namin at halos nangunguna na din ito sa Trending kaysa sa issue namin ni Helios.

"Pero hindi mo dapat hinayaang madamay si Creed dito Glenda" kunot noong sabe ko saka humarap kay Creed "I'm si sorry kung nadamay kapa.. pangako aayusin ko lahat to." Nakangiting umiling sya.

"No Phoebe, actually I was the one who suggested na sabihing totoong may relasyon tayo." nag salubong lalo ang kilay ko at natigilan sa sinabe nya tumango naman si Glenda.

"Oo Phoebe, ayaw ko naman talagang pumayag kaya lang kase wala na kong choice patong patong talaga mga inaayos ko simula palang dun sa nangyare sa nangyare sa Live Tv Show, bali balitang si Helios ang iniiyakan mo dahil saktong kakaamin lang nung dalawa. Then may kumalat nga na pictures kaya hindi kona talaga alam ang gagawin kaya pumayag na ko sa suggestion ni Creed." napayuko ako sa paliwanag nya. Sobrang dame ng nahihirapan dahil saken..

"Hey guys look oh! May isang fan na nag post ng Video and it says 'For Our Angel" and naka tag ka Phoebe." Lumapit samen si Antonette para ipakita. Video ito ng isang dalagita, sa itsura nito at pangangatawan ay halatang may karamdaman sya.

"Hello po, ako po si Lana. Pasensya na po kayo kung nakaupo po ako at hindi maayos ang itsura ko may saket po kase ako at hindi nakakatayo. Sa totoo lang po ay hindi ko din po nagagawang maka upo noon pero ginagawa kopo ang lahat ng pwedeng gawin para lumakas at unti unting kayaning muling makatayo at mag lakad para makatulong sa pamilya ko at sa ate ko na working student para lang matustusan ang mga gamot ko... Gusto ko lang po sanang ipanood sainyo ito .. sige ate paki play na po."

May nag tapat ng isang pamilyar na video sa camera at pinindot ang play. Natigilan ako dahil video ko yun sa convinience store para sa may saket na kapatid nung cashier.. napangiti ako, sya pala yun... Nang matapos ang video ay nag salita ulet ang babae.

"hindi po nya kilala ang ate ko, nag tatrabaho po syang Cashier ng magpa picture sya para po sana saken.. pero hindi lang po picture ang binigay ni Miss Phoebe .. vinideo nya po ang sarili nya para po iencouraged akong labanan ang saket ko. Kaya po nag karon ako lalo ng pag asa na muling makakalakad.. sa mga nagagalet po at sinasabe na masama ang ugali ni Miss Phoebe, please po sana po wag po tayong mag salita ng masama about sakanya dahil alam ko po na lahat ng mga ito ay may mga nakatagong kwento maganda man o masama hindi naten kailangan manghugas ng isang tao lalo na po kung nag mamahal lang sya.." huminto sya sandali "Kay Miss Phoebe po, napanood kopo yung pag kanta mo last week kung saan kayo umiyak at hindi mo man aminin ramdam naming mga sumusuporta sayo na nasasaktan ka sa kung ano man kaya gusto kopo sanang sabihin na .. tulad po ng mga paborito kong kanta nyo, sana ay masabe nyo din po sa buong mundo ang tunay nyo nararamdaman makakatulong po yun mapagaan ang bigat na raramdam nyo, hindi mo po kailangang sarilinin ang lahat dahil natatakot ka sa mga sasabihin ng mundo lagi mo pong tandaan na madame po kameng mga fans mo na naniniwala sayo at susuportahan ka po namin. We Love You Our Angel Voice Miss Phoebe."

Pagkatapos naming panoorin ang video ay hindi lang ako ang lumuluha kundi pati ang mga kasama ko maliban sa mga lalake pero bakas sa ngiti nila ang kasiyahan.

Siguro nga tama sya ... kailangan kong tanggalin lahat ng mga nag papabigat ng nararamdaman ko.. hindi man sabay sabay .. pero alam kong makakatulong parin yun para sa sarili ko.

------
I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now