#5

2.5K 34 17
                                    

Continuation.........

Nasa rooftop ng companya ako. Hindi ko alam Kung anong ginagawa ko dito. Kanina pagdating ko ala sais ng umaga ay pinadiretso na ako dito ni kuya guard. Iyon daw ang bilin ni boss.

Ang akala ko ay nandirito na si boss. Pero wala pa. Ako lang iyong nandirito. Hindi pa naman ako kumain. Dahil baka mahuli ako.

Nagpaalam ako kay Nanay sa pamamagitan ng sulat. Pag alis ko Kasi ay tulog pa sila. Maging ang ate. Kumakalam na rin ang aking tiyan. Gutom na Kasi ako. Siguro ay hindi pa naman dadating si, boss.

Bibilisan kolang.

Agad kong tinungo ang elevator at pinindot ang unang palapag. Nang makarating sa baba ay agad akong lumabas. Saktong paglabas ko naman ay duamting ang sasakyan ni boss. Pumara ito sa mismong tapat ko.

Naku, papaano pa akong makakabili ng paborito ko?

Nagsisisi tuloy ako na hindi ako nag agahan sa bahay.

"Magandang umaga, sir" keming bati ko.

Naka suot ito ng sunglasses. Naka tuxedo at itim na slock.

Hindi Naman maaraw Diba?

Bakit naka sunglasses si boss?

"Where are you going?" Sa halip na batiin rin ako ng good morning ay tinanong ako nito.

Ano paba ang aasahan ko sa boss ko?

"Bibili po Sana ako ng makakain, Kaso dumating kayo bigla. Kaya hindi nalang po" direktang Sabi ko.

Bagamat naka suot ito ng sunglasses ay batid kong naka tingin ito saakin. Ang tanggad ni boss. Hanggang kili kiki Niya lang ako.

Namulsa ito.

"What are you going to buy then?"

"Burger po" magalang na sagot ko.

Iyon lang Naman talaga ang nais kong bilhin.

Iyon din ang paborito ko.

"Burger? Huh?" Natatawang ani nito.

Magsasalita na Sana ako ng umalis ito sa harapan ko. Pinuntahan Niya si manong guard.

Nag-uusap sila.

Ano kaya ang kanilang pinag-uusapan? Panay lang Kasi ang tango ni Manong guard.

"Secretary Dimasalang, Let's go" tawag nito saakin.

Nagmamadaling sumunod Naman ako dito. Tahimik akong sumusunod dito.

Nang marating namin ang rooftop ay panay ang tingin nito sa relos Niya. Hindi kaya nahuli  kami?

Maya maya pa ay may nakita akong helicopter na papalapit sa pwesto namin.

Hindi lang papalapit.

Hindi lang napadaan.

Kundi huminto mismo ito sa harap namin.

Mang uusisa na sana ako Ng makita kong lumapit si boss doon. Nag uusap ang mga ito.

"Sir, ito na po ang pinabibili niyo. Pasensya na po at medjo matagal,"

Napatingin ako kay manong guard. Humahangos Kasi ito.

May iniabot ito Kay boss.

Itinaas ni boss ang kanyang kamay at nag sign na lumapit ako sakanya. Dahil batid niyang diko siya maririnig dahil sa helicopter.

Lumapit naman kaagad ako dito.

Yumuko ito.

"Hold this," Sabi nito malapit ang kanyang bibig sa tenga ko. Magtatanong Sana ako Kung ano, ngunit iniabot na Niya saakin ang supot, "Eat that when we're on our way to Cebu. Inside the Chopper,"

KAZUYA ASTRYLLE: Iᴛs Aʟᴡᴀʏs Yᴏᴜ✓Where stories live. Discover now