Napa-iling ako.

Hindi ko alam kung kelan pa ako nagustuhan ng lalaking ito. At kung anong nagustuhan nito saakin.

•••

Ashley's P.O.V.

I'm holding two white flags while walking behind Jace.

Napapanis na laway ko dahil hindi nagsasalita ang kasama ko. Ayoko namang maunang magsalita dahil baka hindi siya sumagot at mapahiya ako.

Napalabi ako.

Madaldal naman si Jace. Lalo na kapag kasama niya sina Nathan at Kyler. Pero bakit ang tahimik niya ngayon? Nakakapanibago---

"A-aray.."

Bwisit! Kaka-isip ko nabunggo ako.

Tumingala ako at tiningnan ang nabunggo ko.

Napasinghap ako ng makita ko kung ano ito-- ay hindi! Kung sino pala.

Nabunggo ako kay Jace.

Nakahinto ito sa paglalakad at nakaharap saakin.

Nakayuko ito at matiim na nakatitig saakin.

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa tingin nito.

"B-bakit ka nakatingin ng g-ganyan?" Naiilang na tanong ko.

Tumunghay ito at inalapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Oy! Lumayo ka!"

Nakakaduling ang lapit niya.

Bigla na lang itong ngumiti na ikinagulat ko.

Baliw ba 'to?

Umayos na ito ng tayo at nagsimula ng maglakad kaya sumunod ako.

"You know what?" He started. "Sa inyong apat, ikaw ang pinakagusto ko. Why? Kase si Serene, sobrang tahimik niya same as Ereese though si Ereese ang pinakamaganda sa inyo. No offense ha? Opinyon ko lang 'yon. Kaya siguro ganon na lang kabaliw si Trevor sakanya. Anyway, napapalayo na ako. Katulad ng sinabi ko kanina, ikaw ang pinakagusto ko sa inyong apat. Serene and Ereese are serious and quite type of girl. Si Lia? She's fine. Pero may lihim na pagnanasa si Nathan don. Matagal na." Natawa ito. "Gusto ko kase sa mga babae, eh, 'yung mga ka-vibes ko. Yung happy lang. Easy-go-lucky. Hanga nga ako sayo na hindi nag-reflect sa ugali mo ang kapangyarihan mo. You're nice and I like it."

Pinakiramdaman ko ang puso ko matapos niyang magsalita.

Sobrang bilis ng tibok nito.

Alam ba ni Jace ang sinasabi niya?! Sa sinabi niya, parang sinabi na din niyang may gusto siya sakin! Indirect confession!!

OMG! Posible ba? Kras ako ng kras ko?!

Myghaaaadddd!!!

•••

Lia's P.O.V.

"Nathan--hmp!" Biglang tinakpan ni Nathan ang bibig ko saka hinila ako sa likod ng puno.

"Shhh." He hushed.

Sobrang magkadikit ng katawan namin. Ang kanang kamay niya ay nakatakip sa bibig ko habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakapalupot sa beywang ko. Nakasandal ako sa trunk ng puno.

Mula sa hindi kalayuan sa pwesto namin ay nakarinig ako ng pag-uusap.

I eyed Nathan but he just winked at me.

Anong kinikindat-kindat nito? Akala ba niya gwapo siya? Pwes! Oo! Gwapo siya!

Sumilip ako at nakita ko ang ilang miyembro ng elves na may hawak na isang yellow flag.

Where did they get that?

Pag-alis sa paningin ko ng mga elves ay pinakawalan na din ako ni Nathan.

"OMG! May yellow flag sila! We need to find yellow flag!" Angil ko kay Nathan.

Nang hindi siya sumagot, binalingan ko ito at nahuling nakatitig saakin.

"Oh, anong tiniting-tingin mo diyan?! Gusto mong kuryentihin kita?!" Nagsimula na ulit akong maglakad. "Tara na't humanap na tayo ng mga bwisit na flags na 'yan!"

Seryoso ba 'tong mga gumawa ng game na'to?! Ang hirap kayang hanapin ng mga flags! Isang asul na flag pa lang ang nakukuha namin ni Nathan at hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas mula ng makarating kami dito.

Ang flag na hawak ko ay nakita namin na nakabaon sa lupa. Kung hindi lang ako natisod sa naka-usling hawakan nito ay hindi namin ito nakikita.

Salamat sa pagkakatisod ko.. May blue flag na kami.

Ang lawak ng slither island na ito. Hindi man lang namin nakakasalubong and ibang mga kalaban namin. I'm not sure but I know that this island is outside the border of Netherworld. Meaning hindi kabilang ang slither island sa mga kontinente o isla ng Netherworld.

At bakit nga ba tinawag na slither island 'to eh wala naman akong nakikitang mga ahas. Bulate meron. Kaninang hinukay namin yung flag.

Gusto kong makakita ng ahas. Tapos kukuryentihin ko---

"Nathan! Ayun!" Tinuro ko flag na nasa pinaka-tuktok ng isang puno. Isang blue flag. Pwede na iyon, pitong puntos na din 'yon.

"Great! Let's get it!" Hinila ako nito papunta sa puno.

Hinawakan nito ang puno pero tumagos lang ang kamay niya.

"Anong..." Di makapaniwalang sambit ni Nathan.

"Illusion?"

"Maybe?" Hindi siguradong sagot niya.

"Hagis moko, tas kukunin ko. Dali!" Suhestiyon ko.

But he looked at me flatly. "Hindi ako si Ereese. Hindi ako ganon kalakas."

Ngumuso ako. Paano namin kukunin yon?

Naka-isip ako ng ibang paraan. Akmang sasabihin ko na ito sakanya ng biglang may tumunog na busina.

Ano 'yon?

"Participants, the time is over. You will now all be teleported back to the arena." Anang boses na parang computer.

"Tapos na?!" Gulat na tanong ko. "Ambilis naman!"

Isang oras na 'yon? Napatingin ako sa flag na hawak ko. 7 points..

Mukhang tagilid ang puntos namin. Sana naman maraming nakuhang flag ang mga kasama ko.

***

© GabYuen

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now