(Hindi mo pa nakukuha ang titulo ng mga kompanya nila! Hanapin mo muna bago ka umalis dyan!!)

"Yung titulo pa talaga ang iniisip mo?! Yung buhay ko! Hindi ba mahalaga para say--"

(Mahal kita Cath pero mas maganda kung nasa atin ang titulo hindi ba? May pera tayo, pwede na tayo magpakalayo layo.)

Bumuntong hininga ako. "Fine." Napipilitang sabi ko. Pinatay nito ang tawag. Tumayo ako at hinalungkat ang buong kwarto.

ZIEL's POV

"Unahin natin ang malalaking grupo bago ang maliliit." Seryosong sabi ni Sam. "Kung gusto mo Ziel..." Tumingin ako kay Sam. "Unahin nating buwagin ang organisasyon na yun?" Nakangising sabi nito.

Sa tuwing ganito ang usapan nagiging seryoso si Sam, wala kang makikitang takot at pag-aalinlangan sa mukha nito. Desidido siyang gawin ang bagay na sinimulan at hindi siya nakadepende sa sinimulang plano kundi nakadepende siya sa kasalukuyang plano.

"Yeah, unahin natin ang organisasyon na yun." Pag-sang-ayon naman ni Kuya Clouxe.

"Kailangan natin nang matinding plano kung ang organisasyon ang uunahin natin." Saad ni Chlea na kakapasok lang. "We don't have a enough identification in that organization, let's start at the smallest group." Naglakad ito papalapit sa mesa.

"Si Mia? Nasaan?" Tanong ni Sam kay Chlea.

"I agree with Chlea." Saad ni Mia at lumapit sa amin. "Ayos ka na ba talaga Sa--"

"Tsk. Tsk. Tsk. Kaya ko na. Kaya ko nang pumatay ng tao, kahit pa ang boyfriend mo ang pakitaan ko." Nakangising sabi nito. "Biro lang." Walang ganang bawi nito sa kaniyang sinabi.

CHARLES POV

"Hey Mom." Malumyang bati ko.

"How's Samantha?"

"She's fine now." Tumingin ako sa mesa. Si Mom at Dad lang ang naroon. "Where's Cath?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Cath? Umalis na siya kani-kanina lang, sayang nga man lang siya nakapagpaalam sayo." Nakangiting  sabi ni Mom at bumalik na sa kinauupuan niya kanina

"Good to hear" bumuntong hininga ako bago sumunod kay Mom. "May sinabi ba siya sa inyo?" Tanong ko habang nasa kalagitnaan na kami nang pagkakain. Nagkatinginan pa si Mom at Dad bago sila umiling.

"May dapat ba siyang sabihin sa amin bago umalis?" Dad Asked.

"Wala nam--"

"Nakapagtataka nga ang batang iyon, gusto pa daw niya tumagal dito sa pilipinas tapos biglang gusto na niyang umuwi sa Australia. Nag-away ba kayo?"

"No, Dad."

"Rick, sinabi sa akin ni Cath na marami na raw siyang natutunan sa loob nang dalawang taon kaya gusto na niyang bumalik sa Australia, Gusto na raw niyang subukan ang mga natutunan niya kay Charles, sa kaniyang kompanya. Kaya pinayagan ko na, alam mo naman ang batang yun hindi nagpapapigil." Napapailing na sabi ni Mom.

"Kay Klien Mom, may balita na ba kayo sa kaniya?" Muli kong tanong, natigilan silang dalawa at sabay na tumingin sa akin. "Girlfriend niya si Cath." Saad ko, sumubo ako ng kanin. Kita ko ang pagkalito sa mata nilang dalawa.

"What?"

"Yeah Mom, hindi naman natin kadugo si Cath kaya malakas ang loob niya na makipag-relasyon kay Klien."

"Magpinsan sila." Komento ni Mom

"Magpinsan sa papel hindi sa dugo Mom, nagpatira tayo sa bahay na ito nang isang ahas na tutuklaw mismo sa atin." Uminom ako nang tubig.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Where stories live. Discover now