CHAPTER 35

1.3K 21 2
                                    

CHARLES POV

Babalik ka pa ba Sam, bumalik ka naman Oh

"Tama na nga yan!" Inagaw ni Irish ang bote

"What th--" naupo siya sa tabi ko. Kinuha ko ang bote na kapit niya.

"Ano ba? Tama na sabi yan e!" Bulyaw nito "Nandito naman ako ah!"

"Yeah, you're here. But she's not here" pilit lang na ngiti ang ipinakita ko sa kaniya

"Ihinto mo na nga ang pag-inom!" Inis na sabi nito

"Gano'n ba ako kasama noon sa mga babae?" Tanong ko "kaya pati ang taong mahal ko ay iniwan ako?" Kinagat ko ang labi ko "Kaya nang magmahal ako ay ibinalik sa akin ng langit ang sakit na idinulot ko sa mga babaeng niloko ko?" Hinarap ko siya "Minahal ko siya e, buong puso. Sa kaniya lang ako naging gano'n, alam mo yun" may pumatak na luha sa mga mata ko, yumuko siya. "Iniwan ko siya noon" tiningnan ko ang bote na kapit ko "Nang walang kasiguraduhan kung babalik pa ako, dahil sa nangyari." Umiling ako at tumingin sa sahig. Inalala ang pinakamatinding kasalanan na nagawa ko sa buong buhay ko.

"Magpa--" akmang kukunin niya ang bote na kapit ko, pero inilayo ko iyon sa kaniya

"Bumalik ako nung araw na yun. Nung araw na kaarawan niya. Ang kaso lang..." Pilit akong tumawa "iyon rin ang araw na hindi ko inaasahan na kailangan kong gumawa ng mali para lang maisalba ang kompanya na gusto ni Dad" pinunasan ko ang luha ko "Na dapat hindi ko ginawa. Bumalik kami sa ibang bansa. At doon muna tumira ng ilang buwan bumalik ako dito nung araw na kaarawan niya rin. Grade 10 ako noon" tumungga ako ng alak "Ginamit ko ang pera na galing sa kompanya para ipahanap siya. Nakakatawa lang dahil wala niisang detalye na nakuha tungkol sa kaniya. Wala kahit sa social media. Wala na siya sa dati nilang tinitirahan."

"C-Charles kailangan mo nang magpahinga" Kinuha niya ang mga boteng walang laman

"At ngayong nahanap ko na siya dahil sa bracelet na yun. Doon naman nawala siya." Umiling muli ako, nahinto siya sa pagkuha ng bote.

"Dapat kang magpahinga, para k-kapag dumating na si sam makikita ka niya ng maayos. Dalawang araw palang naman siyang wala 'di ba?" Nginitian ko siya.

"Tama nga si Sam, na kahit niloloko na kita kaya mo parin akong patawarin" Tiningnan ko siya "Bakit ako Irish? Ang daming lalaking pwede mong mahalin. Hindi yung katulad ko na halos itaboy ka."

"May pasok tayo bukas, kailangan mo nang magpahing--"

"Salamat." Niyakap ko siya. Kinuha ko ang bote na kapit niya " ako nalang ang mag-aayos nito."

IRISH POV

Dalawang araw nang hindi nakakabalik si Sam, at sa dalawang araw na yun. Wala nang ginawa si Charles para uminom. Lalabas lang siya para bumili ng alak. Babalik at itutuloy ulit ang paginom natatapos ang araw na hindi siya kumakain. Naliligo siya maghihintay sa pinto ng kwarto ni Sam.

Bumalik nanaman ang dati niyang bisyo. Dumaan siya sa opisina niya kanina, ipinaubaya niya ang pagpapatakbo ng kompanya kay Klein na ngayon niya lang ginawa. Wala siyang pinagkakatiwalaan ng kompanya niya. Siya ang tipo ng boss na kahit matagal ka nang nagtatrabaho sa kaniya ay hindi ka niya pagkakatiwalaan.

Ngayon ko nakikita, kung gaano niya kamahal si Sam. I'm sorry. Hindi ko sinasadya, Sorry. Hindi ko na dapat ipinilit pa. I'm sorry sa lahat. Hindi ko alam akala ko... Isa rin siya sa laruan mo. Tiningnan ko siya, dati naman ay mahalaga sa kaniya ang itsura niya, pero ngayon. Parang hindi na siya ang umiinom sa mesa. Lumapit ako sa kaniya

"Tama na nga yan!" Inagaw ko ang bote

"What th--" naupo ako sa tabi niya, kita ko ang sakit sa mga mata niya kinuha niya ang kinuha kong bote.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon