CHAPTER 46

974 23 0
                                    

CHARLES POV

"Here!! they are!!" Sigaw ni Liam nang pumasok kami.

"What now?" Walang ganang sabi ko, napansin ko ang paligid, may desert na nakahanda sa mesa. May hugis bilog na chocolate parang isang bowl nasa gitna iyon ng mesa, mababaw lang iyon kaya kita ang nasa loob nun puno iyon ng iba't ibang hugis, kulay at uri ng lollipop. Napangiti ako, si Sam... Kung nandito siya, panigurading matutuwa siya.

Heart shaped chocolates, may marshmallows, stick-o, different biscuit sticks and a chocolate fountain. Letche plan, ice cream, chiffon cake and a four layer cake. Marami pang ibang nakahanda sa mesa. "You can pick anythi--" nahinto sa pagsasalita si Chlea

"Psh. Hintayin natin sila." Taka ko namang tiningnan si Ziel "What? You two crav--"

"We're not." Ngumiti ako

"Maupo muna kayong dalawa." Saad ni Chlea, naupo kami pareho ni Irish.

"Charles?" Tawag nito sa akin, nilingon ko ito.

"What?"

"Gusto ko mag Cr." Tumayo ako, naagaw namin ang pansin ng ilan sa kaibigan ni Sam..

"Sasamahan ko lang siya sa Cr." Nakangiti kong sabi.

Bumalik kami sa living room matapos magcr ni Irish. "Alam mo ba kung ano ang meron ngayon?" Tanong ni Myael.

"Yeah, ikaw Ian?" Tanong naman sa akin ni Mark

"I don't know." Nagsitinginan sa akin ang lahat. "I really don't kn--"

"Pakikuha na nung cake, nasa labas na daw sila." Nakangiting sabi ni Myael habang may kapit na cellphone, nagsitayuan ang lahat at naglakad sa tapat ng pinto

Tumingin ako sa pinto, hinihintay ang taong papasok. Biglang kumanta ang lahat maliban sa amin ni Irish. May kasamang palakpak ang dulo ng kanta

🎶Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday
Happy birthday
Happy birthday to you🎶

Dahan dahang bumukas ang pinto, lumabas doon si Klien, pumwesto ito sa gilid ni Mia. "Again! Again!" Sigaw ni Mia

🎶 Happy birthday to you
Happy birthday to you🎶

"Faster!" Sigaw ni Myael

🎶Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday
Happy birthday🎶

"Louder!" Sigaw ni Klein

🎶Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday
Happy birthday
Happy birthday to you🎶

Dahan dahang kong naaninang ang papasok.

"Happy birthday Samantha Crausus!!!" Sigaw nilang lahat.

"Have a wish then blow the candle." Saad ni Chlea. Pumikit si Sam, nakatitig lang ako sa kaniya hindi ko maigalaw ang mga paa ko papalapit sa kaniya. Parang walang nangyari sa kaniya, walang bakas ng paghihirap ang katawan nito. Thanks god she's fine. She blowed the candle.

Ibinaba ni Chlea ang dalawang layer na cake. Maliit lamang iyon kaya magaan, mabilis na niyakap niya si Sam. Nakatigtig lang ako kay Sam hindi ako makapaniwala na nandito ka sa harapan ko, I want to kiss her!!! Nagsiyakap na rin ang iba. Tumingin ito sa akin at ngumiti, makikita ko pa kaya ang ngiti mo na yan bukas?

"Kumusta?" Napapikit ako ng marinig ang boses niya. Umalis ito sa yakap ng mga kaibigan niya at lumapit sa akin. "Balita ko napariwa ka daw." Nakangiti nitong sabi. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya ngayong nasa harapan ko na siya.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon