"Sa una lang masakit yan Mia, sasarap din ito kapag tumagal tagal masasanay ka rin." Sabi ni Klien, pumaibabaw ito sa akin. "Mark!!! Tingnan mo ako ang nauna sa Girlfriend mo!!!"

Pumatak ang luha ko, kita ko ang pagbuka ng bibig ni Mark. Wala akong naririnig na kahit ano, tanging sakit ang nararamdaman ko sa buong katawan.

**END OF FLASBACK**

"Mia?" Tawag sa akin ni Mark.

"H-huh? A-ano yun?"

"Tinatanong ko kung ano ang gusto mong kainin? Ipagluluto kita." Nakangiting sabi nito.

"K-kahit ano." Tumango ito bago tumalikod sa akin. "M-mark?" Pagpigil ko rito. "Ayos l-lang ba s-sayo n--"

Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Sinasabi ko naman palagi sayo na mahal kita kahit ano pa ang meron at wala ka." Nagsimula nang pumatak ang luha ko.

"Hindi ko pa nasasabi ang salitang ito simula nang maging tayo." Humihikbing sabi ko. "I love you Mark"

"I love you too baby." Hinalikan ako nito sa labi. "Would you like to go somewhere else?"

CHARLES POV

"Son." Huminto ako sa paglalakad. "Take a rest." Tumango ako at muling naglakad papuntang kwarto.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang maagaw ng pansin ko ang bukas na kwarto ni Sam. Naglakad ako papunta roo-- "Mom? What are you doing?"

"Dito na sa atin titira si Cathy ang pinsan mo, siya na ang bago mong secretary." Saad nito habang inaayos ang kama.

"Hmm." Pumasok ako sa kwarto ni Sam, ibinalik ko ang pagkakaayos nang mga gamit doon.

"Charles." Tawag niya sa akin, hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagbalik nang mga gamit na sa loob ng kahon. Inilagay ko iyon sa dating kinalalagyan. "Anak?" Bumuntong hininga ako.

"Yung kwarto ko nalang ang ipapagamit mo Mom kay Cath, wag itong kwarto na ito." Kinagat ko ang labi ko, naglakad ako sa mga nakalabas na damit na binili ko noon para kay Sam, hindi na niya iyon nasuot dahil sa mga nangyari. Tiniklop ko iyon at muling ibinalik sa wardrobe.

"Dito ba siya nagstay sa kwarto na ito?" Natigilan ako, muling namasa ang mga mata ko. Itinulak ko ang sofa sa tapat ng Tv. "Hindi na siya babalik sa bahay na ito, Anak. Maganda ang tinitirahan niy--"

"Please Mom, n-not this room. Kung ayaw niya sa kwarto ko, hahanapan ko nalang siya nang matitirahan na malapit lang dito." Rinig ko ang paghinga ng malalim ni Mom.

"Okay, saan ka matutulog kung doon siya sa kwarto mo--" Napipilitang sabi nito.

"Dito."

"Ipapalipat ko nalang ang gamit mo dito sa kwarto." Lumabas ito ng kwarto at isinara ang pinto.

Nahiga ako sa kama, tumingin ako sa kisame. Bumagsak na ang mga luha ko. "Babalik ka kase kailangan mo pa akong balikan."

LIAM's POV

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko kay Charles.

"Magpapahangin lang ako." Saad nito habang nakatingala sa ulap

"Fifteen minutes nalang magsisimula na ang klase Charles, First year college kana hindi ka pwedeng magpabaya--"

"Yun na nga first year college na ako pero..." Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin. "Wala siya rito." May lungkot ang mga mata nito.

"Nagsisimula ka nanaman ng drama." Pilit na birong sabi ko.

"Alam mo bang partner in crime ko si Sam noong Grade seven ako." Nakatingin siya sa kawalan, umupo ako sa tabi niya. "Sa araw araw kaming nasa Dean's office." Natatawang sabi nito na animo'y inaalala ang nakaraan.

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon