Kabanata 40

910 85 3
                                    

Hindi pa rin ako komportable sa katotohanang hindi nila ako tunay na kadugo pero mahal ko sila at iyon naman ang importante, 'di ba?

To hell with everybody, I'm going to be happy.

Hindi naman ako katulad ng mga nasa teleserye na aalis ng bahay para hanapin ang sarili. Hindi na iyon applicable sa akin. Kilala ko naman ang sarili ko at kilala ko rin ang pamilyang kumupkop sa akin.

Hindi ko pa pala nababanggit na bukas na ang start ko sa trabaho sa isang malaking Automotive company isang buwan matapos kong maka-graduate.

Sa Sales Department ako ilalagay dahil iyon naman talaga ang linya ng career ko.

Gusto ko na ring ma-experience ang buhay ng may trabaho at hindi lang basta umaasa sa pera nina Papa at ng mga kapatid ko.

Oras na para mas maging independent dahil hindi na ako bata na palagi dapat nilang asikasuhin at pagsilbihan.

Hindi ko tinanggap iyong offer noon ni Kuya Ysmael at hindi ko rin tinanggap 'yong kay Aux dahil nahihiya rin kasi ako sa kanila.

Saka mas okay kung hindi kami magkasama ni Aux sa trabaho para wala ring ilangan.

Speaking of Aux...

Kinu-Kuya ko pa rin naman pa rin siya lalo na kapag kaharap namin ang mga kapatid at kamag-anak namin pero kapag kaming dalawa na lang, nasasanay na akong tawagin siya sa pangalan niya.

Mas naging maingat kami dahil ayaw naming may maidikit na isyu sa amin at sa pamilya namin.

Wala pang nakaaalam sa mga pinag-usapan namin noon. Nilihim namin ang lahat sa aming pamilya. Walang nakaaalam kung ano'ng mayroon kami ngayon.

Pero lilinawin ko lang na wala pa kami sa ganoong klaseng relasyon.

Nasa punto pa lang kami na alam naming lumalalim na ang tingin namin sa bawat isa at hindi katulad dati na "magkapatid" lamang.

Besides, nag-uumpisa pa lang akong mas kilalanin siya nang mabuti. At alam kong nirerespeto niya ako. Hindi niya ako pinipilit sa kahit ano mang bagay na lalagpas sa limitasyon.

Pero paikot-ikutin muna ang mundo, roon pa rin kami babagsak sa "magkapatid" kami.

Oo, hindi ko siya talaga kapatid pero alam kong hindi pa rin puwede. Alam kong masasaktan ang buong pamilya namin at ayaw kong mangyari iyon.

Pero ano'ng gagawin ko kung naiipit na ako sa sitwasyon? Gustuhin ko mang iwasan o pigilan, hindi ko rin kaya.

Alam ko sa sarili kong kapag wala siya, may kulang sa akin.

Kaya napagdesisyunan naming itago na lang sa lahat ang tunay naming kalagayan.

Para rin sa aming dalawa 'to at para sa mga taong nasa paligid namin.

Maraming judgmental sa mga panahong 'to at isa na rin siguro sa mga dahilan iyon kung bakit hindi namin puwedeng ipahalata at sabihin sa pamilya namin ang tungkol sa bagay na 'to.

Isa pa, hindi naman porke gusto ko siya, ibig sabihin ay gagawin na namin ang mga bagay na ginagawa ng mga normal na magkasintahan.

It doesn't work that way.

Katulad pa rin siya ng dati. Minsan tahimik, minsan sweet at kapag susuwertehin ay warm at friendly.

Ngayon ko mas nakikita 'yong side niyang hindi ko nakikita noon. Para akong nagkaroon ng bagong kaibigan at life adviser lalo na kapag pinangangaralan niya ako sa tuwing may napapansin siyang mali.

Ang hirap nga lang ng setup namin pero tiis lang talaga.

Madalas nagpapaalam ako sa iba kong mga Kuya pati na rin kay Papa na may lakad kami ng mga friends ko pero ang totoo, siya ang kasama ko.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon