Gusto ko sa kanila na mismo manggaling iyon.

"Ano ba namang tanong 'yan?" sagot ni panganay.

"Siyempre, unica hija, eh!" Si Kuya Axel naman ang sumigaw.

"Saka may choice ba kami?" Si Second naman ang nagsalita. Tatawa-tawa pa.

"Because we love you."

Napatitig tuloy ako kay Kuya Ysmael.

Sabihin n'yo nga sa akin kung paano ako magtatampo sa kanila kung ganito nila ako pakitunguhan?

Oo, itinago nila sa akin ang katotohanan dahil ayaw nila akong masaktan. Naiintindihan ko naman iyon. Never silang naging malupit sa akin kahit noong mga bata pa kami. Naging consistent sila sa pagiging mabuting kapatid sa akin.

Prinsesa nga ang turing nila sa akin, hindi ba?

"Cheesy mo, man," biro ni Kuya Pio kaya nagtawanan silang lahat.

"Masaya ba kayo dahil may babae kayong kapatid?" muli kong tanong.

"Sumama ka lang kay Aux, ganiyan ka na ka-senti?" panunukso ni Kuya Axel sa akin.

Narinig ko namang tumikhim si Kuya Jared. Alam kong allergic pa rin siya kapag naisasali sa usapan si Fifth.

"Sobra."

Napatingin ako kay Kuya Oval nang sumagot siya, sunod niyang nilingon sina Kuya Ysmael at Kuya Jared at hindi ko alam kung bakit.

Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na kaya. Kailangan ko na silang kausapin tungkol sa bagay na iyon.

Marami pa akong gustong malaman at gusto ko sa kanila na mismo manggaling. Hindi naman kasi in-elaborate ni Papa ang lahat ng detalye kaya punong-puno pa rin ng mga katanungan ang isip ko.

"Mahal n'yo ba ako—"

"Oo naman!" maagap na sagot ni Kuya Pio.

"kahit hindi n'yo ako tunay na kapatid?" pagpapatuloy ko.

Natahimik silang lahat. Napanganga pa si Kuya Axel. Nakatitig lang silang lahat sa akin.

Alam kong ganito ang magiging reaksyon nila. Kahit naman ako'y sobrang nagulat nang malaman iyon.

"What are you talking about?" mababa at maamong tanong ni Kuya Jared.

Mapait ang ginawa kong pagngiti, "Tama ako, 'di ba?"

"Haena."

Tumayo si Kuya Ysmael para lapitan ako pero umatras ako ng isang hakbang.

"Sino ang nagsabi niyan sa 'yo?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Wala pa ring reaksyon ang iba kong mga Kuya. Doon ko mas napagtantong guilty sila.

Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata. Fourth immediately hugged me. Hinimas-himas pa niya ang likod ko na para bang sinasabing okay lang ang lahat.

Pumikit na lang ako hanggang sa tuluyan na akong humagulgol.

"Alam ko na. Alam ko na, Kuya," walang lakas kong sinabi sa kaniya.

"Shit. Kakausapin ko ang gagong 'yon." Kumalas siya sa yakap at akmang lalabas na sana ng kuwarto ko nang pinigilan siya ni Kuya Pio. "Si Aux ba ang nagsabi sa 'yo?"

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya.

Tila nakuha niya agad ang ibig kong sabihin, "Si Papa ba ang nagsabi?"

Tipid akong tumango. Mahina siyang napamura bago ginulo ang kaniyang buhok. Ang iba kong mga Kuya ay napatungo na lang.

"We love you. Okay? Mahal namin ang bunso namin," paniniguro ni Fourth sa akin.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin