23 - Comeback?

14.7K 476 431
                                    

Cara



"Requirement ba talaga na sa tuwing makipagbalikan kayo sa ex nyo at may mga pakulo kayong gagawin, eh dapat present 'tong pagmumukha ko? Ano 'to, lantaran nyong ipagsigawan na may lovelife kayo at ako wala? Pisting yawa!" maingay na reklamo ni Czarina sa likod ng sasakyan habang bitbit ang apat na paperbag na naglalaman ng regalo para kay Belle. We are on our way to Choi residence. Isinama ko ito dahil medyo nakaramdam ako ng niyerbos na harapin si Ailee na mag-isa.

"Cza, i really need your moral support on this. Kailangan ko nang backup." sabi ko.

"Che! Sino ba kasi yang Ailee na yan at parang natatakot ka?"

Sinulyapan ko siya mula sa rear view mirror. "I have a feeling that she is Belle's grandmother."

"Oh tapos?"

"Feeling ko rin strikta siya base na rin sa sinabi ni Belle kagabi."

"And?"

"I need to win her Grandmother's heart of course."

"E diba close ka na sa pamilya niya noon?"

"Oo. Pero hindi ko pa nakilala yung Lola niya."

"Hay naku, buhay pagibig nga naman. Gagawin ang lahat para makuha ang gusto."

"Syempre. Ang tagal kong hinintay na mangyari 'to noh."

"Sus wala man gihapon forever uy mamatay man gihapon tang tanan."

Mahina akong natawa kahit wala akong maintidahan. "By the way, salamat dahil sinamahan mo ako."

Czarina gave me a bored look. "You bribe me you bitch. Uuwi sana ako nang Davao ngayon e."

"Ano naman gagawin mo dun?"

"Political campaign nila Papa next week. I need to be there pronto. Iihawin ako 'non kapag hindi ako nagpakita."

"This won't take long, promise." nasa labas na kami ng gate ng bahay nila Belle.

"What if her grandma doesn't like you?" tanong ni Cza pagkatapos naming bumaba ng sasakyan.

"I doubt that to happen. I managed to win her mom and dad's heart before so i'm very confident of winning her grandma too. Tamang pang-uuto at pang-bobola lang sa matanda, matatanggap din ako nun." palakad na kami sa main door ng bahay bitbit ang isang punpun na bulaklak at chocolates.

"Jeez, Cara. Ang tanda mo na para sa ganitong galawan. Hindi ka ba na cocorny-han sa sarili mo?"

"This is what you called being sweet, Cza. Bitter ka lang talaga."

She rolled her eyes. "Corny nyo parin."

Nasa harapan na kami ng malaking pinto. Huminga ako nang malalim at saglit sinulyapan si Cza. "How do i look?"

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look horrible."

"Umayos ka nga." asik ko.

"Okay nga lang kasi. Jusko, pati ba naman hitsura kailangan perfect?"

I was not convinced. Tinignan ko ang sarili ko mula sa front camera ng aking cellphone para tignan hitsura ko. I fixed some strands of my hair that covers my face. I need to look decent in front of Belle's grandmother.

Nang ma-kontento na ay tatlong beses akong nag-doorbell at naghintay saglit. Bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang batang babae. Czarina and I looked confusingly at each other. Parehong nagtatanong ang mata namin sa isa't-isa. Ibinalik ko ang tingin sa batang babae at pinagmasdan ito nang maiigi.

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon