Agad akong lumapit kay Belle at binulongan siya.

"D'yan ka magaling sa paawa effect mo. Don't worry Belle sa oras na landiin niya ko tutugonan ko na."makahulogang sabi ko dito at sabay ngisi na alam kong balak niya kong sugorin pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang ipa-permamenta ang pustura niyang kaawa-awa para mapanatili niya ang image niyang mala anghel daw kuno. Tsk!

Agad ko na siyang nilampasan at narinig ko pang tinulongan siya ng mga kababaihan na kampi sa kadramahan niya. Pero wala akong pake alam kung masama na naman ako para sa ibang tao. Basta ako kilala ko ang sarili ko at ng mga taong nakaka-kilala sa tunay kong ugali.

Nang makapasok na'ko sa room agad kong tiningnan ang direksyon ni Denzel na ngayon ay hindi man lang pinansin ang pagdating ko.

Nasasaktan man ako pero nasa reality na kami. Wala sa kahapon na kung saan pareho lang namin ninakaw ang sandali para lang maka-sama ang isa't isa. At ngayon andito na kami sa reality kung saan ang tunay na mundo niya. Kung saan may isang Belle na nag e-exist sa buhay niya at isang Mari na pinipilit niyang kinakalimutan.

Nag-simula ang discussion para sa first subject namin hanggang sa naging sunod-sunod at natuwa lang ako ng mag break time na. Agad naman akong napa-tingin sa katabi ko na tumayo na pala at ready ng umalis gusto ko mang pigilan pero inawat ko ang sarili ko. Tama na Mari! Sapat na yung kahapon itigil mo na ang ilusyon mo na maibabalik pa kayo sa dati, pero hindi Mari. Hinding hindi na.

"Mari!"sigaw ni Jailly at sabay lapit sa'kin. "Saan ka ba nag-sususuot na babae ka? Simula nung hapon na bigla ka nalang nawala at kahapon hinanap ka namin. Hinanap ka rin ni Kyle, grabe yung pag aalala sayo nung tao. Hindi mo man lang din kami na isipan tawagan o itext man lang kung okay ka lang. Even yung barkada ni Denzel nag alala din sa'yo. Saan kaba kasi pumunta?"tanong nito.

"Sa bahay lang."sabi ko.

"Anong sa bahay lang. Naka lock kaya yung pinto ng apartment mo nung pinuntahan namin ni Kyle nung araw na bigla kang nawala . Pero kahapon hindi namin alam kung nandun kana pero saan kaba nagsuot nung unang hapon? Bakit nung hinintay kapa namin kinagabihan wala ka pa din?"tanong nito.

"S-sa isa kong kaibigan. Hindi mo siguro yun kilala."sabi ko nalang na ikinatango niya.

"But next time tumawag ka naman o mag text kung okay ka lang ba or kung nasaan ka na ba. Para hindi kami nag aalala sayo."she said at napa-tango nalang ako. "Okay kana ba? Wala kanang lagnat?"tanong niya sabay dampi ng likod ng kamay niya para damhin kung may lagnat pa ba ako o wala.

" Okay na'ko. Wala na'kong sakit."naka-ngiti kong sabi at tiningnan niya ko na parang naninigurado at tumango ako at ngumiti lang.

"Halika na nga. Kailangan kitang ipakita kay Kyle." sabi nito sabay hila sa'kin papunta nang cafeteria.

---

Nang makarating kami ay tamang-tama naman na and'un na si Kyle naka upo na mukhang hinihintay kami. Nang mapadako ang tingin niya sa'min ay agad siyang napatayo. Alanganin naman akong napa-ngiti. Bakas ang pag aalala sa mukha niya habang naka-tingin sa'kin na habang papalapit kami ni Jailly.

"Kamusta kana? Magaling ka na ba?"alalang tanong niya sa'kin ng makalapit na kami sa pwesto niya.

"Yup. Don't worry wala na kong sakit ngayon."naka-ngiti kong sabi sakaniya pero agad niya lang akong niyakap na ikinagulat ko at ikina-singhap ng mga tao na nasa loob ng cafeteria na nakakakita sa'min.

"'Wag mo na kong pinag-aalala hmm? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo."mahinang sabi nito habang nakayakap pa rin sa'kin. Tinapik ko naman yung balikat niya.

"Opo. Sige na tanggalin mo na ang pagkakayakap mo. Malaking issue na naman mangyayari nito."natatawa nalang na sabi ko na sinunod niya naman at agad din siyang humingi ng paumanhin sa ginawa niya pero itinawa ko nalang.

Habang tinitingnan ko si Kyle ngayon sa tabi ko. Kung pa'no ako asikasohin parang ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ko alam kung anong tama kong gagawin. Kung dapat ko na bang tugunan ang nararamdaman niya ? O ipagsa walang bahala na lang, pero alam kong kay Kyle may pag-asa ako. Kay Denzel wala na dahil may girlfriend na siyang tao. Kailangan ko nang palayain ang sarili ko sa nakaraan. At mag simulang mag bagong buhay ngayon sa kasalukuyan. Hindi naman na siguro masama kung mag papasok naman ako ng iba sa buhay ko. At kalimutan na ang Denzel na nasa nakaraan ko. Para wala nang gulo at malagay na sa maayos ang buhay naming dalawa.

"Mari. Okay ka lang? Natulala ka."sabi nito na nag pagising sa nag lalakbay kong isip. Tumango lang ako at ngumiti.

"Feeling ko nakaka-panira ako sa moment niyo. Alis na'ko makikipag moment din ako sa Boyfriend ko. Inggit ako sainyo eh."sabi ni Jailly sabay tayo. Na ikinatawa lang namin ni Kyle. Hanggang sa umalis nga siya sa table namin.

"Baliw talaga."natatawang sabi ko.

"Mari."agaw ni Kyle sa atensyon ko at mukhang may balak itanong. Agad naman akong napa-iwas sa paraan ng pagtitig niya. "Saan ka ba pumunta nung unang araw at kahapon din na di ka namin nakita?"tanong nito.

"Sa kaibigan ko bukod sainyo. Atsaka don't worry buhay naman ako. Andito nga ako o kausap mo."pabiro ko nalang na sabi na mukhang hindi niya nagustohan ang paliwanag ko. Pero hinayaan ko nalang. Dahil kung sasabihin ko sakaniya ang totoo magiging komplekado lang ang lahat.

Tinapos na namin ang pagkain at nangmatapos ay agad niya kong hinatid sa room ko. Hinalikan niya ko sa nuo ko bago siya ngumiting nag paalam sa'kin. Na ikina-ngiti ko rin at kumaway nalang sakaniya.

Yung mga chismosa hindi nawawala, 'wag kayong mag alala.

Nang makalapit na'ko sa pwesto ko ay nakita ko siyang prenteng naka-upo at naka-sandal sa upuan niya habang naka-pikit ito.

Hindi ko nalang siya inintindi at mukhang hindi pa dadating ang subject teacher namin kaya naman kinuha ko nalang ang notebook ko at nag sulat ng pangalan ko at ni Kyle. Trip ko lang habang naghihintay sa Prof. namin. Alam ko namang tulog yung katabi ko at walang pake sa ginagawa ko. Ngunit nagulat nalang ako ng bumangon siya sa pagkakasandal at agad napatingin sa akin na blanko lang ang expression pero nakakatakot pa rin siya habang matiim na tinitingnan ako. Agad kong pasimpleng sinarado ang notebook ko na ikina-tuon naman ng tingin niya roon. Agad niyang hinila ang notebook ko na ikasisigaw o ikakareklamo ko sana pero nanatili nalang akong tahimik para 'di kami maka-agaw pansin. Agad niyang pinunit 'yung notebook na kung saan naka-sulat ang pangalan naming dalawa ni Kyle at agad niyang inilapit ang kamay niya sa mukha ko na ikalalayo ko sana pero hinawakan niya ang braso ko para manatili lang sa pwesto ko. At pinunasan niya ang nuo ko na parang may kung anong binubura dun na ikinataka ko naman sakaniya. Nang makuntento na siya sa pag bura sa nuo ko. Agad niyang ikinuyom ang papel na parang may galit dun at sabay tapon sa basurahan malayo sa pwesto niya at shoot naman na naipasok at bumalik ulit siya sa pagkakasandal sa upuan at pumikit na parang walang nangyari.

Inis naman akong napa-tingin sakaniya pero hinayaan ko nalang ang ka werduhan niya. Hanggang sa nag-simula na nga ang klase dahil dumating na ang Prof. namin para sa klase namin ngayong hapon.

---

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now