Chapter 12:

36 14 0
                                    

Chapter 12:

Mari Pov's

Kinabukasan naisipan kong hindi na lang muna pumasok.

Bukod sa tinatamad ako, wala talaga akong lakas pumasok para ngayong araw. At ayaw ko 'ring makita ako ng ibang tao na mugto ang mata dahil sa kakaiyak. At para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ko. Kaya mas maigi pang hindi muna pumasok at mag pahinga nalang.

Nag-aasikaso ako ngayon ng kakainin ko at ramdam ko na ang gutom dahil hindi rin ako kumain kagabi dahil wala akong gana. Noodles lang at tubig ngayong pang umagahan ko dahil ito lang ang extra ko ngayon dahil hindi pa'ko nakapamalengke.

Tama rin siguro na umabsent ako. Mamamalengke nalang ako at mag-lilinis ng buong bahay.

"Nakakainis na 'tong matang 'to , ayaw tumigil sa kakaiyak!"inis na reklamo ko sa mata ko, dahil ngayon na naman ayaw na naman mag pa-awat sa pagtulo nang luha ko.

"Ano ba?Kumain ka na lang Mari!"sabi ko nalang sa sarili ko at pinahid ko ang luha ko at nagsimula nang kumain ng noodles habang wala pa ding preno ang luha ko kaya hinayaan ko nalang.

Mukha lang akong tanga! Na parang iniiyakan ang pag kain.

Padabog na bumukas ang pinto at gulat akong napatingin dito.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko.

"Bwisit kang bruha ka? Ba't hindi ka pumasok? At hindi ka man lang nag sabi sa'kin."reklamo sa'kin ni Jailly sabay lapit nito at may taka sa mata niya habang sinusuri ako. Agad akong napa-iwas ng tingin at hindi pinansin ang tanong niya at nagpatuloy lang sa pag-kain.

" Umiyak ka ba Mari?"tanong nito at ini-angat ang mukha ko para maklaro niya ang itsura ko. "Bukod sa mugto ang mata mo. Ang itim pa ng ilalim ng mata mo. Sa itsura mo mukhang papasa ka nang maging aswang."sabi nito na ikinatawa ko pero alam ko sa sarili kong pilit lang yun.

"May nangyari ba na hindi ko alam? Wala ka nang ikinu-kwento sa'kin. Para tuloy akong tanga na nanghuhula nalang."inis na tampo niya. Sabay upo nito paharap sa akin. "Mag sabi ka naman sa'kin Mari, i-share mo para hindi ka mag isa d'yan sa dinadamdam mo."sabi pa nito.

Kaya dahil sa sinabi niya ay wala na akong choice kundi sabihin sakaniya kung bakit ako umiiyak. Kinuwento ko ang iilang ditalye  at pati tungkol sa pangako sa'kin ni Denzel na napako na. Hindi ko na pinahaba pa ang k'wento at hindi ko na 'rin sinabi lahat tungkol sa nakaraan at ang ikinuwento ko lang ay sapat lang na maiintindihan niya.  At nakinig nga lang siya habang nagkukwento ako at hindi ko na naman naiwasang mapaluha. Agad naman akong niyakap ni Jailly nang matapos akong magkwento.

"Siraulo pala 'yang Denzel na 'yan e', walang paninindigan sa pangako niya. Hayaan mo na siya Mari. Wala 'yung bayag. Kalimutan mo nalang siya, makakahanap ka din ng may mas deserving para sayo. Malay mo nga baka si Kyle na, kahit na tutol pa 'rin ako. Kung 'yun na talaga ang para sayo e' 'di gora."sabi nito na ikinatawa ko at pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at humiwalay na sa pagkakayakap niya.

"Sira."tatawa-tawa kong sabi.

"Bakit ka nga ba kasi umalis ng hindi nagpapaalam noon? Malaking katanungan 'yan na hindi mo pa rin sinasagot."sabi niya.

"Mababaw lang na dahilan. Pero 'wag na nating ungkatin. Wala naman ng mababago."sabi ko nalang at umiwas ng tingin.

" Kung maipapaliwanag mo lang sana yung dahilan kung bakit ka umalis. Baka maayos pa ang sainyo."

"Hindi na rin yun mahalaga sa ngayon lalo na may mahal na siyang iba . Ayaw kong manira ng relasyon. Alam ko ring hindi talaga kami para sa isa't isa."sabi ko nalang.

"Yan ang desisyon mo e. Ang opinyon ko lang naman kung sasabihin mo sana ang dahilan mo malay mo may mabago. Pero tama ka 'rin, kung alam mong masaya na ang taong mahal mo sa iba , 'wag mo nalang sabihin. Tutal naman hindi na rin naman 'yun mahalaga ngayon."sabi nito.

"Putspa ang init! Ang sakit ng dila ko!"inis na sabi ko at tinitigan ng masama ang noodles na kinakain ko at umiyak na naman ako. Bwisit talaga.

" 'Wag mo nang sisihin ang noodles, umiyak ka lang e' . 'Wag ka nang mahiya sa'kin."sabi nito at niyakap ulit ako.

---

Maghapon siyang andito sa bahay at tinulongan niya na lang din ako sa paglilinis  at nagkukwento siya ng nakakatawa para lang matawa ako, kaya kahit pilit na tumawa ay ginagawa ko para hindi naman masayang ang effort niya. Kaya kahit papano gumaan din ang pakiramdam ko dahil andito siya. May isang taong andyan para damayan ako at kailan ma'y hinding hindi ako iiwan.

" Mari naiinlove kana ba sakin? Ako nalang kaya ang jowain mo."biglang hirit nito ng mapansin niyang naka-tingin ako sakaniya kaya agad ko siyang binato ng unan ng sofa at natawa sa biro niya.

"Gagi!"sabi ko at tawa ng tawa.

"Gan'yan, tumawa ka na ng totoo."sabi nito. Na ikinatahimik ko agad. " Mari andito lang ako bilang bestfriend mo. 'Wag kang mag-alala kahit alam kong madaming pumipila  na manliligaw ko, wala muna akong sasagotin , hanggat hindi ka pa nagkaka-jowa."sabi pa nito na ikinabato ko ulit sakaniya ng unan at natawa sa kahanginan niya.

"Ulol! Wala nga akong nakikita na umaagilid sayo."natatawang sabi ko.

"Meron kaya hindi mo lang nakikita."sabi niya.

"Mga multo ata mga manliligaw mo kaya hindi ko makita."tatawang-tawa kong sabi.

"Epal ka talaga. Hindi na nga lang kita aantayin. Kapag meron talagang manligaw sa'kin. Sasagotin ko agad bahala kang mag isang single."sabi pa nito na mas lalo kong ikinatawa.

Kahit papano pansamantala 'kong nakalimutan ang dinaramdam ng puso ko . At salamat kay Jailly dahil dinamayan niya ko at andito siya ngayon pinapatawa ako . Ang swerte ko dahil may isa akong kaibigan na tulad niya...

----

I'm Just His Past [COMPLETED] [UNDER REVISION]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant