[24] I've never felt this way. To be so in love.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

“Oo.” She nodded. “Kakakain ko nga lang e. Huwag ka ngang mag-alala. Okay lang ako dito no. Doon ka na sa auditorium, baka mas kailangan ka don.”

“Iwan mo na lang kaya yan sa ibang officers? Kaya na nila yan. Muka ka talagang hindi okay e.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Dadalhin na kita sa clinic.”

“Ano ka ba, I’m fine.” She smiled to assure me pero hindi e.

I know she’s not. “I’ll bring you to the clinic.”

“Lewis!” Saway niya. “Mag-aaway na naman ba tayo? Sinabi ko ng okay ako. You don’t have to worry. I’m fine.”

“Pero sigurado ka ba?” Nag-aalala kong tanong sa kanya.

“Oo. Huwag ka ng makulit.”

Okay. I gave in. Ayoko ng pag-awayan pa namin to. “Talagang sigurado ka diyan ha? Pag nakaramdam ka ng hindi maganda, tawagan mo agad ako ha.”

“Yes, boss.” Binelatan pa niya ako.

“Doon muna ako sa auditorium. Tawagan mo ako ha.”

“Opo, opo. Umalis ka na.” Natatawa siya habang hinatid pa ako palabas ng room.

“Huwag ka ngang ngumiti. Naiinlove ako e.” (-___-’)

“Tse!” Mas tumawa siya ng malakas. “Nambobola ka pa e. Lumayas ka na nga. Haha!”

Pinagtulukan niya talaga ako palabas ng SC. Kaloka! Pero hindi pa din ako assured na okay siya. I don’t know, kaso ayaw niyang kulitin ko siya. Ichecheck ko na lang siya mamaya. Dumerecho na ako sa auditorium upang siguraduhing okay na ang lahat. Ilang oras na lang ang meron sa amin at magsisimula na ang concert.

xxx  

AICEL 

♪♫The dawn is breaking, A light shining through.
You're barely waking and I'm tangled up in you.
Yeah. ♪♫


*Yaaaawwnn.*

Ano ba yan! Imbis na sa sigaw ako ng Kuya ko magising, dito pa talaga sa tumatawag. Kanina pa to ah. Hindi man lang naisip na baka tulog pa yung tao? Hindi ko pa rin sinasagot ang tumatawag sa akin. Una sa lahat, nakakatamad bumangon. Alam niyong feeling na hinahatak ka ng kama mo pabalik? Ang sarap kayang matulog ngayon dahil sobrang lamig at wala kaming pasok dahil concert mamaya. Preparation sa umaga at concert sa gabi. Tapos itong bwisit na tumatawag, panira ng tulog ko. (-___-’)

Pero kung kanina pa to tumatawag, malamang importante to.

♪♫I'm open, you're closed. Where I'll follow, you'll go.
I worry I won't see your face
Light up again♪♫ 


Bumangon na ako upang kunin ang cellphone ko na nakatapong sa side table ng kama. Hahawakan ko na sana yung cellphone nang biglang tumigil sa pag-ring. Sino kaya to? May importante kayang sasabihin to? I checked my phone and woooah! (O.O)

Is it real? Is it real? Anong problema nitong kumag na to?

39 Missed Calls.
45 New Text Messages.

All from Sage Padilla.

Sira ulo talaga yun. Bakit kaya? Binuksan ko ang messages niya at finlood lang naman ako ng ‘Pick up the phone. Now na.’ at ‘Why aren’t you answering my call?’ messages. Aba! Ano siya? Boss ko para sundin? Duh.

Sub-conscious: Sa pagkakatanda ko, slave ka pa niya.

Tssss. Asar! (-___-’)

♪♫The dawn is breaking. A light shining through.
You're barely waking and I'm tangled up in you.
Yeah. ♪♫

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon