CHAPTER 4: Back To Sorsogon

Start from the beginning
                                    

"Yung totoo where is your things?" tanong ko sa kaniya.

"Nandoon na sa sasakyan ni tito nauna pa sa'yo." sagot niya.

"Great." Sabi ko.

"So since nandito na tayong lahat paki-check na lang kung may kulang pa sa mga dadalhin ninyo o may naiwan ba kayong gamit para makaalis na tayo." sabi ni Papa.

"Wala na siguro, Papa." sabi ko.

"Ikaw Claire baka may naiwan o nakalimutan ka pang gamit?" tanong ni Papa kay Claire.

"Wala na rin po, tito!" hyper na sagot ni Claire kay Papa.

Yung totoo pinaglihi ba sa asukal to? Sobrang hyper e dinaig pa yung mga batang kumain ng asukal na di man lang nagpapaalam sa magulang.

"Okay, good. Manang Yoli ikaw na muna ang bahala sa bahay, kapag may naging problema dito tawagan mo na lang ako. Alam mo na rin kung paano ako makokontak, hindi ba?" saad ni Papa kay manang Yoli.

"Oo naman, sir. Sige na ho umalis na kayo dahil baka gabihin kayo sa daan mahirap na probinsya pa naman ang pupuntahan ninyo." sabi ni Manang Yoli.

"Manang Yoli ang aga pa po oh alas sais pa lang ng umaga." natatawang sabi ko sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka oh sya sige umayo na kayo para makapaglibot pa kayo pagdating ninyo doon." nakangiting sabi ni Manang Yoli.

Ngumiti rin ako sa kaniya at lumapit para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Oh alam kong mami-miss mo ako pati na rin ang nga luto ko."

"Opo na manang, mag-iingat ka dito manang." pagpapaalala ko sa kaniya.

"Oo, sige na baka maabutan kayo ng traffic." sabi ni Manang Yoli sa amin.

"Sige po, manang aalis na kami." pagpapaalam ni Papa kay Manang Yoli.

"Sige, mag-iingat kayo doon ha." sabi ni Manang Yoli sa amin.

Nang makapasok ako sa sasakyan nagulat ako sa dami ng mga bagahe sa loob ng sasakyan.

"Sa akin lahat 'yan!" sigaw ni Claire na ikinagulat ko at umupo na siya may tabi ng bintana.

Hindi ako nagulat dahil sa sigaw niya nagulat ako dahil sa dami ng mga gamit at bagahe na dala niya. Yung totoo isang taon ba siya mamamalagi sa probinsya? My God!

"Isang taon ka mag-s-stay sa probinsya, Claire? Ang dami ng dala mo ah?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Duh! Isang taon agad? Hindi ba pwedeng ready lang ako atsaka hello mga importanteng bagay lang ang dala ko no!" sagot niya at in-emphasized ang salitang 'LANG'

Grabe sa lagay na 'yan 'Lang' lang 'yon? Dinaig niya pa ang kulay lila na bag ni Dora The Explorer.

"Sabi ko nga importanteng bagay lang ang dala mo." sabi ko at diniinan ang bawat salita.

Hindi na siya umimik natulog siguro. Nasa front seat nga pala ako nakaupo habang si Papa naman nasa driver's seat. Inaantok na ako kaya matutulog muna ako sasabihin ko na lang kay Papa na gisingin na lang kami ni Claire kapag malapit na kami makarating.

Third Person's POV

Labing-isang oras ang itatagal ng biyahe nila Zaphria mula Manila patungong Sorsogon. Matagal-tagal na rin ang panahon na lumipas magmula noong kunin ng kaniyang ama si Zaphria sa poder ng kaniyang lola mula nang pumanaw ito.

Mahigit apat na oras nang nasa biyahe sila Zaphria kaya huminto muna sa pagmamaneho ang ama ni Zaphria sa isang gas station para magpa-gas at the same time para bumili na rin ng pagkain na kakainin nila habang nasa biyahe. Matapos magpa-gas at bumili ng pagkain dumaan muna sila sa isang restaurant para mag-agahan hindi pa kasi sila kumakain mula kaninang umaga kaya kakain muna sila ngayon.

Zaphria's POV

Nagutom kami kaya napagpasyahan namin na kumain muna sa malapit na resto dito sa lugar kung saan kami huminto. Medyo malayo-layo na rin ang binyahe namin kaya gutom na rin kami.

Pagkatapos naming kumain ay bumyahe ulit kami papuntang Sorsogon. Pagkarating namin sa mismong bulwagan ng Sorsogon ay agad na sumalubong sa akin ang malakas at preskong hangin na nagmumula sa karagatan. Kahit tirik ang araw hindi ito masakit sa mata napakagandang pagmasdan ng malawak na karagatan dahil na rin sa mga naglalakihang alon nito.

Ibang-iba talaga ang buhay probinsya dito ramdam na ramdam mo ang kapaligiran. Preskong hangin, naglalakihang mga alon, kakaunting sasakyan, at higit sa lahat dito tanggap ka nila kung ano at sino ka hindi kagaya sa City madami kang makakasalamuha na mga toxic.

"Ang ganda dito Ria." manghang sambit ni Claire habang nakatingin sa mga nadadaanan namin.

Nakatingin pa rin ako sa labas ng sasakyan at masayang pinagmamasdan ang magandang tanawin nang biglang magsalita si Papa.

"I think i know the second reason why you don't want to leave this place, anak." sabi ni Papa habang patuloy na nagmamaneho.

"Yeah." tanging salita na lumabas sa bibig ko.

4:20 PM

Hapon na nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin mabuti na lang hindi kami inabutan ng gabi sa daan. Bago kami makarating dito nakapag-check in na si Papa kaya wala na kaming problema.

Pagod kaming lahat sa biyahe kaya napagdesisyunan namin ni Claire na bukas na lang kami mamamasyal bukas ko na lang din muna dadalawin si Lola sa libingan niya miss na miss ko na siya. *sighs*

Si Papa naman ayun nasa kwarto niya may kausap about work ata akala ko nga iiwan niya na muna ang trabaho niya doon pero hanggang dito pala magta-trabaho siya tigas rin minsan ng ulo ni Papa sa kaniya talaga ako nagmana sa katigasan ng ulo.

Maliligo muna ako pagkatapos magpapahinga na rin and then dinner then after that I'm going to sleep para may energy ako bukas.

Defiant Youth Series #3: Her Unwanted LifeWhere stories live. Discover now