"H-hel .. m-mahal kita .. mahal na mahal kita! Noon palang inamin ko na sayong mahal kita diba?"Napatakip ako sa bibig hindi makapaniwala sa nakikita at narinig ko. Umiiyak si Trisha sa harap ni Helios at halos lumuhod na ito dahil sa sobrang pag iyak. "D-Dalawang taon na kong nag hihintay na s-sana makita mo naman na may ibang taong gusto makapasok sa puso mo!"

"Trish .. please. You're drunk. Tara na ihahatid na kita sa room mo."hinawakan sya ni Helios sa kamay pero tinabig lang nya to.

"No! Im not d-drunk!" Nagulat ako ng bigla itong mapaupo sa lupa at umiyak ng umiyak .. lumuhod naman si Helios at patuloy na inaalalayan to kahit inaalis din naman. "M-mahal kita Helios.. pero baket hindi mo manlang ako makita?! Baket hindi mo manlang ako mahalin tulad ng pag mamahal ko sayo?! A-ano bang kulang saken .... A-ano bang meron s-sya na wala ako?! Sabihin mo! Sabihin mo saken ano bang meron sya na wala ako?! " Natigilan ako ng sumigaw na sya at bigla nalang nyang pag papaluin sa dibdib si helios na para bang dun nya nilalabas lahat ng sama ng loob nya pero binabaliwa lang yun ni Helios at tinatanggap lahat.

"Please Trisha tama na to, alam mong mahalaga ka din saken at ayaw kong nakikita kang nagkaka ganyan."

Parang unti unting pinupunit ang puso ko sa narinig.. mahalaga sakanya? B-baket? Mahal na din ba nya ito?

"Liar! K-kung mahalaga ako sayo .. baket hindi moko magawang m-mahalin? Sagutin moko please.. Ano paba ang dapat kong g-gawin para mahalin mo? I can give you everything Helios .. lahat k-kaya kong ibigay sayo k-kahit ang katawan ko handa akong ibigay sayo Hel .. please! Just love me back."

Napako ako sa kinatatayuan ko at nanlalaking mga mata habang nakatingin ngayon sa dalawang taong magkalapat ang mga labi. Bigla nalang kase nitong sinunggaban ng mapusok na halik si Helios. Hinihintay kong itulak nya ito pero walang nangyareng ganun.. hanggang sa may kamay na humila saken at nakita ko nalang ang sarili ko na nasa dalampasigan at yakap yakap ng kung sino.

"Come on. Iiyak mo lang hanggang sa wala kanang maiiyak." nang marinig ko ang sinabe nya ay awtomatikong nag unahan ang mga luha ko at sunod sunod na hikbi ang kumawala saken at dahil sa pang hihina ay napaluhod ako buti nalang ay hindi ako nito binitiwan at inalalayan parin ako.
"Ganyan nga.. iiyak mo lang."

"A-ang saket saket sa dibdib Creed! sobrang saket makita syang m-may kahalikang iba! P-para akong sinasaksak paulet ulet sa puso lalo na ...Lalo na nung h-hinayaan lang nya! sobrang saket!" Tahimik lang sya at alam kong hinahayaan nya kong ilabas lahat ng saket kaya nag patuloy ako kahit halos hindi kona kayang mag salita "Mahal ni Trisha si Helios at handa syang g-gawin ang lahat para sa p-pag mamahal nya kay Helios."

"Pero phoebe makinig ka .." hinawakan nya ang parehong pisngi ko at marahang inangat at tinitigan ako "sabe mo nga, Si Trisha ang nag sabe na mahal nya si Helios .. hindi si Helios. Hindi ba dapat kahit papano ay panatag ka dun?" Umiling ako habang patuloy ang pag iyak.

"N-narinig kong sinabe ni Helios na mahalaga si Trisha sakanya at hindi nya to kayang nasasaktan..."

"What's your point Phoebe?"

"paano kung narealized ni Helios na m-mahal nya din pala si Trisha? Kaya hindi nya pinigilan ang halik nito kanina.. H-hindi ko ata kakayanin Creed." napahagulgol ako dahil sa naisip.

"Kung hindi mo kayang makita syang mag mahal ng iba ... baket hindi mo pa sabihin sakanya na mahal mo parin sya?"

"Paano? Paano ko sasabihin sakanya yun kung alam kong meron na pala akong masasaktang tao?" Napabuntong hininga nalang sya at saka ako niyakap ulet. Hinayaan lang nya akong umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako at di ko namalayang nakatulog na ko sa bisig nya.

Kinabukasan nagising ako ng sobrang bigat at saket ng ulo. Nilibot ko ang tingin at nakitang nasa kwarto na ko.
Unti unti akong natulala ng maalala ko ang nangyare kagabe at kung paanong nakatulugan ko nalang ang pag iyak sa bisig ni Creed.

"Buti naman at gising kana bebe girl hinatid ka ni Creed kagabe at nakatulog kana daw dahil sa nainom mo," Napalingon ako sa pinto ng bumukas yun at bumungad si Glenda at naka crossed arms "ikaw talaga, mabuti nalang nakasabay namin si Creed sa Lobby at wala na masyadong tao. Mahirap na baka may paparazzi na nasa paligid at makuhanan kayong dalawa lang at buhat buhat ni Creed."

"Sorry masyado lang naparame ang inom ko kagabe." Pag sisinungaling ko.

"Sya sige, Kakaen na tayo at maya maya lang aalis na tayo kaya bumaba kana okay?" I nodded.

"Sige susunod na ko maliligo lang ako." nag thumbs up naman sya saka sinara ang pinto huminga ako ng malalim bago tumayo para mag asikaso ng sarili at mga gamet ko.
Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog yun kaya kinuha ko at tiningnan kung sino ang nag text.

'Goodmorning sleepyhead! Gusto ko lang sana sabihin na hindi na ko makakasabay sainyo sa pag balik sa Manila. Dad called me last night and it's urgent. btw Sana okay na pakiramdam mo ngayon. Take care Miss Asul.'

Napangiti ako sa chat nya. Hindi manlang ako nakapag pasalamat ng personal dahil hindi nya ko iniwan kagabe babawi nalang ako pag balik ng Manila.

-----
Kung anong kinahaba ng previous chapter sya namang kinaikli nitong sumunod hehe di naandar ang imagination ko sa ngayon kaya bawi nalang ako sa next chap.

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now