Kabanata 3

69 8 0
                                    

Kabanata 3

ARAYA GEORGINE

"ANG hirap ng sitwasyon natin." naiusal ko na lamang. "Ninakawan na tayo ng lupa, tinanggalan ng mga karapatan, binura pa sa kasaysayan. Parang patay na rin naman tayo kung tutuusin kaya bakit habol pa rin sila nang habol sa atin? Isa pa, ang kapal din naman nilang pagbantaan tayo. I mean, ngayon pa? Ngayon pa talagang ang dami na nilang pinatay sa pangkat natin? Ano 'yon? Gawa muna bago banta?"

Hindi ko mapigilan ang bugso ng galit ko. Sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumugod at paslangin ang mga hayop na iyon pero hindi ako pwedeng magpadalos-dalos ng kilos. Hindi lang buhay ko ang malalagay sa panganib kundi pati na rin ang mga nasasakupan namin.

BloodStone ang pangalan ng pack namin. Ang totoo, isa kaming kilalang pack dati. Kami rin ang pinakamayaman at nangunguna sa ranggo ng malalakas na mga pack noon. Oo, noon lang. Noong mga panahong wala pang tumatraydor sa dating alpha na ama ni Feliz. Napaslang ang ama ni Feliz at nawawala naman ang kanyang ina. Wala akong masyadong alam sa mga nangyari noon maliban sa katotohanang may traydor.

Hindi ko kilala kung sino ang trumaydor sa pack pero kahit sino pa man iyon ay hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Naghihirap ngayon ang mga mamamayan namin dahil sa kalapastanganan niya.

Isang miyembro ng Werewolf Council ang kumuha sa lupain namin dahil ibinenta na raw sa kanila ang titulo no'n. Nang hanapin naman ni Feliz sa kanya ang titulo ay wala siyang maipakita. Sapat na dahilan na iyon para magmatigas kami na hindi lumayas doon. Ipinaglaban namin ang lupa ngunit dahil masyado siyang malupit ay pumaslang siya ng ilang kasamahan namin para lang mapalayas kami.

Nagalit kami at nakipaglaban sa kanya. Sanay na rin kami ni Feliz sa kapangyarihan namin noon kaya alam naming madali lang namin siyang matatalo lalo na at nag-iisa lamang siya. Ngunit akala lang pala namin 'yon dahil may dumating na nakasuot ng itim na kapa. Malaki ang kapa pati na rin ang hood kaya hindi namin mawari kung babae siya o lalaki. Naglabas siya ng itim na usok sa kamay at ipinalibot sa amin iyon. Nalanghap namin iyon na ikinawalan namin ng malay.

Nang magising kami ay nasa gitna na kami ng kagubatan kasama ang mga natitirang miyembro ng pack. Dahil walang permanenteng tirahan, naging pagala-gala kami at kung saan-saan na lamang natutulog. Iniiwasan naming pumasok sa border ng mga pack para hindi kami magkaroon ng problema. May mga pack pa naman na malupit kahit hindi rogue ang kalaban.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang lupa na itong tinitirhan namin ngayon pero masasabi kong ito na ang pinakamatagal na pananatili namin sa iisang lugar. Ang tulugan namin ay mga kubo na pinagtulong-tulungan pa naming gawain. Para naman may makain ay nangangaso ang mga lalaki at nagtatanim naman ng gulay ang mga babae. Ang mga kabataan naman ay naghahanap ng mga prutas at mga panggatong na kahoy na ginagamit sa pagluluto.

Walang ibang tutulong sa amin kundi kami-kami lamang.

"Kumalma ka, Georgine. Wala ng mapapahamak sa mga mamamayan natin." saad niya na bakas ang kasiguraduhan sa boses.

"Paano mo naman nasabi?" Kumunot ang noo ko at saglit akong napaisip. Nang may pumasok sa isip ko ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Anong ginawa mo, Feliz?"

"Pumayag ako sa gustong mangyari ni Maya." Ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Wala rin namn akong magagawa dahil mas marami siyang nalalaman."

"Aside from that?"

"I told her to take care of our packmembers but not to meddle to our business."

"What do you mean by that?"

"Dadalhin natin ang pack sa SilverMoon. Sa ganoong paraan ay wala silang magagamit na panlaban sa atin. Maganda ng panimula iyon para kunin pabalik ang mga kinuha sa atin." sagot niya at seryosong tumingin sa akin. "Tayong dalawa lang ang kikilos para bawiin ang lahat. Hangga't maaari ay ayaw kong madawit sina Amaya at Atara sa gulo nating dalawa. Tama na 'yong kupkupin muna nila ang mga kasamahan natin. Malaking bagay na iyon para sa akin."

"Pero paano kung idamay pa rin nila sila? Kilala mo ang mga taong 'yon, Feliz, wala silang puso. Papatay at mananakit sila nang walang pagdadalawang-isip, makuha lamang ang gusto nila."

"Walang problema roon, Georgine. Tulad nga ng sinabi ko, marami ng nalalaman si Maya. Sa tingin mo ba'y basta-basta na lang siyang makikipag-alyansa sa atin nang walang sapat na dahilan?" Nakangising umiling-iling siya. "With Siri as her wolf and being favored by Sairen, she always know what to do. She's two steps ahead, Georgine."

"Ha? Hindi ko maintindihan. Kasasabi mo lang kanina na hindi siya mangingialam tapos ngayon naman ay two steps ahead? Ano ba talaga?" Iritado at naguguluhang tiningnan ko siya. "Linawin mo nga."

"You're just slow, Georgine. Hahayaan niya tayong kumilos at harapin sila ngunit hindi ibig sabihin no'n ay pababayaan na niya tayo. She can see the future, Georgine. She'll tell us if we're going to succeed or not."

"Mangingialam na naman siya sa daloy ng oras?" Bakas ang hindi pagsang-ayon sa boses ko. "Hindi sa hindi ko gusto 'yon pero hindi ba't masyadong delikado iyon para sa kanya? Hindi pa ba siya nadadala? Gusto na ba niyang matuluyan?"

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagkakabayaning ginawa niya noon. Gusto ko sana siyang tawaging tanga pero kung ako man ang may kakayahan na ganoon ay paniguradong gagawin ko rin iyon mailigtas lamang ang mga nasasakupan ko. Oo nga at Beta lang ako pero tutulong ako kay Feliz sa kahit anong paraan na alam ko, kaya ko man o hindi. Kahit pa buhay ko ang maging kapalit. Aanhin ko naman kasi ang nag-iisang buhay ko kung marami naman ang mamamatay? Mas mabuting isa na lang ang mamatay kapalit ng maraming buhay. Hindi rin naman masamang magsakripisyo lalo na kung para sa mga taong mahal mo.

Ang hindi ko lang maintindihan ay nabigyan na siya ng ikalawang buhay pero bakit mukhang sasayangin niya ulit iyon?

"Ang sabi niya ay posibleng gumaan na ang parusa dahil may kinalaman ka naman raw sa gagawin niyang pangingialam sa hinaharap."

REDFLAIRWhere stories live. Discover now