Simula

204 6 1
                                    

Simula

"The Alpha of Redflair is staring at you."

"Pake ko?" Inirapan ko si Feliz at ipinagkrus ang mga hita't braso ko. Sa isang kamay ay nilaro-laro ko ang wine glass na may laman pang red wine. Tinitigan ko 'yon at ngumisi. "Tumitig siya hanggang sa lumuwa ang mga mata niya."

Napailing na lamang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita pa. Pareho naming pinapanood ang mga panauhin na may sari-sariling mundo. Nasa Ravenscent kami ni Feliz dahil inimbitahan kami nina Tara at Zaire sa kasal nila. Kanina pa natapos ang seremonyas ng kasal at party-party na lamang ang nagaganap ngayon. Inisang lagok ko ang hawak at ibinaba sa mesa ang baso.

"Masyado ng malalim ang gabi, Feliz. Kailangan na nating bumalik." wika ko gamit ang mindlink namin. "Tsk. Kanina ko pa hindi nakikita ang bagong kasal kaya malamang na tumakas na ang mga 'yon at nasa langit na ngayon."

"Malamang 'yon." Naiiling na bumuntong-hininga siya at tumayo. "Hanapin mo si Maya at ako naman ang kakausap sa kapatid ni Tara."

Tumango ako sa kanya at pinanood ang pag-alis niya bago tumayo para hanapin si Maya. Dapat ay kanina pa ako nag-ayang umuwi kung hindi ko lang nagustuhan ang pagbibigay sa akin ng atensyon ng lalaking 'yon. Napangisi ako nang maalala kung gaano siya kagulat nang makita ako kanina. That was so priceless. Hindi niya siguro inaasahan na buhay pa ako.

Napawi ang ngiti ko nang maalala ang mga nangyari anim na taon na ang nakakalipas. Marahas akong bumuntong-hininga at kinatok ang ulo. May mga bagay na hindi ko na dapat naaalala pero dahil nakita ko ang pesteng iyon ay bumalik sa isipan ko ang mga nangyari noon. Naikuyom ko ang kamao kasabay ng pagbigat ng hininga ko nang ipakita ng utak ko ang mga karumal-dumal na pangyayari noon.

"Kumalma ka, Georgine." wika ni Lira, ang wolf ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang makaramdam ng pagkahilo. Nasusuka rin ako. Ganito ang epekto sa akin ng mga bwisit na alaalang 'yon. Nakakagalit. Ako na nga ang naagrabyado noon, ako pa rin ang naghihirap hanggang ngayon.

"S-sorry." wika ko nang may mabangga ako.

"Araya?"

Parang bulang nawala ang hilo ko nang marinig ang boses na 'yon. Umayos ako ng tayo at nakangiting hinarap ang lalaki.

"Grey!" Mahipit ko siyang niyakap bago titigan. "Ano, kumusta? Hindi ko alam na nandito ka rin pala. Nasaan si Moni?"

"I'm fine. Nasa loob ang asawa ko, kausap si Maya." Bahagya siyang ngumiti at nag-aalalang tiningnan ako. "Ikaw? Masama ba ang pakiramdam mo? You're pale, Araya."

"I'm fine. Anyway, I have to go now." Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "Bibisitahin ko kayo sa SavageStone kapag may oras na ako."

"Yeah, you should really do that." Ginulo niya ang buhok ko bago ako halikan sa noo. "I'll wait for you."

Naiiling na tinapik ko ang balikat niya bago siya lampasan at tahakin ang daan papunta sa main packhouse. Ilang hakbang na lang ay malapit na ako roon nang may humawak sa braso ko at hilahin ako papunta sa kung saan. Biglang kumulo ang dugo ko nang maramdaman ang pamilyar na kuryente na dumadaloy mula sa hawak niya. Bago ko pa man mahila ang braso ay humigpit na ang hawak niya roon. Nagsalubong ang kilay ko ngunit hinayaan kong hilahin niya ako. Nang makapasok kami sa magubat na parte ng RavenScent ay mabilis ko siyang ibinalibag sa lupa.

"Anong karapatan mong hawakan ako?!" angil ko at nandidiring pinunasan ang balat kong hinawakan niya. Inignora ko ang pag-angil niya at akmang aalis na roon nang humawak siya sa binti ko. Kung kanina ay kumulo ang dugo ko, ngayon naman ay nangingilabot ako. Parang isang palabas na lumitaw sa isipan ko ang mga nangyari noon. "B-bitawan mo 'ko."

Nang sundin niya ako ay parang lantang gulay akong bumagsak sa sahig. Halatang hindi niya inaasahan 'yon kaya agad siyang tumayo para marahil tulungan ako. Akmang lalapitan niya ako nang gumapang ako paatras habang marahas na umiiling sa kanya.

"I—"

"Hu-huwag! Huwag kang lalapit!" Nag-umpisa ng tumulo ang luha ko habang patuloy sa paglayo sa kanya. Medyo nahihirapan ako dahil sa panginginig ng katawan ko. Akala ko ay kaya ko na pero hindi pa rin pala.

"Ako ang mate mo kaya normal lang na gawin natin 'to."

"N-no... Please don't."

"Wag kang malikot, George."

"W-wag, Brian."

"Sshh... Masakit lang 'yan sa una. You'll like this later."

"No. I hate this. At kinamumuhian na kita dahil dito."

"F-fuck, George! Ah! Ah!"

"T-tama na! Tama na!" Mariin akong pumikit. Tinakpan ko rin ang magkabilang tenga gamit ang dalawang kamay pero naririnig ko pa rin ang mga ungol niya habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. "A-ayoko na. Please, ayoko na. Tama na. Tigil na."

"Georgine."

"Bitawan mo 'ko!" sigaw ko nang may biglang humawak sa braso ko. Nagsimula na rin akong magwala. "Bitawan mo 'ko! Ayoko nito! Ayoko nito!"

"Araya Georgine!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na ikinatigil ko sa pagwawala at pagsisigaw. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko nang magmulat ako at mag-angat ng tingin para tingnan kung sino 'yon.

"F-Feliz!" Kahit nanginginig ang katawan ay nagawa ko pa rin siyang dambahin ng yakap.

"Hush, Georgine. You're safe now." Marahang hinagod niya ang likod ko para pakalmahin ako. "I'm here. I'll protect you."

Nang kumalma ay saka ko lamang tiningnan ang paligid at doon ko lang napagtanto na nasa kwarto ko na ako. Nagtatakang kumalas ako sa kanya at nag-umpisang punasan ang basang mukha.

"N-nasa pack na tayo? Paano?"

"Malamang umuwi tayo."

"Ha?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Dalawang araw ka ng tulog." imporma niya at saka ngumiti. "Naghanda ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka pagkagising mo."

Iniiwasan niya ang tanong ko. Tinitigan ko siya at dahan-dahang ngumiti. Kakagising ko lang at nagugutom na nga ako. Makakapaghintay naman ang tanong ko.

"Oo nga." Nakangusong hinawakan ko ang tiyan. "Gutom na ang mga alaga ko."

Mas mabuti rin siguro na kalimutan ko na iyon dahil bangungot lang naman 'yon. Nasa pack na ako at imposible ng magtagpo pang muli ang landas namin.

REDFLAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon