Verse 3

18 1 3
                                    

Secrets
One Republic

~

Nagningning ang mata ko nang mailapag sa lamesa ang tapsilog. Grabe! Sobrang nakakatakam ang amoy! How come I never knew about this place?

Agad kong pinicturan iyon nang kita si Dustin sa background. Nakakunot ang noo niya roon habang pinupunasan ng tissue ang utensils.

I giggled because he looked handsome even on stolen pictures. Ang unfair ng mundo!



I posted it on my IG story with the caption I finally found the less than to my three. Then I mentioned him so he will see.

Agad ko ring ibinaba iyon at ginaya ang ginawa niya sa kutsara at tinidor. Nang matapos ay kumain na rin kami.

Halos mapapikit ako kada subo. Ang sarap talaga! Parang mapapadalas ang balik ko rito kahit medyo malayo sa condo. Sulit sa pagod at gas! Ngayon lang yata ako nakatikim ng tapsilog na ganito kasarap.

I glanced at Dustin who's silently eating. He wasn't saying anything but he looks like he's enjoying the food. Of course. He wouldn't recommend this place if the food isn't good.

Ang ganda din ng taste niya sa pagkain. Nilahat ang talent.

"So, how did you find this place?" Pagtatanong ko nang matapos kami pareho.

He sipped on his water before answering. "It's my favorite resto. I used to go here a lot."

Tumango ako. "Hindi na nakakagulat. Mukhang pati nga ako ay magpapabalik-balik dito dahil masarap. Anyway, sino naman ang kasama mo before?"

He stopped drinking as if I said something taboo. Bakit kaya?

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "My ex."

Oh. Ex pala. Maybe they really used to hang out a lot here. Kaya ba siya pabalik-balik rito? Was there a deeper reason behind it?

I'd rather not know now. Baka kasi magselos lang ako kung maririnig ko iyon. Wala naman akong karapatan kasi crush ko lang siya.

Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang sensitibo iyong topic sa kanya. Nagulat na lang ako nang siya iyong nagtanong.

"You said you have hobbies. What are those?"

Umayos ako ng upo bago sumagot. "Uh... I actually write stories on wattpad tapos twitter au din. Saka mahilig ako sa music."

"Really? What is your favorite song then?"

"214." Mabilis at siguradong sagot ko. "Dahil nga yata roon sa keyboard cover mo noon sa tiktok kaya kita nagustuhan. Ewan ko ba! Aware ka ba na sobrang lakas ng appeal mo?"

"Are you always this straightforward about your feelings?" Naiiling na aniya. I'm not sure if my eyes are just tricking me but his ears actually turned scarlet!

Tumango ako. "Oo naman! Ayoko kasi ng pakiramdam na may pagsisisihan ako. Pwede mo naman akong ireject kung hindi pareho ang nararamdaman natin. At least after it I can move on without having what ifs. Mas madali ang proseso dahil wala akong tanong sa isip ko. Alam ko lang na hindi same yung feelings kaya hindi nagwork."

On Notes and LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon