Chapter 5: Apothecary

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo ako sa poster bed at hinimas ang palad ko sa malinis na bed sheet habang pinagmamasdan ang kwarto. Ang higaan, ang desk at mga drawers, ang malaking bintana. Bumagsak ako sa kama at pumikit nang mariin.

Kinabukasan, kinatok ako ni Anabeth sa kwarto para sabay kaming magbreakfast. Ganoon din ang ginawa niya kagabi noong hapunan. Ilang mga staff ang nakakasabay namin sa pagkain pero tulad ng sinabi ni Anabeth, karamihan sa kanila ay may edad na at strikto kahit sa pagkain. We can hold conversations pero bawal ang maingay o nagtatawanan, bawal magsayang ng pagkain, at responsibilidad na maglinis ng kanya-kanyang pinagkainan.

"Kita mo na," bulong ni Anabeth sa'kin habang kumakain ng agahan. "Kaya buti nalang magka-age tayo kasi feeling ko tatatanda ako ng 'di oras 'pag lagi ko silang kasama." Tahimik siyang humagikgik which earned her a light glare from one of the heads.

Matapos kumain, dumeretso kami sa mahabang lababo para kanya-kanyang hugasan ang pinagkainan namin. Anabeth moved deliberately slow hanggang sa kami nalang ang matira sa kusina. "Eleanor," tawag niya sa'kin. "Nakilala mo na si Sir Zackary, 'di ba? Balita ko tinulangan mo siya."

Patuloy ako sa paglilinis ng plato under the dripping faucet.

"Gwapo 'no? Sabi ni Uncle Seb kamukha niya daw ang alpha noong bata pa sila. Baka nga mas gwapo pa. Sayang lang in love na sa iba. Pero balita ko they're in a rocky relationship kaya may pag-asa pa tayo," hagikgik niya.

Isa sa mga senior staff ang sumilip sa'min mula sa pintuan at sinabi na bilisan namin. Sumimangot si Anabeth at bumulong. "Weekend naman ngayon. Grabe sila."

Tinapos namin ang ginagawa at nagtungo sa tower. Ilang papeles ang tinulungan ako ni Anabeth na kunin sa office. Sinisilip niya ako habang naka-upo kami sa isang desk at isa-isa kong sinulatan ang mga hinihinging information sa papeles. I didn't mind her being around. I honestly like her company.

Pero halos wala akong mailagay sa papeles maliban sa pangalan ko at edad. I didn't even know if it was my official name. Ito lang ang binigay sa'kin ng pangalan ng una kong naging amo. A teacher who somehow taught me the things I know.

"Stupid child!" Ito ang madalas kong marinig sa kanya noon. "Don't you know how to read? I can't believe I spent a fortune for such a burden like you!"

Pero may isang magandang bagay itong naidulot sa'kin. The teacher taught me how to read and write in good form out of spite for my stupidity. The moment I've learned to read, hindi na ako tumigil. I've enjoyed learning. I've probably read more books than anyone in my age back then. Kapag kinukulong niya ako sa basement, I would a sneak books with me so that I enjoyed my stay in there more than being a punishment.

"Okay na 'yan," said Anabeth. "Wala tayong magagawa kung wala kang mailagay." She submitted the papers to the office and a minute later, inabot nila sa'kin ang isang envelope.

"Your first allowance!" excited na sabi ni Anabeth habang naglalakad kami pabalik sa mga kwarto. "Dapat mag-shopping ka. Bumili ka ng magagandang damit, mga gamit na gusto mo."

Anabeth was excited for me, pero medyo nanginig ako nang makita ang laman na pera ng sobre. Biglang pumasok sa isip ko ang ilang pagkakataon na nakahawak ako ng pera and most of it I was punished hard for thinking I stole it.

"Sa'kin ba talaga 'to?" tanong ko. Natatakot akong baka may biglang magsabi sa'kin na nagnanakaw ako. That people won't believe that this money is mine.

"Ano ka ba!" Anabeth pat my back, pero dahil napalakas ang pagpalo niya, tila nawala ang iniisip ko. "It's one of the benefit of working here. Hindi biro ang trabaho natin, 'no. Paano nalang ang mga tao sa bayan, lalo na ang mga orders na nagbabantay sa'tin, kung wala tayong gumagawa ng gamot para sa kanila. We're like the backbone of Van Zanth... slight lang, basta importante."

Never Be TamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon