"Love .. next time kapag nag selos ulet ako, ganito lagi ang gagawin ko sayo para ramdam na ramdam mo agad na nagseselos ako." Sabe nya gamit ang malamig na boses. Imbis na mainis sa pagiging seloso nya ay nginitian ko lang at hinalikan sya sa labi.

"You. And your jealousy." Nakangiti kong sagot.

Yun lang ang tanging naaalala kong pwedeng tinutukoy nya. Napahawak ako sa muhka ng maramdam kong nag init ang magkabila kong pisnge dahil sa naalala kong nangyare kagabe. Pero .. tama nga kaya ako ? Nag seselos ba sya ? Kanino ? At baket sya mag seselos eh ..wala nang kami.

"Huy ! Tulala ka dyan, naririnig mo ba ako?" Napatingin ako kay Glenda ng pumitik sya sa harap ko.

"H-huh?"

"Susme! Bebe girl kanina pa ako nag puputak dito di ka pala nakikinig. Sabe ko aayusan kana ng make up artist kaya mag palit kana ng first Set ng bikini na ishoshoot at nag hihintay na sila saten dun." Nakapamewang nyang sabe kaya tumango ako at dali dali namang nag palit at lumabas ng cr lahat ng mata ng mga kasama namin dito sa room ko ay nakatingin saken ng may pag hanga.

"Wow Miss Phoebe ang sexy nyo talaga!"

"Maganda na sexy pa!"

"Mabait pa!"

"Grabe sana All!"

"Kayo talaga." Natatawa kong sagot.

"Oh sya tama na yan, Come on girls chop chop! One hour nalang start na." Saway ni Glenda.

****
Habang nag lalakad papunta sa pool area kung saan dun ang unang shoot. ramdam ko ang mga tingin sa paligid ko lalo na ang mga kalalakihan kahit naka robe pa naman ako at may napapansin pa kong mga flash ng camera at alam kong mga paparazzi yun.

"Hey Goodmorning Miss Asul."
Napalingon ako sa tabi ko at bumungad saken ang nakangising muhka ni Creed habang hinahangin naman ang blonde nyang buhok naka top less din sya at tanging summer short lang ang suot kaya naman nililingon talaga sya ng mga kababaihan dito sa resort.

"Goodmorning din aga mo ah."

"Syempre inabangan ko talaga to kase manonood ako ng Photoshoot nyo." Nakangiti nyang sagot.

"Effort ah." natatawang sagot ko. Sabay kaming naglakad hanggang sa marating namin ang cottage kung nasan ang pwesto namin nila Glenda

"Oh nandito na pala ang ating 'Hot Angel Voice' nakangiting bungad ni Denis ang original photographer ng management. Mas panatag ako dito kaysa kay Jano siguro dahil alam kong parang kapatid lang ang turing saken nito at may Asawa't anak na.

Dahil medyo malakas ang boses nya napalingon lahat samen kabilang na ang taong dahilan kung baket hindi ako nakatulog ng maayos nakatingin sya saken at wala manlang akong mabasang emosyon sa muhka nya, dumilim ang mga mata nya ng dumako sa katabi ko ako naman ay nabaling ang tingin sa katabi nya,si Trisha na parehas ko naka roba pa din inabutan sya nito ng buko juice kaya nabaling dito ang tingin nya at nag ngitian sila kaya naman nag iwas ako ng tingin.

"Hi Denis! Long time no see." bumeso ako dito pagkatapos sila Glenda naman at pinakilala ko naman si Creed dito.

"Oo nga eh, Nagkasaket kase ang asawa ko kaya ako muna nag alaga sa anak namin.. Nice to meet you Sir Creed." Baling nya sa katabe ko.

"Creed nalang parang ang tanda ko sa Sir." Natatawang sagot ni Creed. Nakangiti namang tumango si Denis.

"Ang sweet naman sana all may asawa no? kaso wala ngang jowa eh." Natawa kame sa pag singit ni Glenda.

"Ikaw talaga Miss Glenda, wag kang mag alala sa ganda mong yan siguradong mahahanap mo na yung para sayo," napangiti kame sa sinabe nya si Glenda naman nakipag apir sakanya, "O sya sige, mag start na tayo in 15 minutes unang shoot ay puro solo after nun ay partner then tatlo na kayo," I nodded. "nasabihan kona din naman sila Miss Trisha at Sir Helios mauuna din si Miss Trisha for solo shoot." Nakangiti akong tumango.

****
"Wow! Miss Trisha ang ganda nyo talaga .. Bumagay din sainyo lahat."

"Naku Kayo talaga binobola nyo ko."

Napalingon ako sa gilid ng makitang tapos na sa shoot si Trisha para sa three set ng swimsuit Unang set nito ay plain moose green triangle top two piece ang 2nd set naman ay brown high waisted tie knot rise bikini
At ang pang huli ay sunflower print lace up split bikini set na talagang bumagay sakanya lahat. Lumapit naman agad sya kay Helios at inabutan naman sya nito ng robe na tinanggap naman nya at muli silang naupong magkatabe at nag usap sandali. Nakita kopa kung paano sya alalayan ni Helios na para bang anu mang oras pwede itong madulas.

Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko kapag nakikita ko silang ganyan kahit simpleng gestures lang.. hindi ko maiwasang lagyan ng malisya. Naiinis din ako dahil parang wala lang kay Helios ang ginawa nya kagabe.

"Hindi din pala biro ang mag photoshoot sa ganitong location ilang oras babad sa inet at lamig."
Napalingon ako ng mag salita si Creed sa tabi ko. Tumango naman ako.

"Oo kaya mas okay pa kung sa studio lang pero sanayan lang talaga." Nakangiting sagot ko.

"Buti sanay kana?"

"Three years palang ako sa modeling pero nasanay na ko dahil sunod sunod din ang kumukuha saken." Ngumiti naman sya.

"Yeah. At panay ikaw nga ang nasa billboard sa edsa pati na rin sa mga trending na magazine." napaangat ang kikay ko dahil dun.

"So ... alam na alam mo ah?" Natatawang sagot ko nag iwas naman to ng tingin at napakamot ng batok.

"Well .. sabihin nalang nating isa ako sa mga taga hanga mo at noon palang gusto na kitang makilala sa personal pero hindi nag tatagpo landas naten eh," nanatawang sagot nito, "Kaya nung aksidente tayong nagkita sa convenience store napatanga talaga ko." dagdag nya at natawa ako ng maalala ko itsura nya nun kaya pala sya nakatulala nun.

"Si Creed Sandoval, ay taga hanga ni Phoebe Cardona? Wow!" natatawang sagot ko at natawa nalang din sya napansin ko namang napapatingin samen ang iba at may panaka nakang flash ng camera. Maya maya ay napansin kong nag bubulungan at parang kinikilig ang mga babae sa paligid namin at nakatingin sa likod namin kaya napa kunot ang noo ko pero di ko nalang pinansin at tuloy lang kame sa pag kukwentuhan ni Creed at nag tatawanan.

"Totoo! Nagising nalang talaga ko nun puro putik ang damet at muhka ko dahil umulan pala nung gabe tapos pinag tatawanan ako ng mga tao nun kase isang sapatos lang suot ko tapos ang gulo ng damet ko." natatawang kwento nya na kinatawa ko din ganun pala sya pag lasing bigla nalang makakatulog kahit saan abutan.

"Wala ka samen ng mga kaibigan ko naku, pag nakilala mo mga yun kahit abutin pa ng kinabukasan kayang kaya nila." sasagot na sana sya ng matigilan kameng dalawa ng may tumikhim sa likod kaya sabay kameng napalingon at ganun nalang ang gulat at panlalake ng mga mata ko dahil sa dalawang magkamuhkang lalake at kapwa naka crossed arms at masama ang tingin sa katabi ko na natigilan din at bakas ang pagtataka kung baket ganun makatingin ang mga ito sakanya.

Naku po.

----
Kilala nyo ba sila?

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now