"Let's Go." tumango naman ako at sabay kaming pumunta sa cottage at halos lahat sila dun naka ngisi o kaya naman nakangiti samen ng nakakaloko.

"Oooooi! Bruha may jowa na pala si Phoebe hindi mo manlang sinabe saken." nang aasar na tanong ni Josie kay Glenda.

"Bakla, anong jowa? Magkaibigan lang yan or should I say magkapit Condo."

"Ay taray! Magkapit Condo lang pero nag papahiram na ng Tshirt sana all.."nang aasar nyang sabe saka bumaling kay Creed "Hi ! I'm Josie.. Ang Josibelle ng karagatan and you are?" Nag tawanan naman ang mga kasama namin pati kame ay natawa din.

"Nice to meet you I'm Creed Sandoval."

"Oh Em Gee ! Ang taga pagmana ni Mr Carlos Sandoval?" Napakamot naman ng batok si Creed at tumango.

"Yeah." Nakangiwing sagot nya.

"Ay bongga! Naku Phoebe kapag nanligaw sagutin mo agad! Yummy na Mayaman pa!" Lalo tuloy kaming nag tawanan loko talaga tong baklang to.
"Ang saya mag trabaho ngayon may Helios na may Creed pa!" Dagdag nito

"Pero seryoso Miss Phoebe bagay po kayo."

"Oo nga akala ko nga kanina sila na eh."

"Ako din ang sweet kanina ni sir Creed."

Singit naman ng mga kasama namin
Napalingon naman ako kay Creed at naka ngisi ito at nakatingin saken kaya tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Dont worry guys darating tayo dyan."
Nanlake ang mata ko sa sinagot nya kaya nahampas ko tuloy sya pero tinawanan lang ako umugong naman ang tuksuhan ng mga kasama namin

"Baliw ka!" Wala sa sariling napalingon ako sa paligid ng maramdamang parang may matatalim na matang nakatingin saken at halos mahigit ko ang pag hinga ko ng makitang madalim at sobrang talim ng tingin ni Helios saken kaya naman umiwas ako ng tingin.

Ilang oras din ang nakalipas ng mag desisyon ang lahat na magsi balik na sa kanya kanyang room kailangan na naming mag pahinga dahil sabak nanaman sa mag hapong photoshoot.
Nasa tapat na kame ng room namin ng huminto kame. Nasa tapat lang kase ng room ko ang room nila Glenda at alam kong sa dulo ng hallway nito ay nandun ang room ni Helios katabe ng room na pag mamay ari ko pero syempre hindi ko pwedeng gamitin.

"Bebe girl dito na kame, antok na eh at matulog kana din ha? Creed pasok na kame." lumapit ito saken at bumeso tapos tumango kay Creed at sabay na silang pumasok ni Katy.

"So pasok kana then alis na din ako para makapag pahinga kana." Nakangiti akong tumango sakanya at bumeso naramdaman ko namang medyo natigilan sya na binaliwala ko lang.

"Sige Goodnight, nga pala bukas ko nalang ibabalik tong tshirt mo lalabhan ko muna."

"No need. Hindi mo naman kailangang isoli yan para may yayakapin ka." nakangisi nitong sagot.

"Baliw! Sige na pasok na ko." Nakakatawang sagot ko.

Pagkapasok ko sa room ay dumiretso agad ako sa Bathroom at naligo nilabhan kona din ang tshirt ni Creed at sinampay. Wala akong suot na kahit na ano dahil balak kong matulog na agad pero papasok palang sana ako sa kwarto ng marinig ko ang sunod sunod na Buzzer kaya napa kunot ang noo ko dali dali akong nag suot ng roba hindi kona nga napansin kung anong roba ba ang nadampot ko kamamadali.

"Wait lang! Nandyan na."

Grabe naman mag Buzzer yun parang may balak sirain kaya naman binuksan ko agad ang pinto handa na sana anong bulyawan ang taong nasa labas ng matigilan ako .. sobrang pag wawala ng puso ang tanging naririnig ko habang nakatingin sa lalakeng may abong mga mata at madilim ang muhka na matalim na tingin habang pinapasadahan ako mula ulo hanggang paa. Napaawang naman ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang nasa harap sya ng room ko at naka topless parin!

"A-anong ginagawa m-mo dito?"

"Nag bubukas ka ng pinto ng hindi manlang nag aabalang icheck ang suot?" Malamig at ramdam ko ang galet sa boses nito. Kaya naman pinasadahan ko ng tingin ang sarili at namula ang buong muhka ng makitang itim na silk robe lang ang suot ko at manipis lang ito. Medyo hindi din maayos ang pagkaka tali ko kaya nakikita ang cleavage ko dahil wala akong suot na kahit na ano bukod sa panty ko at roba na to agad ko namang inayos at pasimpleng tinakpan ang dibdib ko dahil wala akong bra!

"K-kase naman nakakataranta yung pag buzzer mo papunta na sana ako sa kwarto ng marinig ko." hindi ako makatingin sakanya sa sobrang hiya.
Hindi ko alam kung baket ako nakakaramdam ng hiya samantalang noon naman ay nahawakan na din naman nya ito. Ramdam ko ang lalong pagkapula ng muhka ko.

"Paano pala kung hindi ako ang nag buzzer? Madadatnan kang naka ganyan?" Walang nag bago sa boses nito kaya naman napaangat ang tingin ko sakanya.

"A-ano ba kaseng kailang mo? Baket ka nandito? Baka may makakita sayo kung anong isipin! Baka makuhanan tayo ng picture na magkasama at kumalat." sunod sunod at aligaga kong sinabe sakanya pero nagulat ako ng ngumisi ito at unti unting lumapit kaya naman napaatras ako.
"Helios..." pabulong na tawag ko dito dahil masyado na syang malapet saken.

"May ipapaalala lang ako sayo." at walang sabi sabing siniil ako ng mapusok na halik sa sobrang gulat ko ay napa singhap ako at napahawak sa magkabilang matipunong dibdib nya dahil para akong nanghihina sa sandaling to.

-----
Oooooops! Ikaw Helios ah !

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora