"A-ah nasan si Glenda?"

"Nasa loob na sya kausap yung staff ng resort." as if on cue nakita namin si Glenda na malawak ang ngiti at sinalubong kame.

"Geez! Nakakaexcite!" Mawalak ang ngiti at parang nag niningning ang mga mata nya nang makalapit samen.

"B-baket?" Kabadong tanong ko.

"Nakausap ko ang manager ng resort at alam mo ba kung san ang room naten?!" Excited nitong sagot. shit!

"Saan?" Tanong ko.

"Sa VVIP ROOM Tayo!! Omy! Hindi ko alam kung baket o paano nangyare yun kase alam ko pare pareho lang ang kinuhang room ng swimsuit Company para sa lahat. Pero pag dating natin kanina mag checheck in na sana ako para saten ng sabihin nilang dalawang VVIP ang para saten Napanganga kameng lahat dun kanina at syempre magkasama kame ni Katy at ikaw sa isang VVIP room."Tuwang tuwang sabe nya at halos nag niningning ang mga mata ganun din si Katy samantalang ako? Eto ..

Nanlulumong napayuko nalang..
Baket ba hindi ko naitanong kung saang resort kame mag shoshoot ngayon!

"A-ah wait lang .. may tatawagan lang ako." dali dali akong lumayo sakanila at tinawagan si kuya Payton agad naman itong sumagot.

"Hello Baby ! I miss you!" Masayang bungad nya sa kabilang linya.

"Kuya, Baket hindi mo sinabe kagabe!" Sabe ko ng nakabusangot ang muhka.

"Hey baby! Akala ko alam mo? Hindi kaba na inform?" Napabuntong hininga tuloy ako.

"Hindi." nanlulumong sagot ko pero tinawanan nya lang ako.

"Kaya naman pala."

"Kuya please sabihan mo mga staff ng resort naten na wag na wag akong ituring na boss nila okay?!"

"Alright masusunod baby dont worry but in one condition." parang nakikita kong nakangisi sya ngayon.

"A-ano?" Kabadong tanong ko.Natawa naman ito sa kabilang linya

"Habang nandito ka sa resort wag mo pipigilan si kuya na lumapit sayo lalo na at swimsuit ang ineendorce mo."
Biglang Seryosong sagot nito kaya wala na kong choice.

"Hays wala na kong choice diba?"

"Yeah."

"Okay fine." pag suko ko.

"Alright see you later baby love you."

"Love you too kuya." labas sa ilong na sagot ko kaya natawa sya. Binaba kona din ang tawag at bumalik kila Glenda.

"Tara na ! Tara na ! Excited na ko makita ang room naten." Nauna na syang maglakad kasunod kame.
Pag dating namin sa lobby nandun na ang iba naming kasama at inaantay kame nakahinga naman ako ng maluwag dahil muhkang mabilis na nainform ni kuya ang mga staff kaya naman patas lang ang pag assist nila saken tulad sa mga kasama ko.

"Wait lang may inaantay pa tayo nandyan na din daw sila.. oh ayan na pala! Trisha .. Helios dito!"

Napatanga ako dahil sa mga pangalang narinig ko ata lahat sila nakatingin sa likuran kung nasan ang entrance. Unti unti akong lumingon at napako agad ang tingin ko sa kamay ni Trisha na naka hawak sa isang kamay ni Helios at hinihila ito. Kumaway naman si Trisha samen habang nakangiti mas lalong lumitaw ang puti nya sa suot na yellow spaghetti dress na lagpas konti sa tuhod naka lugay din ang maikli nyang buhok. Napatingin ako kay Helios naka suot sya ng itim na pants at dark blue long sleeve polo naka bukas ang tatlong botton seryoso ang muhka nya at may suot na shades kaya hindi ko alam kung nasan ang paningin nito kaya iniwas ko nalang ang tingin.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now