"Na-ah! Masaya ako sa pagiging single Ma."

"Siguraduhin mo lang na Single ka nga Primo baka mabalitaan ko na nag papaiyak ka ng mga babae ha."

"Good boy to Ma, mana ko kay Papa." Kinataas naman ng Kilay ni Mama at sinulyapan si Papa na nag iwas ng tingin.

"Yun na nga eh, mas lalong wala akong tiwala kung nag mana kayo sa Papa nyo." nakangising sagot ni Mama kaya naman napangiwi si Papa at hinawakan ang kamay ni Mama.

"Honey naman .."

Napailing nalang kameng tatlo.

"Geez!" Reklamo ni Kuya Primo.

Sa kalagitnaan ng pagkaen ay biglang nag tanong si Papa saken.
"Princess,wala naman bang nanggugulo sayong mga asungot?"
Napailing ako agad at uminom ng Juice bago sumagot ramdam ko din ang mga titig ng mga kuya ko.

"Wala Pa. May mga nag papadala parin ng chocolate and flowers pero hanggang dun lang naman wala naman akong ineentertain."

"Buti naman at kame ang makakaharap ng maglalakas loob."nakangising singit ni Kuya Primo.
Sumang ayon naman ang tatlong lalake sakanya.

"Kayo talaga boys matanda na ang bunso naten at baka nga mauna pa yang ikasal sainyo." biro ni Mama pero muhkang sineryoso ng apat.
Sabay sabay nilang biglang nabitawan ang Kutsara at tinidor at napatanga kay Mama dahil sa sinabe nito gusto kong matawa pero alam kong seryoso ang mga ito at maya maya ay nag react na sila.

"Honey mag 24 palang next month ang prinsesa naten for pete's sake!"

"Not gonna happen Ma. Papa is right she's still young for her to get married" sabe ni kuya Pierre.

"Shit ! Kung sinong mag lalakas loob haharap muna saken!" Kuya Primo.

"Nakahanda na kamao ko para sakanya." Kuya Payton.

Napatapik nalang ako sa noo ko.
Eto ang hirap kapag nag iisang kang babae sa mag kakapatid at bunso kapa.

"Hindi natin mapipigilan ang isang tao magpakasal." dagdag ni Mama na lalong kinabusangot ng muhka ng Apat.

"Honey!" Pero nagkibit balikat lang si Mama at kumindat saken.

****
Pagtapos namin mag lunch ay naisipan kong tumawag kay Glenda para ipaalam na nandito ako sa bahay ng parents ko kahit alam ko naman na nainform na sya ni Katy. Okay lang naman sakanya dahil sunday ngayon at para nadin daw makapag pahinga ako. Umakyat ako sa Room ko dito sa mansion dahil ayaw akong tantanan ng mga kuya ko sa kakabilin at kakasaway akala mo naman ay hindi pa ako nakipag relasyon noon.
Napatigil ako sa naisip ko kaya pinilig ko ang ulo ko at napangiti nalang ng mapait. Nilibot ko ang tingin sa kwarto ko Pastel pink and purple ang theme ng kwarto ko at napansin na wala manlang nagalaw at halatang alaga parin hindi kase hinahayaan ni Mama na hindi nalilinis ang bawat kwarto namin para kapag ganitong may umuwi samen ay may maayos kameng tutulugan 6months nung huling punta ko dito. Naligo ako at nag babad bago lumabas at nag suot ng white fitted cotton shirt at blue dolphin short saka ako dumiretso sa kama at sumandal sa headboard. Napalingon naman ako sa side table at napansin kong nandun parin ang mga photo Album na ako mismo ang nag design. Umupo ako sa gilid at kinuha ko ang mga ito saka binuksan. Unang pahina palang ay nangilid na ang luha ko dahil picture namin ito ni Helios nung mga bata pa kame. Nakaakbay sya saken dito at sobrang lawak ng ngiti nya samantalang ako naka yakap ang isang braso ko sa bewang nya at naka peace sign naman ang isa at nakangiti sa camera sa pagkakatanda ko pareho kaming 8 years old nito.
Nalipat ang tingin ko sa picture na magkakatabi kaming lahat nasa gitna kame ni Heather ang kapatid ni Helios. Nasa magkabilang gilid naman namin si Helios na katabi ko at katabi naman ni Kuya Primo si Heather, katabi naman ni kuya Primo si kuya Payton at katabi naman ni Helios si Kuya Pierre parepareho kameng nakasuot ng birthday hat Sa harap naman namin ay mahabang lamesa at may mga nakapatong na Cake at iba pang handa. Sa pagkakaalam ko 10th birthday ko ito. Napapangiti nalang ako ng mapait habang tinitingnan ang mga pictures namin noon. Natigil ako ng ang sunod na album ay ang album namin ni Helios. Ginawa ko ito noon dahil mahilig ako mag picture.
Sa harap nito nakalagay ang 'Our Memories' binuksan ko ito at napangiti ng puro batang Helios at batang ako ang bubungad kung gaano kami hindi mapag hiwalay simula pa man noon. Napaiyak ako ng pag dating sa gitna ay highschool na kame nito at alam namin na may Mutual feelings kame sa isa't isa. Dumako ang tingin ko sa picture namin na magkahawak ang kamay at naglalakad nauuna ako sakanya at nakatalikod ako at sya naman ay nakangiti habang nakatingin saken na para bang wala syang ibang nakikita kundi ako lang. Stolen picture ito at alam ko si kuya Primo ang kumuha nito. Ito din yung araw na sinagot ko sya 17 palang kame dito at parehong kakagraduate lang ng highschool kaya sinagot ko sya. Sa next picture naman nung mag 18th birthday ako at syempre sya ang Date ko. Sobrang saya ko dito nun at eto din yung araw na pormal naming inamin sa parents namin na kame na. Sumama pa nga ang loob nila kuya Payton at Kuya Pierre dahil di agad namin sinabe samantalang si Kuya Primo ay saksi nung sinagot ko si Helios. Wala naman kaming naging problema sa parents namin dahil sabe nga nila alam na nila noon pa mang mga bata kame na darating sa point na magiging kame. Dumako ang mata ko sa picture ng parehong kaliwang pulsuhan namin.. sabay naming pinatattoo ito at ako ang nag request sakanya. Sobrang saya namin ng sandaling yun walang araw at walang taon na hindi kame masayang dalawa.

Sinara ko ang album ng hindi kona namalayan na kanina pa pala ako iyak ng iyak at palakas ng palakas ang hikbi ko na pilit kong tinitiis dahil baka may makarinig lalo na't katabi lang ng kwarto ko ang mga kwarto ng mga kapatid ko.

Hanggang kailan ba ko iiyak dahil sa naging desiyon ko ?

-----
Pati puso ko nadudurog na Phoebe girl ! Huhu :(

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora