"Kamusta ang inaanak namin?" Tanong ko sakanya.

"Okay naman sya, napaka sigla at makulit din pero napaka lambing nyang bata." napangiti ako dahil nakikita ko sakanya na talaga namang mahal na mahal nya ang anak nya na hinangaan ko talaga sakanya dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinag daanan nya kahit papano. Mag isang binubuhay ni Katy ang mag tatatlong taon nyang anak at mga nakakabatang katapid nya dahil 2nd yr collage sya nung maaksidente ang mga magulang nya at mamatay kasabay nun ay nalaman nyang buntis sya na ikinabigla din namin dahil sa pagkakaalam ko ay hindi pa sya nakikipag relasyon dahil puro pag aaral ang nasa isip nito.

"Alam mo naba kung sinong ama ng anak mo? If you dont mind." mahinhin kong tanong sakanya at nakita ko namang natigilan ito sandali at umiling.

"Hindi eh, kahit anong pag aalala ko hindi ko talaga matandaan ang nangyare nung gabing yun. Basta nagising nalang ako nasa Hotel na ko nun at sa sobrang takot ko ay di kona nilingon yung lalaking katabi ko." mahinang sagot nito saken at nangingilid ang mga luha. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil.

"Nandito lang kame Katy.. kapag may kailangan ka nandito lang kame lagi mong tatandaan. Mas nauna kitang naging kaibigan kesa maging assistant ko."

"Salamat Phoebe sobrang salamat talaga." tumango ako at ngumiti sakanya.

Miss Phoebe ang tawag nya saken kapag oras ng trabaho pero kapag ganitong mga pagkakataon ay ayokong iparamdam sakanya na assistant ko sya. Nung una ay hindi ako pumayag na mag trabaho sya saken dahil hindi ako sanay na kaibigan ko ang gagawa ng mga bagay para saken kaya nag offer ako ng tulong sakanya pero mapilit sya at gusto nyang pag trabahuhan kaya wala na kong nagawa.

"Minsan dalhin mo ulet dito inaanak ko at namimiss kona yun pati mga kapatid mo."

"Naku magugulo ang mga yon nakakahiya naman pero minsan dadalhin ko ulet dito si Baby Kurt."

HUMINTO ako sa harap ng malaking gate at binuksan ang bintana ng kotse ko at sumilip naman ang guard nanlake pa ang mata nito muhkang di nya inaasahan na darating ako dahil matagal tagal na din yung last na punta ko dito dahil sa sobrang busy.

"Kayo po pala yan Seniorita Phoebe buti naman po at napabisita kayo."nakangiting bati nito saken.

"Hello mang Lito! Oo nga po ngayon lang nagka free time eh."

"Naku mam pwede po bang magpa picture at autograph sainyo? Gusto ko lang ibigay sa dalawang anak kong babae hehe."

"Sure sure wait." bumaba ako ng saksakyan at ngumiti sa Camera inabot din nya ang isang blankong papel at pentel kaya pinirmahan ko iyon.

"Maraming salamat po Seniorita Phoebe."

"Youre welcome mang Lito." sumakay na ko sa kotse at pinasok kona sa loob ang kotse ko may sari sarili kameng mag kakapatid na Parking dito sa Masion kaya di na ko nahirapang mag park.

"Goodmorning Seniorita Phoebe."
Bati saken ng mga maid sa pintuan habang nakayuko.

"Goodmorning din sainyo. Sabe ko naman sainyo wag na kayong yuyuko kapag ako ang babatiin parang ang tanda ko tuloy." natatawang saway ko sakanila ngitinian naman nila ako.

"Ikaw talagang bata ka di kana nag bago." napalingon ako at napangiti ng malawak ng marinig ang boses nito.

"Manang!" Masayang tawag ko sakanya ata parang batang yumakap at hinalikan sya sa pisnge na kinatawa naman din nya at niyakap din ako
"Namiss kita manang lalo na ang luto mo." nakangusong sabe ko at kunwaring naiiyak kaya pabiro naman ako nitong hinampas at natawa.

"Naku talaga ang bunso namin dalaga na nag gaganyan parin o sya tara na at nag aantay na ang Mama at Papa mo sayo ikaw nalang ang kulang dun."
Nagtaka naman ako pero sumunod parin habang nakapulupot ang mga braso sa kanang braso nito.

Pagka pasok namin sa living room ay napangiwi ako ng makitang magkakatabe at pare parehong naka Crossed arms na nakatingin ng seryoso saken ang tatlong nag gagandahang mga lalake sa pamilya namin bukod kay Papa.

"Hi?" Awkward kong bati sakanila. Isa isa naman silang nag si tayo at naunang lumapit saken si Kuya Pierre ang panganay samen at nag mana kay Papa na laging seryoso ang muhka lalo na sa business bigla nya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo kaya gumanti din ako ng yakap sakanya napangiti ako dahil pag dating samen ni Mama sweet sya.

"I miss you baby." napabusangot ang muhka ko dahil baby parin ang tawag nila saken natawa naman sya at saka humiwalay saken. Sumunod na yumakap saken si Kuya Payton At Kuya Primo kambal ang dalawang yan mas nauna lang lumabas si kuya Payton.

"h-hindi na ko m-makahinga." pano ba naman kase ang higpit ng yakap saken ng dalawang to.

"Namiss ka namin baby! Tagal ka naming di nakita aba puro nalang sa Tv ka namin nakikita." nag tatampong sabe ni Kuya Payton kaya yumakap lang ako sakanya.

"Oo nga baby tapos ayaw mo pa na mag punta kame sa condo mo aminin mo nga kinakahiya mo ba kameng mga kuya mo?!" Napangiwi ako sa ka OA'yan ni Kuya Primo eto talaga pinaka childish sakanila eh tsk.

Humiwalay naman ako at umayos ng tayo Saka sila tiningnang Tatlo.
"Duh? Anong kahiya hiya sa tatlo kong kuya na mala Diyos ang kagwapuhan ha?"

"Eh baket hanggang ngayon di mo kame pinapapunta dun." nakangusong tanong ni Kuya Primo.

"Kuya Primo naman, alam mo naman na ayoko lang bigyan ng Big deal sa mga tao kapag nalaman nilang isa akong Yilmaz."

"Wala naman masama sa pagiging Yilmaz naten ah."singit ni Kuya Payton tumango naman ako bilang sang ayon.

"Oo nga syempre proud ako .. ayoko lang na may masabe sila lalo na at kilalang kilala ang pamilya naten. Nasa mundo ako ng magulong industry konting pagkakamali bibigyan na nila ng meaning kaya hanggat maaari ayokong madadawit ang Apelido naten at alam nyo namang pinag hirapan ko kung nasan ako ngayon ng walang tulong ni Papa dahil ayoko din na gawin yung dahilan ng mga tao para may masabe."

Dumaan ang katahimikan sandali at sabay sabay silang napangiti at ginulo ang buhok ko.

"Nag matured na talaga ang bunso naten." naiiling na sabe ni kuya Payton.

"Mas nag matured pa sya kesa sayo Primo." nakangising dagdag naman ni kuya Pierre na kinasimangot ni kuya Primo.

"Gwapo naman." napapastikuhang tumingin kame sakanya at maya maya ay sabay na syang binatukan ni Kuya Pierre at Kuya Payton at nag simula nanaman po silang magkulitan na kinatawa ko pero natigilan ako ng sabay sabay silang tumingin saken na may ngisi sa mga labi.

Oh-ooooh ...

"Aaaaaaah Kuya!" Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni kuya Primo at alam na alam kona to!! Inupo nya ako sa sofa at si kuya Pierre naman ay hinubad ang suot kong Yeezy at sabay nila ni Kuya Payton kiniliti ang talampakan ko na kinatili ko talaga dahil simula pagkabata dyan talaga malakas ang kiliti ko at alam na alam nila yun!

--------
Bitin ? Ako din hehe

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now