Chapter 12

56 10 0
                                    

Chapter 12: Someone

Bhea's

Malaki ang ngiti ko nang nag-notif ang cellphone ko sa bagong upload na picture ni Amox sa Instagram. Iyon ang picture na kinuhanan ko para sakaniya at ang caption niya pa ay 'Tequila Sunset'. Mabilis kong ni-like ang picture niyang iyon bago ko binuksan ang pinto papasok sa aming hotel room.

"Hoy ano'ng ngini-ngiti, ngiti mo r'yan?" nakiki-usyoso na bungad sa'kin ni EJ. Pumasok ako nang tuluyan sa kwarto bago ko siya pinagmasdan. Nakasuot na siya ng isang pink ribbon tube spaghetti strap top at flowy pants na kulay royal blue.

"May nakita akong gwapo sa IG!" pagbigay impormasyon ko na lang sabay tago ng phone sa likod ko.

"Patingin! Ang damot, ayaw mag-share! " buong puso niyang reklamo. Naiiling tuloy sa amin sina KC na katatapos lang mag-ayos ng mga sarili. Sunod-sunod na katok sa pintuan ang narinig namin. Buffled rin ang boses ni Niqui na parang naiinis sa kakatawag sa amin para mabuksan ang pinto.

"Malapit nang mag-seven. May pupuntahan daw tayo sabi ni Niquita" anyaya ko.

"Tara na nga! Baka dumugo na ang kamao ni kumareng Niqui mo— sa kakakatok sa pinto natin!" sarkastikong singhal ni Iya. Inangkla niya ang braso kay Ace at Kathia para sabay silang lumabas.

Simpleng asymmetrical off-shoulder top na coral blue ang suot ni Ace.  Naka spaghetti strap white cotton top si Iya at si Kathia naman ay naka-fitted cream long-sleeves. Naka-shorts silang tatlo nina Kathia. KC on the other side was wearing her go-to Guess shirt and maong skirt.

Ako ang nagbukas ng pinto kaya't sa'kin bumungad ang nakakunot nang noo ni Vellardez. "Napaka tagal niyo, ha? Let's go na nga!" Umirap ito nang malala sa aming lahat na sinuklian rin  namin ng isa pang irap. "Eto na nga, mauna ka't susunod kami." Sumunod kami sa mabilis na lakad niya. Kalaunan, kasabay na namin si Liham na nakasuot  ng isang vintage flowy dress na bagay talaga sakaniya.

Sa medyo dulo ng private resort, lumiko si Niqui. May nakahilerang coconut trees doon sa kaliwa't-kanan na may nakalagay na fairy lights na magkakadugtong sa puno para may ilaw sa daraanan. Makakadaan sa gitna ng railing na iyon hanggang sa makarating kami sa isang tagong dalampasigan na napapalibutan ng mga coconut trees. Nado'n na sina Amox. Parehas sila ni Thyrell na inaapuyan ang ginagawang bonfire. Samantalang parehas na may hawak na guitara si Migs at Dart. Nag-gui-guitara at kumakanta ito habang nakaupo sa mga bean sofang nakapalibot sa bonfire. May ilang mga pagkain ding nakalagay sa lapag, may blanket 'yon para hindi malagyan ng buhangin. Kalmado ang hampas ng alon, maraming bituin sa langit at tanging tawanan, pagkanta, pag-gui-guitara, at boses lang nina Amox ang maririnig.

Proud na proud na humalukipkip si Vellardez sa aking gilid nang tumigil s'yang maglakad para pagmasdan ang mga kaibigan. "Look at them, they planned this bonfire night-away after they saw the things that Vry put in the van, earlier. Sobrang effort nilang apat to fix the place! So let's all enjoy the night, before the finals shall we? How about we play some games, right away?!"

"Ano'ng game?" tanong ni Iya.

"One truth and two dares, right Dart?" anunsyo ni Niquita sabay tingin kay Dart na tumango, katabi niya ang kapatid na busy sa paghahanda ng mga makakain namin.

"Paano 'yon?" Umupo kami sa mga bean sofa'ng pa-ikot na nando'n. Magkakatabi kaming pumabilog nina Kathia. Katabi ko si Ace na katabi si Iya na katabi ni EJ at ni KC, si Kathia tapos si Migs, si Thyrell at si Niquita tapos ang magkapatid na Madridant at sa kabilang gilid ko ay si Amox na prenteng umupo nang walang pag-aalinlangan.

"Okay, since ako ang nag-insist ng game, ako na ang mag-e-explain. Bubunot tayo dito sa mga naka-fold na papel na hinanda ko. It's from 1-12. Kung sino ang 1, siya ang mauuna and so on hanggang makarating sa number 12." Agad niya na nga kaming pinabunot sa mga papel na kanina pa yata nakatago sa kamay niya. Nakangiwi akong bumunot dahil ako ang nahuli sa kanilang lahat kaya wala akong choice kun'di kunin ang huling papel na nakatiklop.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon