Haay! Nakakapagod 'tong week na 'to. Tinambakan lang naman kami ng mga quizzes, reports, at projects. Tapos next week, long exam namin sa Accounting. Saturday bukas kaya magsisimula na 'kong mag-aral. Kailangan kong matutunan lahat-lahat.

Kailangan kong makakuha ng mataas na marka para sa future ko! At para matigil na din 'tong deal namin ni Jeffrey, para wala na siyang pang blackmail sa 'kin. 'Di na din niya ako kukulitin!

Pero bakit parang may naramadaman akong 'di maganda sa dibdib ko? Bakit parang ayaw kong tumigil 'tong deal namin?

Aiiiish! Mag-isip ka nga, Kara! Ayaw mo nun? Wala ng gugulo sa tahimik mong buhay!

Tama. Tama.

I can do this. Tira-tira! Ginaya ko pa yung action ni Jasmine sa My girl.

♪♬ I was standing on the other side 

Watching you leaving 

I couldn't see you go♪♬

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito na nasa ilalim lang ng unan ko.

Jelly Ace Calling...

 

O_________o

*dug dug dug dug*

 

Kyaah! Antagal nitong hindi nagparamdam sa 'kin! Mabuti naman at naalala ako! O baka may kailangan na naman? Psh -_-

 

"Oh?" masungit kong tanong pagkasagot.

[Ang sungit. Antagal mo na ngang makasagot ng tawag.]

Waah! Na-miss ko rin yung boses ng masungit na Jeffrey.

"Whatever. Anong kailangan mo?"

I Think I'm Falling (ongoing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat