EPILOGUE

121 3 0
                                    

M O R I P A R A H I M O S H I (Aiko)

"Mukhanng effective talaga ang naging plano mo Mori. Napakasayang panoorin ang Fujiwara at Miyazaki na mamoroblema sa crown Princess nila. Wala sa plano ang mawala siya pero tignan mo naman ngayon." Sabi ni Dad sakin.

"Oo nga eh. At sa tingin ko oras na para gumalaw tayo habang problemado pa sila." Sabi ko.

"Magandang ideya. Magpadala ka ng pwedeng umabush sa village nila. Takutin ang mga Fujiwara. Paulanan ng bala ang maganda nilang bahay. Pati na rin ang bahay ng Galvez, Collins at Lee at nang sa ganoon ay mabawasan na ang problema natin." Anito kaya tumango ako at ako na mismo ang namuno sa mga miyembro ng gang namin.

Oras na para kumilos kami, Fujiwara. Uubusin namin ang lahi niyo.

M A R K

It's been a week since nawalan na kami ng balita about kay Margaux. Ayaw naman ipahanap ng parents niya at ng mga magulang namin ito.

Hindi ko alam kung bakit. Nagaalala na kaming magkakaibigan pero walang gumagalaw para hanapin siya. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin macontact ang number na ginamit niya.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil feeling ko nauulit nanaman ang nangyari 6 years ago. Iniwan niya rin ako ng walang pasabi. Wala rin kaming communication sa isa't isa.

Nandito nanaman ako sa kwarto ko nakahiga lang sa kama habang nakatitig sa kisame. But then my phone rang so I immediately grab it from the the side table and answer it without taking a glance who's calling.

"Margaux?"

"Hindi ako si Margaux. Pero may sasabihin ako about kay Margaux." Sabi ni Sophia.

"Ano yun?"

DALI-DALI akong pumunta sa bahay ni Margaux at nandoon na ang lahat ng pamilya namin pati na rin ang mga kaibigan ko.

"Anong nangyari?" I asked.

"We found out na wala na yung ibang gamit ni Mika sa bahay niya. At yung isa niyang sasakyan ay wala na rin. Chineck ko ang CCTV cameras sa buong village sa pagaakalang pinasok ang bahay niya but it turns out na pumunta dito si Mika." Sabi ni Sophia kaya kahit papano ay nabuhayan ako ng pagasa na babalik na siya.

"Nandito na sakin ang CD at gusto kong panoorin niyo." Sabi naman ni Andrew kaya agad kaming pumasok sa loob para panoorin ang CCTV footage.

Walang nakitang ibang pumasok sa entrance ng village pero makikita sa ibang camera angle ang isang tao na naglalakad papunta sa bahay ni Margaux. Masasabi kong babae ito dahil kahit naka hoodie siya ay nakababa naman ang hood ng jacket kaya makikita ang buhok niya.

Lumingon ito sa camera at kitang kita namin na si Margaux nga ito. May ngiti sa kaniyang mga labi na dahilan apra bumilis ang tibok ng puso ko. Kumaway ito sa camera dahilan ulit para bumigat ang damdamin ko at para bang may kakaiba sa kinikilos niya. Maya-maya lang ay lumabas na sa garahe ng bahay ang sasakyan no Margaux na sports car. Mula sa iba't ibang angulo ng camera ay makikitang lumabas na ito sa village.

"That's it?" I asked.

"Yes. Walang tao sa security room that time na pinagtataka ko. Kasi kubg mayroon man ay siguradong irereport na nila agad ito satin pero wala. Yung nagbabantay naman sa gate ay wala rin na talagang sobrang pinagtataka ko." Sabi ni Andrew kaya nainis ako.

"Kaharap lang ng bahay ko ang bahay ni Margaux bakit wala ka man lang ginawa para mapigilan siya?!" Inisnna tanong ko.

"Wala ako sa bahay ko ng oras na yan. At wag mo ako pagsasabihan na walang ginawa dahil sating dalawa ikaw ang mas walang nagawa, nasaan ka nitong buong linggo? Di ba nasa kwarto ka lang at nakatitig sa kisame? Kaya wag mo akong pagsasabihan niyan dahil pare-pareho lang tayong walanh nagawa!" Sigaw rin niya at tinalikuran na kami.

Hiding The Truth (Book One) [COMPLETED]Where stories live. Discover now