Chapter 7: The One He Left

Start from the beginning
                                    

Lumakad na lamang ako palabas ng subdivision dahil mahirap makakuha ng taxi sa loob.

Nagpahatid ako sa sinasabi ni Manay na building.

G&S Couture

Nang makapasok ako sa lobby ay agad na namataan ko si Manay kaya nilapitan ko siya.

"Saskia, ang galing-galing mo talaga!" Masayang salubong niya sa akin at humalik sa pisngi ko.

Nagtataka ako sa kanya. Ano bang nagawa ko?

"Nexiel Vergara called me. Ikaw ang gusto niyang maging main model ng bagong line nila. Ito na 'yung break na hinihintay mo" kumikinang ang mga matang sabi niya.

Kulang ang salitang nagulat. Sobrang... WOW!

Ako na nagsisimula pa lamang, ako ang magmo-model ng new collections ng pinaka-sikat na clothing line sa bansa?!

Parang nakalutang pa din ang pakiramdam ko nang hilahin ako ni Manay patungo sa elevator.

Nabibigla pa din ako sa balita hanggang sa makarating kami sa isang opisina.

"Good afternoon, Mr. Vergara" magalang na sabi ni Manay.

Malaki ang pagkakangiti ni Nexiel Vergara. Tumayo siya at yinaya kami sa sofa ng opisina niya.

"Welcome to G&S." Nakangiting sabi niya. "I guess you're here regarding my proposal... so, what can you say?" Sa akin siya nakatingin. Mayroon kung ano sa tingin niya na kakaiba.

Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan namin kagabi? O may alam siya sa nangyari sa amin ng kapatid niya?

Kahit ano man sa dalawa, nakakahiya! Parang ayoko na tuloy tanggapin ang offer!

Si Manay na agad ang nagsalita at nakipag-deal. Wala akong imik dahil naiilang ako sa mga sulyap ni Nexiel Vergara.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap nang kumatok ang sekretarya ni Mr. Vergara.

"Sir Nex, sir Neil is here" she politely informed.

"Send him in" nakangising sagot ni Nex at tinignan na naman ako ng nakakaloko. I swear may alam siya!

Marinig ko pa lamang ang pangalang 'Neil' ay hindi na ako mapakali.

Isa pa, hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan at haharapin. Nakakahiya ang nagawa ko kagabi! Bumigay ako ng ganoon na lamang! Ano ang iisipin niya sa akin?

Kaya nga nang magising ako kagabi at nakapag-isip ng matino at ma-realise ang nagawa ko ay agad-agad na nag-ayos ako ng sarili at umalis.

Todo yuko ako ng ulo nang maamoy ko ang pamilyar na amoy niya. Amoy pa lamang niya ay nahahalina na naman ako.

"Ms. Dizon, meet my brother, Neil. I believe magkakilala na sila ni miss Aragon" may kakaiba sa tono ni Nex. Tila nanunukso at may laman ang sinasabi niya. "Siya ang nagsabi na si Miss Aragon ang kuhanin namin for the new collections. He said that no one can do the job better that she can" malaman pa na dagdag niya.

"Nice to meet you, Mr. Neil Vergara" magalang na sabi ni Manay na mukhang overwhelmed at hindi nakakahalata sa mga sinasabi ni Nex.

Ngayon ko naisip kung bakit Sobrang swerte ko naman. Hindi swerte ang pagkakapili sa akin kundi bayad. Ano ba ang tingin sa akin ni Neil? Na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya para dito? Na kaya kong ibenta ang sarili ko?

Ngayon ay ayaw ko na talagang tanggapin ang offer. Hindi ko kayang pababain ang sarili ko ng ganoong kababa. Oo kailangan ko 'to at malaki ang maitutulong nito sa career ko. Pero mahalaga pa rin naman ang mararamdaman ko. Hindi ko naman ibinenta ang sarili ko sa kanya para bayaran niya ako. Nakakainsulto siya!

"Nice to meet you, Ms. Dizon." Pormal at seryosong sabi ni Neil

Napatda siya sa pag-upo nang makita ang galit sa mukha ko.

"I don't-" naputol ang sasabihin ko nang gagapin ni Neil ang kamay ko at hilahin ako.

"I'll talk with her for a while" seryoso pa din na sabi niya at hinila ako. Walang nagawa ang pagpipiglas ko.

Dinala niya ako sa emergency exit at isinandal ako sa pinto pagkasara niya noon.

"What are you doing?!" Inis na tanong ko sa kanya at matalim na tinignan siya

He caress my cheeks. Tinampal ko ang kamay niya. Pilit na pinangingibabaw ko ang galit ko sa pag-insulto niya sa akin, dahil ang isang parte ko ay gustong pumikit dahil sa init ng palad niya sa balat ko.

"Why did you left?" Tanong niya sa akin sa mahinahong tono. Hindi na siya muling nag-tangka na hawakan ako.

Matalim na tinignan ko siya. "Dahil naisip ko kung gaano ako katanga para ibigay ang sarili ko sa'yo" galit na sabi ko. "Oo, Neil, nagkamali ako at naging tanga. Pero hindi dahil ibinigay ko sa'yo ang sarili ko nang ganoon na lamang, ay may karapatan ka nang insultuhin ako!"

Ngumisi siya sa akin. "Is this your act as well? Last night, you're acting drunk to lure my brother, but unfortunately, I am the one lured. Now that I am returning the favor for the nice fck, you're acting like this? Ano ba ang gusto mong kapalit?" Mapanuyang sabi niya

Hindi na ako nakapag-isip at malakas na nasampal ko siya.

"Hindi dahil nakipag-sex ako sa'yo ay pinababayaran ko na! Hindi ako bayarang babae, Mr. Vergara. Oo, nakuha mo ako ng walang kahirap-hirap, pero hindi ibig sabihin noon na ibinilad ko ang sarili ko sa'yo kapalit ng pagsikat ko! T*ngina mo!" Gigil na sabi ko sa kanya at tinalikuran na siya.

Maagap na hinila niya ako sa braso at muling isinandal sa pinto. Siniil niya din ako ng halik.

Pilit na pinagdiin ko ang mga labi ko para hindi niya ako mahalikan. Kahit na naaakit ako sa kanya. Hindi mawawala ang galit ko sa pang-iinsulto niya sa akin.

He wraps his arm around my waist and lean his forehead on mine.

"I'm ar0used when you're fuming mad like that. I can still picture you in mind, naked in my bed" masuyong sabi niya at hinaplos muli ang pisngi ko. "I didn't offer you the project to offend you, much more, to insult you. I told Kuya to hire you 'cause you deserve it" he kiss the tip of my nose. "Alam naman natin pareho na maganda ka talaga. Wala na akong ibang maisip na mas babagay na mag-suot ng mga damit na 'yon kaysa sa'yo. I witnessed last night, how much of a goddess you are" he lightly brushed his lips against mine.

My mind is going haywire and I can't think straight. Inuulap na naman ang isip ko ng mga sensasyon na binibigay niya.

He kissed my mouth with all the gentleness. And I answered his kisses.

"You're not coming back at Kuya's office" he said after the kiss. "I don't want him looking at my girl" seryosong sabi niya at dinukot ang cellphone niya sa bulsa.

Hindi na naman gumagana ng maayos ang utak ko. Nakakabobo talaga ang isang Matthew Neil Vergara!

...my girl...

Parang naririnig ko pa rin sa utak ko.

"Saskia is with me and we're not coming back. Tell her manager that she'll be out with me for the entire day. I'll discuss the proposal with her" seryosong sabi niya at mabilis na hinalikan muli ako sa labi.

Tulala lamang ako sa kanya habang kausap niya pa ang Kuya niya.

Ano na naman ba ang napasukan ko? Katangahan na naman ba ito?

Bakit isang halik lang ni Matthew Neil Vergara, handa na naman akong magpaka-tanga at gumawa na parehong pagkakamali?

________________
March 15, 2015 (Sunday) - 17:19

Next Chapter: The One at the Background

My HEARTS, may facebook na po ako :) Chase Clockwork ... add me if you want.

Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now