Chapter 6

56 3 0
                                    

BzzzzzZ BzzZzz! Ding Dong! BzzzZzzZ! BzZzzZz!

Nagising ako sa doorbell. Feeling ko kasi nagvavibrate ang puso ko tuwing may 'bzz' pwede namang ding dong lang di ba? Asar!

"Hey, hey! Hey, Clyde!" Inalog alog ko si Clyde.

"O..oh? B-bakit?" Ang husky ng voice. Shit. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"May nagdo-doorbell."

Tumayo na siya at naghilamos. Nakaboxer lang siya ngayon.

Binuksan niya ang pinto habang ako nasa likod niya. "Sir, ma'am, delivery po."

"Tatlo pa talaga ah?" Bulong ko.

"Ah, thanks. Magkano?" Nakita kong namula ang malanding babae nung kinuha ni Clyde yung plastik na hawak nung babae. Kala niya siguro hahawakan ni Clyde yung kamay niya.

"Okay na po. Binayaran na po ni Mr. And Mrs. Hamilton." Sinarado na ni Clyde ang pinto. Rude, baby.

"Gising na ba si baby?" Inilapag niya ang pagkain sa lamesa.

"Wait, babe, tingnan ko." Di ko kasi napansin si Rianne kanina.

Pero bago ako pumasok, bigla namang may lumabas, "Daddy, mommy." Sabi ni Rianne, sabay nag-yawn.

"Gising na si baby." Sabi ko sabay buhat kay Rianne. "Nga pala, babe, may pasok, ah?"

"Oo nga. Pero excused tayo. Kami ang mayari ng univ. Diba? So controlled namin ang attendance. Sinabihan na ni Dad ang teachers natin." Wow. Just wow.

Eighteen years old pa lang kami, pero may "anak" na kaming saksakan ng kacute-an.

"Gutom Rianne." Yan na naman siya.

"Oh, kain na baby. Jollibee na to." Binigyan ni Clyde si Rianne ng isang pancake. 

"Syrup po." Sabi ni Rianne. At nagpout.

"Ako rin po daddy Clyde!" Humagalpak ako ng tawa.

"Oy, anong ikaw rin?" tanong ni Clyde. Habang sinusubuan si Rianne.

"Mommy! Subo!" sabi ni Rianne. Nako, ang dungis na niya.

"Ang dumi na ng mukha ni Rianne, oh. Bakit kasi dinuduldol mo lang, Clyde?" 

"Ano? Di naman, ah?" sabi niya, sabay tingin sa mukha ni baby Rianne.

"Ay, oo nga. Sorry, mommy Trina and baby Rianne. Di na po mauulit." Kumuha ng bimpo si Clyde at pinunasan ang mukha ni Rianne. Ang cute. Mukha silang mag ama talaga.

"Natulala ka na diyan?" natatawa niyang sabi.

"Hindi ah! Tinitingnan lang, natulala agad?" Wala na siyang naisagot.

Natapos na kaming kumain. "Daddy, Im bored po."

"Ha? Wala ka namang barbie doll dito."

"Bratz!" Nagta-tantrums si Rianne, cute!

"Bili tayo, baby?" Tanong ni Clyde.

"Wag na, babe. Masyado nang spoiled si Rianne. Pwede namang tayo tayo na lang ang maglaro, di ba baby Rianne?" Singit ko sa usapan nila.

"Okay, what game po?" Namilog ang mata niya. Napangiti ako.

"Takot-takutan! Awooooooo!!!!" Sigaw ko sabay porma ng kamay na parang claw kay Rianne. Agad siyang napatakip ng mukha at nagtago sa tiyan ni Clyde.

"Daddy! Monster, daddy! Takot Rianne! Huhu."

Tumawa si Clyde sa kalokohan at nakissli. "Monster rin si Daddy! Awwwooo!" Corner!

"UWAAAAH!!!!" Nako, umiyak si baby!

"Nako, baby hindi na kami monster. Tahan na! Wag ka na umiyak." Sabi ko kay baby sabay hagot ng likod niya.

"No! Monster ka po! Don't touch me! You too daddy. . .I mean monster!"

"Baby, stop it. Di na tayo naglalaro." Pikon na si Clyde.

"UWAAAAH!" Still, umiiyak pa rin.

Marami akong ginawang kung ano ano para lang mapatahan to si Rianne. At last, nakatulog rin.

Nung maggabi na, tulog pa rin si Rianne. Binuhat ito ni Clyde, buti na lang hindi nagising, papunta sa kwarto. Natulog na rin kami pagkatapos.

--

A/n. sorry short update

The Casanova's LoveWhere stories live. Discover now