Chapter 5

69 5 2
                                    

Naglilipat na kami ngayon. At eto, tinutulungan ako ni Clyde. Malapit lang kasi sa kanila ang condo ko. At malayo naman sa amin.

Matapos ang ilang oras ng paglilipat, natapos rin. Habang nagpapahinga kami, biglang tumawag ang tita ni Clyde.

"Uhm, hello tita?. . .Bakit po?. . .ah okay po. . .ah opo sige. . .okay lang po sa kanya. . .anong oras po?. . .ah ngayon na po?. . .o sige po. . .bye po." Ano kaya yung pinaguusapan nila?

"Ano daw?" Tanong ko sa sobrang pagkacurious.

"Papaiwan daw muna satin si Baby Rianne." Ngumisi siya.

"Sino yun?" Sabi ko habang nagaayos ng gamit.

"Ah pamangkin ko." Sabi niya. "May pupuntahan daw kasing business meeting magulang niya kaya satin muna papaiwan. Three days." Nagulantang ako sa sinabi niya.

"Three days?!" Napasigaw ako.

"Shhh, oo."

"Kailan dadalhin dito?" Namilog ang mata ko sa pagkaexcite.

"Ngayon." May kumatok. "Yan na pala eh!" Tumayo si Clyde at pinagbuksan ng pinto. "Tita."

"Ah, Hijo, Clyde, iwan muna namin sa inyo si Rianne ah?" Sabi niya kay Clyde sabay tingin sakin. "Siya na ba yung Fiancee mo? Ang ganda ah!"

Tumalon ang puso ko sa sinabi ng Tita niya. Napangiti ako sa sinabi ng Tita niya.

"Oh, siya, sige, maiwan ko na siya sainyo." At yun iniwan na niya si Rianne samin saka umalis.

Di ko inaakalang ang two years old na bata ay ipapaiwan sa amin. Kulot at mahaba ang kanyang buhok at napakaliit pa nito. Maputi siya, na kasing puti ko.

"Wala ba tong yaya o kung ano na magbabantay sa kanya at tayo pa ang pinili?" Tanong ko.

"Wala eh." He chuckled. "Lika nga baby." Kinuha niya si Rianne at binuhat.

"Kuya!!" Ang cute! Kamukha ni Clyde.

"Hi, Rianne!" Bati ko sa bata.

"Hello po." Wow. Di na siya bulol.

"Hungry Rianne." Sabi niya sabay pout. Ang cute talaga! Ang mga ganitong bata talaga, ang sarap pisilin ng pisngi.

"Okay, baby. Luluto lang ako baby, ha?" Paalam ko sa bata.

Pumunta ako sa kusina at iniwan ang magama este magkuya dun sa sala. Pagkabukas ko ng ref, nanlaki ang mata ko. . .Wala nga pala itong laman, dahil nga kakalipat ko lang dito. Hindi pa ito nalalagyan ni Mommy ng stocks kasi bibili pa lang siya.

Pumanik na ako sa sala at sinabi, "Clyde, baby Rianne, walang stock ang ref."

Ibinaba niya si Rianne. "Sandali." Biglang tumayo si Clyde mistulang may tinatawagan.

"Tita. . .pwede po ba namin ipasyal sa Mall si Rianne. . .ah opo. . .sige po. . .salamat."

"Ano daw?" Tanong ko.

"Pinayagan na tayo. Kaso sama daw natin si Rayne at Kean." Binuhat niya si Rianne at hinigit niya ako.

"Teka, sino yun? Bata rin?" Tanong ko. "Hindi orphanage ang condo ko no!"

"Ah oo, kambal yun. Pinsan ko rin, kaso hindi kapatid ni Rianne."

"Teka, teka! Clyde! Bibihisan ko lang si Rianne. Ang dumi ng damit niya."

"Fine. Bilisan mo ah? Ikaw na rin magbihis. Color gray." Hinalikan niya ako na nagpakalabog ng puso ko.

Pumunta na kami sa kwarto ko. Binihisan ko na muna si Rianne ng gray na tshirt at skater skirt na black at boots. Ang cute niya talaga! Ang sarap panggigilan.

The Casanova's LoveWhere stories live. Discover now