Chapter 3

48 4 0
                                    

Nakauwi na kami. Masaya ang araw na to. Nagpapahinga ako sa kwarto ko ng biglang may kumatok.

"Princess?" Si daddy.

"Yes, dad?"

"Baba ka, Princess. Dali." Bakit kaya?

Bumaba na ako, at nakita ko sina mom and dad na nakaupo sa sala. May kasalanan ba ako? Wala naman diba? Nagsumbong ba kayla mom si Clyde? Di pa naman nila alam na casanova ako. Tama na. Baka kung ano ano pa isipin ko. Baka kabahan ako habang kinakausap sila.

"Princess, you know that our bussiness aside from the school is almost bankrupt, right?" Yeah, that's true.

"Yep, dad. Why?"

"So, we've been thinking of this last month pa. We even argued about this thing." Sabi ni dad. Kumalabog ang puso ko sa mga sinasabi nila.

"What's that thingy, dad? Spill the beans, please?"

"Okay." He sighed. "Napagusapan na ng buong pamilya natin. Even Grandpa and Grandma. Well, except sa mama mo. . .alam naman nating hindi iyon papayag. We will be merging with the Hamilton Company Inc."

"Dad, di ba naginvest siya sa school natin?" Nanlaki ang mata ni Daddy sa sinabi ko.

"How did you know, Princess?" Hindi ako sumagot. "Ah, yes. They invest but we'll be merging now."

Napahinga ako ng maluwag. "What's the problem with that, Dad?" What's wrong, right? Magmmerge lang naman ang company namin.

"So, baby. Alam mo naman na para maging merge talaga, kailangan ipakasal ka namin sa anak ng Hamilton. Ang taga pag mana nila na si--" 'Di ko na sila pinatapos dahil umalis agad ako ng bahay at nagpunta ng mall.

Maraming tanong ang naglalaro sa utak ko. No! Ayokong matali sa isang lalaking hindi ko mahal. I don't care even if it's Clyde. And I know hindi si Clyde iyon. Alam kong ang kuya niya ito dahil sa school namin gumraduate ang kuya ni Clyde ng Bussiness Ad. Kaya sigurado akong siya ang taga pag mana ng kompanya at siya ang iaarrange marriage sakin. Ah, gusto ko na makawala dito sa buhay na to! I hate this feeling! Feeling ko wala na akong kapangyarihang magdesisyon para sa sarili ko.

Nandito na ako sa mall ngayon. Sobrang boring naman dito. Kaya ang ginawa ko na lang ay umupo sa bench. Solo ko ang isang bench dito. Kumakain ako ng nachos ngayon. Napatalon ako nang biglang may tumabi sakin. Yumuko ito habang nakapatong ang ulo niya sa kanyang kamay. Nakasweat shirt siya kaya hindi ko ito naaaninag. 

"Hey, can't you see that Im the only one here?" Taas kilay kong reklamo. Ayoko ng may katabi. "Maraming gustong umupo dito pero 'di ko pinapayagan. Maraming nagpapaalam. Pero ikaw? Hindi? Whadda hell?!"

"Eh anong pake-- Trins?!"

"Clyde?!" Sabay naming sigaw.

"Ikaw pala yan baby. Bakit di mo sinasabi?" Pakisaksakan nga to ng sense of humor. Paano ko kaya masasabing ako yun, e, di ko naman nakikita mukha niya.

"Duhh, I can't see your face,
." Common sense naman, Clyde! "Nakahood ka kaya! Bakit? May pinagtataguan ka?"
"A-ah, wala. Nabadtrip lang ako sa magulang ko, kaya umalis ako." Parehas pala kami.

"Oohh, I see." Umiwad ako ng tingin. Wala na akong masabi.

"Ikaw, ba't ka nandito?"

"Bakit? Kayo ba may-ari nito para sabihin yan?" Kairita naman.

"Nah. Seriously, I like you." Ano daw?! Ang bilis naman. Ah naalala ko, casanova nga pala to. Effective na ba?

"Yeah. Halata." Sabi ko.

The Casanova's Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें