Chapter 5- Enemy

12 2 0
                                    

*Chapter 5- The Enemy


ASNERIA'S POV

 Nag tago ako sa likod ng pinto, nakita kong may ginagalaw sya sa patient monitor. Ano kayang ginagawa nya? may dala din syang injection...


Nakita kong paparating na ang doctor. Nang mapansin nya ito, nagmadali syang dumaan sa kabilang pinto papuntang lab. Sinundan ko parin sya doon. May hinahanap sya...sa mga files.


"Tingnan mo nga naman...HUBERT LITSZ" bakit nya binabanggit ang pangalan ni Hubert?

"Wala ka nang takas Hubert, makakaganti narin ako sa'yo" sabi nya sabay tawa. Makakaganti? bakit, anong atraso ni Hubert sa kanya? Kailangan kong alamin ang lahat ng ito! Kung hindi, mapapahamak si Hubert.


Mataas syang tao, sakto lang ang mata, medyo panot din ito. Alam ko, masama syang tao. Kinuha nya ang mga files ni Hubert, di ko alam anong gagawin nya sa mga ito, pero isa lang ang nasisiguro ko, mapapahamak si Hubert kapag 'di ko siya napigilan kaagad.


Lumabas ako sa pinag tataguan ko. Nagsuot ako ng jacket na may hood at naka sunglasses para kahit mag glow na naman yung mga mata ko, di nya makita.


[Paki-play po nung video sa multimedia : - )


"Hoy! sino ka?!" sabi ko pagka labas at nagulat sya.


"Hahaha! ako ata ang magtatanong nyan sayo, sino ka? wag kang haharangharang sa dinadaanan ko, baka ano pang magawa ko sa'yo"


"Nakita ko ang lahat ng ginawa mo" i said.


"Hoy! alam mo ba kung sino ako? at alam mo ba ang kaya kong gawin? ah!" sigaw nya saken.


"I can kill you! di ako marunong maawa. Kaya binabalaan kita, itigil mo na kung ano man ang binabalak mo"


"Patayin? ako? hindi mo magagawa yan! kung alam mo ang ginagawa ko, at pinapatigil mo ako... it means di mo ako kayang patayin. Dahil ibig sabihin lang no'n mabuti kang tao"


"Mabait? hindi ko alam ang salitang yon. Alam mo kung ano ang alam ko? ANG PROTEKTAHAN SYA!" ni hindi ko alam paano ko nasabi iyon. Basta nasabi ko lang.


Dinaganan ko na sya sa pagkakataong ito. Pero mga 2 meters palang ang layo namin sa isa't isa nang matigil ako dahil may nilabas syang baril.


"Sinabi ko na sayo! Hindi mo ako kilala. Kaya kong gawin ang lahat" he said.


"At bakit? kilala mo ba ako?" I answered. "Kaya mong gawin ang lahat? pwes hindi mo alam kung ano kaya kong gawin"


Inagaw ko sa kanya ang baril, pero lumaban din sya. He still strong. Hindi ko sya kaya. Puro defense nalang ako.


ASNERIADonde viven las historias. Descúbrelo ahora