Chapter 1-Amanda met Asneria

27 2 0
                                    

Nag lakad lakad si Asneria sa di malamang lugar.  medyo madilim na ang paligid dahil nag gagabi na. Halatang naguguluhan din sya sa mga napapansin nya at namamangha sa ibang bagay.. Nagulat sya nang may biglang humatak sa kanya sa isang madilim na sulok. Bumugad sa kanya ang mga lalaking lasing, mga walang damit. Ang iba ay lasing at ang iba naman ay matitino pa ang utak. Pinag mamasdan sya ng mga lalaking humatak sa kanya na nasa mga 40+ na.

"hi miss? Bago ka ba dito? O mukhang naliligaw ka atah" sabi ng lalaking humila sa kanya. Hindi pa ito lasing, Gaya ng iba ay wala rin itong damit, mapayat, mahaba ang baba, panot, manipis ang kilay.

Umilaw ang mga mata ni Asneria.  Alam nyang masamang mga tao ito at ramdam nyang mapapahamak sya. Nakikita nya ito sa mga titig nila, at mga kilos at galaw.

"hiisssss....ssss...hsss"

"eh loko to pare ah! bakit parang ahas to kung mag salita?! Hoy mag salita ka dyan!" sigaw ng isang lalaki.

Hinawakan ng lalaki si Asneria sa pisngi. "hmm, Gusto mo shot muna tayo?"

Nagagalit na si Asneria dahil unti unti na sya nitong hinawakan sa bewang at hinalikan sa pisngi. Umilaw pa lalo ang mga mata nya kaya dahil sa takot ay nagsi takbuhan ang mga kasamahan ng lalaki pero hindi sya nag padala. Nag patuloy sya sa kanyang ginagawa at unti unti nang mag aanyong ahas si Asneria.

"Let her go!" sabi ng isang babae sa likod at may kasamang dalawang body guards sa likuran nya. Medyo matanda na ang babae, maikli ang itim at makintab nitong buhok, sakto ang kapal ng kilay at may matangos na ilong. Nasa mga 50+ narin sya.  Agad namang tumakbo ang lalaki nang nakitang may dalang baril ang kasama ng babae.

"Are you ok? Hindi kaba niya sinaktan?" tanong ng babae. Nagulat sya nang humarap si Asneria sa kanya. Her eyes were green. Her pupil become one black line. Her eyes is an eyes of a snake. "you're like him. You are so like him" sabi ng babae sa di maipaliwanag na dahilan. At ang kanyang ekspresyon ay parang... manghang mangha ito. O para bang may naaalala.

Hindi nakapag salita si Asneria. "hisssss...Sssss..." tanging lumalabas sa bibig ni Asneria.

"It's fine... It's ok, don't be scared. Come with me. I'll help you"

 Nag simula silang mag lakad patungo sa sasakyan ng babae at nag iba ang reaksyon nya nag makita ang kotse. Napakunot ang kanyang noo at hinawakan ang kotse. Madulas ito nang hawakan nya. Binuksan ng babae ang kotse at napaatras si Asneria. "hissss..." bigla syang ngumiti at pumasok sa loob.


After a while, bumaba na din sila sa kotse. Isang malaki at magandang bahay ang tumambad sa kanyang harapan. "hissss...sss" tuwang tuwa si Asneria sa kanyang nakita.

"you're really like him, like them. I missed them so much" sabi ng babae saka sinamahan si Asneria sa loob.

"I am Amanda." sabi nya. "kami lang ng anak ko ang nakatira dito kaya ok lang na mag stay ka muna dito, you're meant to stay here. Gusto mo bang kumain muna? Ipaghahanda kita"

Halos di na nanguya si Asneria sa gutom nya. Patuloy lang sya sa pagkain habang nag sasalita pa si Amanda. "pagkatapos mo nga palang kumain, maligo kana sa banyo. Ihahanda ko ang mga gamit at matutulugan mo sa guess room. From now on, doon na ang kwarto mo." nangiti nyang sabi.


**AMANDA'S POV**

It's been years since huli naming nakita ang isa't isa. Sana ligtas sya kahit wala na si Ate. I missed them so much. I can't even imagine na kamukhang kamukha ni  Asteria ang tatay nya. Lumaki syang walang magulang. But i know, Katulad sya ni ate  ng ugali. Maganda si Asneria, mayroon itong mahaba na buhok, medyo makapal ang kilay pero bumabagay naman sa kanyang itsura, matangos din ang kanyang ilong kagaya ni ate, malaman at mapula ang kanyang mga labi.

" so how is it? Tapos ka na atang maligo. Let's go to your room. Mamaya ay mamili tayo ng mga gamit mo, para may magagamit ka. Kukuhaan kita ng tutor para makapag salita kana. Hindi dapat malaman ni Hubert  ang tungkol sayo. You need to act that you are normal" i said habang papasok kami sa kwarto nya. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagka mangha at pag tataka.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng kwarto at inilibot ang paningin sa loob. Nagpa gulong-gulong pa sya at natalon sa kama. Haha, pareho sila ng reaksyon ng tatay nya nang unang makita ang mundo kinalakhan ni ate.

***

"let's go?" Pumasok na sya sa kotse. Mukang gaya ng kanyang ama, di narin sya nagulat kapag higit isang beses nang makita ang isang bagay. Madali silang natututo. Hindi normal si Horiss, lalo pa kaya si Asneria na isang hybrid. Kalahating tao at kalahating ahas....hindi din normal na ahas si Horiss, may mga nagagawa sya na hindi magagawa ng isang normal na ahas.

Maraming nakikitang mga bagay si Asneria mula sa loob ng sasakyan habang bumabyahe kami. Halatang nasisiyahan sya sa mga bagay na nakikita nya, ayos din ito, para masanay sya.

***

"Sya na ba? Ang ganda nya... Manang mana nga sya sa ama nya" Loraine said. She is the tutor of Asneria. Sya din ang nag turo noon kay Horiss na makapag salita. 1 week palang ay natuto na agad si Horiss noon. 

Kagigising palang ni Asneria. "Good morning Asneria. She is miss Loraine Monteseo. Tuturuan ka nyang mag salita, para masanay ka dito" i said habang naka ngiti sa kanya. "hsss...hsss"

***

1 month na ang makalipas. It's Saturday today. Pero kailangan ko na ring bumalik sa trabaho. It's a long vacation with Asneria. Nasanay na akong kasama sya palagi at nakaka bonding ko din sya.  Tinutulungan nya din ako sa mga gawaing bahay even she know nothing before. Pero madali naman syang turuan. Nag sho shopping din kami minsan with Loraine. BTW, Loraine is our friend since before. She knows about Horiss.

"Good morning tita!" bati ni Asneria na kagigising pa lamang. "hello dear, kumain na tayo" Nakakatuwa talaga sya, lalo na ngayon na nakakapag salita na sya. Nakakapanibago kase sa bahay ni Loraine sya minsan tinuturuan. Mukha na syang normal. As i count her years since nung pinanganak sya, she's now 17. Namiss ko tuloy ang anak ko. He's now 19. Nasa ibang bansa kase sya nag aaral. 

Hindi nya pwedeng malaman ang tungkol kay Asneria. Wala syang dapat malaman. Wala akong dapat sabihin sa kanya. Hindi ko naman tunay na kapatid si ate Mia. Pero tinuturing ko na rin syang totoong kapatid until her last day... I love Asneria as how i love Mia, her mother.

"Tita Amanda, may lakad po ba kayo ngayon?"

"Um, Oo eh. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko"

"Pwede po ba sumama?"

"Hindi, dito ka lang. Mag lock ka ng pinto, at wag na wag kang magpapasok ng kung sino-sino except for Loraine. Maliwanag?"

"Yes tita"

Alam kong kaya nyang protektahan ang sarili nya pero hindi nya kayang mag isa.  Hindi ko alam kung saan hahantong ang pagtatago ko sa kanya. Pero poprotektahan ko sya no matter what...

____________________________________________________________________________

Hi! Hello!

It's my first time creating a story... please support me kahit isa lang at least alam kong may nag babasa ng stories ko.

As I said, it is my first time, so please expect some mistakes and changes in this story, and btw, all of the events, places, and even characters are just from my imaginations...

Thank you!!!



ASNERIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon