74

189 4 0
                                    

Keena Sarmiento
Feb. 23, 2019 at 10:22 PM

Coco:

good news: nasabi ko na kay Kelevi ang totoo

bad news: nahuli niya ako kaya ako napasabi at hanggang ngayon wala pa ring tugon huhu ni kahit seen na lang wala talaga

hindi naman sa umaasa pa akong magre-reply sya since knows ko naman na sasabihin niya lang sakin kung gaano siya ka-dismaya at kagalit sa nagawa ko huhu pero can't help to think he'd understand me eventually

ewan ko ba may tiwala kasi ako sa kaniya at naisip ko din na baka he needs time to think

pero kung wala na talagang pag-asang maging maayos kami wala na akong magagawa diyan :(( the least I can do is to wish him the best in life diba

papatugtug na talaga ako ng Letting Go ng Day6 

noha noha noha :((

Keena:

ano? wait wag mo kasi akong tadtarin ng messages kasi nahihilo ako lalo na pag ganyang typings mo

Coco:

JUDGER

pati typings ko may puna ka pa rin eh maayos naman

Keena:

no commas

Coco:

fake news ka may comma kaya?? hinihigaan ko ngayon kasi I need to rest??

Keena:

nasa milk tea ka ba?

Coco:

huh?

Keena:

kasi boba ka k

paanong nahuli ka ni Levi?

Coco:

huhu mukhang si Trista yung dahilan pero di ko naman syempre sisinisi yun

mukhang sinabihan yata ni Trista si Levi na sabihan akong may emergency meeting bukas sa studio tapos binigay nya rin yata yung number kong nasa profile ko

ang tanga ko din kasi now ko lang naisip ulit na yung number na nilagay ko sa profile ko ay ang number na ka-text ni Levi  kaya ayan nabuking ako finally :((

plano talaga to ni Lord at hindi ko naman kailangang magalit sa Kaniya kasi maybe He thinks I'd learn my lesson from this

pero huhuhu sasabihin ko naman talaga anytime soon bakit kailangang ganito pa mangyari ang lahat I'm sooo hosed

Keena:

grabe no magkaka-love life ka na sana pero naging bato pa

pero mukha namang hindi mo yan karma, more like destiny na hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa

Coco:

thanks Keena ang helpful guminhawa na buhay ko

Keena:

seriously ang masasabi ko lang, if you think Kelevi needs time, pagbigyan mo

if he still forgives you and continues to court you despite what happened, either marupok siya o sadyang tanga lang talaga

char hindi naman sa tanga pero that also proves that he likes you enough to be able to accept you again

kasi to be honest ang kasalanang nagawa mo lang na siguradong nasaktan siya ay ang hindi mo pag-amin agad, pwede ring dahil tinago mo pa rin sa kaniya ang tungkol doon kahit na noong sinimulan ka na niyang ligawan

Coco:

stooop sumasakit na dibdib ko pag naaalala ko kung gaano ako katanga

Keena:

well-deserved

Coco:

hu u

naiiyak nako dito tapos ganyan ka pa hmp

Keena:

nasabihan na kita, ano pa bang gusto mong marinig?

"crushes" pass just so you know, marami pang mga lalaki diyan

Coco:

mahal ko na yata si Levi

char

Deep In Love (Day6 Series #2)Where stories live. Discover now