CHAPTER 39: FOREVER DREAM

Start from the beginning
                                    

"Bakit walang ka, mommy?" He asked referring to ice cream.

Hinagod ko ang likuran niya. Sa kanilang tatlo, siya talaga ang pinakamalambing. Malambing din naman si Lancelot at Lanaia. Pero si Landon, kada limang minuto yata kung maglambing sa akin. Si Lanaia naman mas malambing sa daddy nila. "It's okay baby." Sabi ko naman sa kanya.

"Here oh. Taste it mommy. It's delicious." Alok pa niya at idinikit sa labi ko ang ice cream niyang nasa apa. Wala na akong nagawa kung hindi ang tanggapin na lang ang isinusubo niya sa akin.

"It's delicious baby. Kainin mo na, bago pa malusaw." Sabi ko pa matapos kong tikman ang ice cream niya. Nginitian niya na naman ako ng matamis saka bumalik sa mga kalaro.

Binantayan ko silang kumain ng ice cream dahil tumutulo paminsan-minsan ang kinakain nila at naglalagkit ang mga kamay nila. Iniwan ko lang sila nang wala na silang kinakain na ice cream. Bumalik ako sa upuan ko at pinanuod ko lang silang naglalaro. Nasa ganon akong posisyon nang may magtakip sa mga mata ko mula sa likuran.

"You don't have to do this Xenon. Kilala ko ang amoy mo." Sabi ko nang maamoy ko ang pabango niya dahil umihip ang hangin ng malakas.

Tinanggal na niya ang mga kamay niya sa mata ko at umupo sa tabi ko habang nakasimangot. "Basag trip ka naman." Sabi pa niya.

Tinawanan ko lang siya at inilipat ko ang atensyon ko sa mga anak namin na papalapit sa amin dahil nakita nila si Xenon na kauuwi lang galing trabaho. "Dada!" Si Lancelot ang nauna sa kanilang tatlo kaya siya ang unang nakahalik sa daddy nila, sunod si Lanaia at huli si Landon dahil hindi gaanong makatakbo dahil sa sugat sa tuhod.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Xenon kay Landon nang makita niya ang sugat nito sa tuhod.

"Lanaia happened, dada." Sabi ni Landon na may nagsusumbong na tono ang boses.

Agad naman binalingan ni Xenon si Lanaia kaya ang ginawa nito ay lumapit sa akin. "We'll talk later. Tara uwi na tayo. Malapit ng gumabi." Aya niya sa amin.

Sumangayon naman ako at nagpaalam na kami sa mga kalaro nila na uuwi na rin. Habang naglalakad kami pauwi, may sinasabi si Lanaia sa kakambal.

"Sorry na Landon. Ikaw kasi e!" Sabi niya at pinaparinig kay Xenon.

Takot kasi sila kay Xenon dahil hindi sinasanay ni Xenon ang mga mali nilang ginagawa. Pumipirmi agad sila kapag si Xenon na ang nagsabi. Kumbaga isang salita lang ni Xenon tiklop sila. He's the bad cop. Ako naman, madalang ko silang pagalitan kagaya ng ginagawa ni Xenon. Ganon kasi talaga ako kahit sa mga estudyante ko noon. Para sakin kasi traumatic experience sa mga bata kapag pinagagalitan. Kaya lang sabi ni Xenon kailangan daw balance. Kasi baka raw kapag tumiklop kami parehas ni Xenon sa kanila, kayan-kayanan na lang nila kami. Na ayoko rin namang mangyari.

"Meron bang ganon? Humihingi ng sorry pero naninisi?" Seryosong sabi ni Xenon na buhat si Landon. Naaawa raw siya habang naglalakad kanina ang anak kaya binuhat na lang niya.

"Basta sorry!" Sabi pa ni Lanaia at nakasimangot na itinuon ang tingin sa mga paa niya.

Gusto kong matawa dahil ang cute niya pero sinamaan ako ng tingin ni Xenon. "Don't you dare, babe. Mamimihasa 'yan." Pabulong na sabi niya sa akin.

Pagpasok namin sa loob ng bahay, agad inasikaso ni Xenon si Landon. Dinala niya ito sa banyo at nilinis ang sugat nito. Paglabas nga nila ng banyo nakita ko ang namumulang mata ni Landon at halatang galing sa iyak.

"Dito ka muna kay mommy. Kukuha lang ako ng gamot." Sabi ni Xenon at ikinandong si Landon sa mga hita ko.

"Mommy, tell dada I don't like alcohol." Ungot ng anak ko sa akin.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now