CHAPTER 29: EXPLAIN

1.6K 52 0
                                    

Xenon's POV
"The chocolate one dada!" Sagot ni Lanaia mula sa kabilang linya.

Hindi ko maiwasan na hindi mapailing. Paborito talaga nila ang chocolate. "Okay. I'll hang this call now. Bye baby. Love you."

"Love you too dada." Sagot nito at namatay na nga ang tawag.

Pauwi na dapat ako ngayon galing trabaho nang biglang tumawag si mama at may pinabibili raw ang mga bata na pasalubong. Chocolate ice cream. Sakto at hindi pa ako nakakalayo ng daan kaya madadaanan ko pa yung bilihan ng ice cream.

Iniwan ko ang kotse ko sa harap ng simpleng ice cream shop para makabili na ng ice cream at ng makauwi na. Pagpasok ko ng tindahan ay hinanap ko agad ang chocolate flavor na ice cream pero lahat ng flavor na chocolate ay may ibang flavor na kasama sa isang container.

Lumapit ako sa cashier kung saan may staff para magtanong. "Boy, wala ba kayong available na ice cream na puro chocolate lang? Yung nasa ref niyo kasi lahat may kasamang ibang flavor." Sabi ko.

Pinansin naman ako nito at tinignan ang ref ng ice cream nila para siguraduhin kung meron pa nga. Matagal itong naghanap pero sa huli ay wala. "Wala po sir. Mamaya pa pong hapon ang delivery ng nagbabagsak sa amin ng ice cream." Sabi niya.

Tumango ako at pipili na lang sana ng dalawang ice cream nang may tumawag sa akin. Si Cassandra at may hawak siyang burger. Mukhang bibili rin siya dahil may iba pa siyang pagkain na hawak. Hindi ko siya pinansin at humanap na lang ulit ng ice cream na magugustuhan ng mga bata.

Kaya lang may pagkamakulit kasi 'tong si Cassandra. Hinawakan niya ako sa siko ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Let's talk. Kahit ngayon lang." Pakiusap niya.

Huminga ako ng malalim at isinara ang lalagyanan ng ice cream. Nagpunta ako sa isang malapit na mesa para maupo. Naupo rin siya sa katapat kong upuan.

"Galit ka pa rin?" Simula niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko alam." Tipid kong sagot.

"I'm really sorry. Pero 'yon kasi ang makakabuti sa mga bata kaya namin nagawa ni Quebec ang bagay na 'yon."

Nang banggitin niya ang pangalan ni Quebec ay naalala ko tuloy ang nangyari nung isang araw. Hindi ako namalik-mata o ano pa man. Sigurado ako na siya ang nakita ko na nakakubli sa isang kotse malapit sa gate namin. Tiyak ko na ang mga bata ang pinagmamasdan niya nung mga oras na 'yon na nasa labas dahil hinihintay nila ako para sa birthday na pupuntahan namin.

"She's back?" I asked her. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin kaya dinagdagan ko ang sinabi ko. "She stayed in your rest house in Pagudpud right?"

Umawang ang labi ni Cassandra bago sunod-sunod na tumango. "Oo. Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?"

Nginitian ko siya ng tipid bago tumingin sa labas. "Social media."

"Ako mismo ang nagtulak sa kanya na magpahinga sandali malayo rito sa atin. Takot kasi ako na baka bumalik na naman yung depression niya dahil sa dami niyang problema." Malungkot na sabi ni Cassandra.

"This is the one last chance that I'll let you explain Cassandra. Kaya kung ako sayo, umpisahan mo na ang pagpapaliwanag mula umpisa." Sabi ko habang seryoso akong nakatingin sa kanya.

Tumango naman siya. "Noong college kami ni Quebec, ayos naman ang buhay nila. Pareho kasing nakapagtrabaho sa ibang bansa ang mga magulang niya at nung makaipon na ng sapat ay bumalik na rito sa bansa para magtayo ng maliit na business. Kumikita naman yung business nila, kaya lang nalulong sa casino ang mga magulang ni Quebec."

Umayos ako ng upo sa upuan ko. Malapit ko ng makuha ang sagot kung bakit iniwan ni Quebec ang mga bata sa akin.

"Nabaon sa utang sila Quebec. Nag-uumpisa pa lang siya magturo non sa isang private school para kumuha ng experience bilang teacher. Kwento niya sa akin, pag-uwi niya ng bahay galing trabaho, naabutan niya na maraming lalaki sa bahay nila. Pinilit siya ng mga ito na pumirma sa kontrata na ayaw niya. Nandoon din mismo ang mga magulang niya na pinilit din siyang pumirma. Ang nakalagay sa kasunduan ay kailangan nilang maging drug pusher para mabayaran nila ang utang nila roon sa tinatawag nilang boss."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang