CHAPTER 16: SPARKS

1.6K 47 1
                                    

Quebec's POV
"Mommy! Mama said we're going somewhere." Sabi ni Lanaia nang patakbong lumapit sa akin.

"Huh? Where are we going then?" Nagtataka kong tanong.

Bigla namang sumulpot si ma'am Sarah na kausap ni Lanaia kani-kanina lang. Lumapit siya sa amin at may ibinulong sa akin.

"We're going to the mall. Birthday ni Xenon bukas kaya bibili tayo ng pangregalo sa kanya. Pero ikaw na lang ang pumili ng regalo ng mga bata kay Xenon kasi baka bigla nilang masabi kay Xenon. Wala ng surprise kapag ganon."

"Sige po. Bibihisan ko na ang mga bata." Nakangiti itong tumango. Ako naman ay dinala ko na ang mga bata sa taas para mabihisan at nang makapamili na kami sa mall.

"Where are we going mommy?" Landon said while I'm combing his hair.

"To the mall." Masaya ko namang sabi. Nagtatatalon silang tatlo sa excitement at si Lanaia ay nagtititili pa.

Nang matapos ko silang bihisan ay ibinaba ko na rin sila at hinintay namin si ma'am Sarah na ilang minuto lang pagkababa namin ay nakababa na rin. "Ma'am Sarah pwede po bang pabantayan sila saglit. Magbibihis lang po ako ng pang-alis."

"Oh sure hina. Go ahead. Para makauwi rin tayo ng maaga. Kailangan bago umuwi si Xenon nakauwi na tayo."

Nagmamadali naman akong nagpunta sa kwarto ko at nagsuot ng oversized t-shirt at short na hindi na gaanong kita dahil sa laki ng t-shirt ko. Nagsuot din ako ng rubber shoes at isang black leather body bag kung saan kakasya ang wallet, cellphone at panyo ko. Habang naglalagay ako ng konting makeup ay nag-isip ako ng ireregalo ko kay Xenon. Bale dalawa ang bibilhin kong regalo. Isa para sa mga bata at isa para sa akin. Pagkatapos kong gumayak ay binalikan ko na rin sila agad at umalis na rin kami.

Habang nasa daan kami papunta ng mall ay may inabot sa akin na papel si ma'am Sarah. "Sukat 'yan ng paa ng anak ko. Sigurado akong mahihirapan kang mamili ng ireregalo sa kanya kaya kapag wala na talaga tayong choice, sapatos na lang ang mabili."

Tumango ako at kinuha ang papel na may bakat ng size ng sapatos ni Xenon. Di ko tuloy mapigilang di matawa. Ginagawa rin pala ni ma'am Sarah ang technique na 'yon.

Pagkarating namin sa mall ay kay ma'am Sarah nakahawak si Lancelot habang sa akin naman nakahawak si Lanaia at Landon. Magkabilang kamay ko ang hawak nila at kung minsan ay naghaharutan pa sila habang naglalakad kami.

"Lanaia! Landon! Behave!" Saway ni ma'am Sarah sa mga ito nang mag-umpisa na naman itong magharutan habang nakasakay kami sa escalator.

Agad naman sumunod ang dalawa at nagpatianod lang kami kay ma'am Sarah na dumiretso sa gym section ng mall kung saan may mga gym equipment at mga gym outfits. Agad namili si ma'am Sarah ng mga damit pang workout habang ang mga bata ay naglilibang sa mga mannequin.

Nang makabili si ma'am Sarah ay kumain muna kami sa isang fast food. "May naisip ka na bang pwede sa anak ko?" Tanong niya habang sinusubuan ko ang mga bata.

"Meron na po ma'am. Pwede po kaya yung relo, o kaya pabango, t-shirt, o kaya po pang video games. Napansin ko po kasi na mahilig maglaro si Xenon ng mga video games. Madalas din po siyang magrelo, at iba-iba po araw-araw ang pabango niya, tapos mas komportable siya sa t-shirt kaysa sa ibang style ng damit."

Hindi makapaniwalang tumigin sa akin si ma'am Sarah. "Wow. Lahat ng 'yon napansin mo sa anak ko? Don't tell me may crush ka sa kanya."

Agad naging sunod-sunod ang pag-iling ko. "Nako ma'am wala po." May nanunukso naman itong tumingin sa akin.

"Uy si mommy, crush si dada!" Malalaki ang mga mata ko na bumaling kay Lanaia.

"Lanaia, baby, that's not true. Niloloko lang ako ni lola mo." Sabi ko sa kanya. Mahirap na at baka sabihin pa niya sa daddy niya ang bagay na 'yon. Isa pa ay may pagkamadaldal pa naman itong si Lanaia.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now