CHAPTER 50:THE GIRL WITH THE GOLDEN SHACKLES

Start from the beginning
                                    

"Bakit ayaw mo akong sagutin?" yugyog ko sa balikat nya ng mapalitan nya ng mahabang kadena ang aking kadena.

"..."parang wala lang sa kanya ang aking ginagawang pagyugyog sa balikat nya.

Napaluhod na lang ako sa harapan nya dahil hindi ko na alam kong anong gagawin ko.

Lubos akong nagtiwala Kay Paragon dahil matagal na kaming magkakilala.

"Bakit??!!"umiiyak pa tin ako habang paulit ulit na tinatanong sa kanya iyon.

Pero hindi sya kumikibo at parang isa lamang matigas na pader sa aking harapan.

Wala syang kibo at agad na umalis ng maayos nya ang aking kadena.

Iniwan nyang bukas ang pintuan ng selda pero alam kong kahit bukas iyon ay hindi ako makakalabas dahil sa kadena.

Ang bawat isang kadena ay may nakakabit na maliit na bato para pigilan ang paggamit ng kahit anong kapangyarihan.

Nanatili lang ako nakaluhod at nakatapal ang aking palad sa aking mukha habang patuloy ang aking pag iyak.

'Kasalanan ko kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon ngayon...
Kung hindi ko sila pinapunta sa lugar na iyon marahil hindi kami sama sama nahuling lahat'

Patuloy kong sinisisi ang sarili ko dahil sobra akong nagaalala kung ano na ang kalagayan ng iba.

Ang sikip ng dibdib ko pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.

••flashback••

"Magandang umaga po Marquise Garnet"

"Ang aga naman ng pagbista mo Paragon"biro sa kanya ni Ama.

"Nangako po kasi akong isasama si Daisy sa hacienda namin at sasakay kami sa kabayo." nakangiti sya habang nagsasalita.

"Ganon ba! Sumama ka muna sa aming almusal bago kayo umalis na dalawa"paanyaya sa kanya ni Ina.

"Salamat po sa pag imbita sa akin sa inyong almusal"

Agad na syang umupo sa laging pwesto nya sa aming hapag kainan.

Madalas kasi syang bumibisita at dito na kumakain.

"Bakit parang araw araw ka ng bumibisita?" Biro sa kanya ni Ama habang nakangisi.

"Wala naman po kasing ma's ya dong ginagawa sa mansyon namin atsaka po gusto ko sanang magkaroon ng bunsong kapatid na babae katulad ni Daisy." ginulo nya ang aking buhok.

"Wag mo ngang guluhin ang buhok ko" tinignan ko sya ng masama.

Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ko.

••End of the flashback••

Sa tuwing naalala ko ang mga oras na iyon kumakain kaming lahat at lagi kaming nagtatawanang lahat ng mga oras na iyon.

Masaya kaming lahat at wala masyadong problema.

Walang kalungkutan...

Habang patuloy ako sa pagiyak ay may narinig akong tunog ng kadena palapit sa akin.

Hindi ko iyon pinansin nanatili lang nakatungo at hawak ang aking dalawang tuhod.

Hanggang sa narinig ko ang paghinto ng tunog sa aking harapan.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya sa akin at hinimas ang aking ulo.

"Wag ka ng umiyak"yinakap nya ako ng mahigpit.

Pamilyar ang kanyang boses pati na ang kanyang yakap.

Kaya hindi ko napigilang mas lalong maiyak sa mga bisig nya.

Patuloy nyang hinimas ang aking likod at pinapakalma.

Nang wala na akong mailabas na luha agad akong kumalas sa kanyang yakap.

Pagkakalas ko sa kanyang yakap at dahan dahan kong inangat ang aking ulo para makita sya.

Agad kong napansin ang kumikinang sa kanyang paa na kadenang ginto.

Tinignan ko kung saan nakakunekta ang kadena at nakita ko ang mahabang gintong kadena.

Habang patuloy kong inaangat ang aking ulo agad kong napansin ang pamilyar nyang balat sa braso.

Nakasuot sya ng puting bestida may gintong kadena rin ang kanyang dalawang kamay at leeg.

Natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha.

Dahan dahan akong tumayo dahil nanginginig pa rin ang aking mga tuhod sa matagal na pagkakaluhod.

Sinuportahan ko ang sarili sa pagtayo sa pamamagitan ng paghawak sa malamig na dingding.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawi ang kanyang buhok.

Napatakip naman ako ng aking bibig at ang pagtulo na naman ng aking luha dahil sa aking nakita.

"Chielsea???"

•••
Thank you for reading!
Hope you enjoy reading this chapter!
Don't forget to vote and comment😍!
8 more chapter to go!



Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now