Pati yung nangyari kanina. Sabay naman sila nagreact kung anong ginawa ni Jayden sakin nung nakita niya'ng may kausap ako'ng lalaki.

"Buti na lang ganon ang sinabe mo, sana naman matauhan na siya na may boyfriend ka na." Sabi ni Aubrey.

"Sana nga." Sabi ko.

Wala na kame'ng napagkwentuhan ng biglang pumasok sa isip ko na magtanong kung kilala nila yung Fatima na tumatawag kay Jayden kanina.

"Aubrey." Tawag ko.

"Oh bakit?." Sagot niya.

"Diba sabi mo matagal na mag-kakaibigan si Jayden, Henry at Tyler?" Tanong ko.

"Oo bakit, since kinder daw. Sabi ni Henry." Sabi pa niya.

"May nasasabi ba si Henry sayo na tungkol kay Fatima?" Tanong ko.

"Wala naman. Pero teka sino yang Fatima na yan?" Tanong niya.

Kinewento ko naman sa kanila yung nangyari kanina nung tumatawag ang Fatima na yun, kasi hanggang kanina pa ako binabagabag talaga.

"Yun naman pala eh, kaibigan lang ni Jayden sa States malay mo totoo." Sabi ni Briella.

"Eh pano kung hindi, edi ako ang kawawa."

"Eh ano ba'ng punto mo dito, Talia?" Tanong ni Aubrey.

"Ang punto ko bat, di siya makatingin sa mga mata ko ng sabihin niya na kaibigan niya lang yung babae na yun. Malay ko bang Girlfriend niya yun o Asawa, edi ako pa ang nagmuka'ng kabet." Sabi ko. Hinimas naman ni Briella ang likod ko kasi siya ang katabi ko. "Pati ramdam ko na may iba pang ibig sabihin yung babae na yun kaya tumawag." Sabi ko pa.

"Sigi itatry kong magtanong kay Henry." Sabi ni Aubrey.

"Ako din, kay Tyler." Sabi din ni Briella.

Nginitian ko sila sa mga suggest nila, buti kahit papano may mga kaibigan ako na dadamayan ako kahit saan. Sana lang may makuha sila'ng sagot sa Dalawa nilang Boyfriend.

Di rin nagtagal umalis na sila kasi anong oras na, ang tagal pa naman dumaan ng Taxi ng ganitong oras, mga wala pa pala'ng dala'ng kotse tong dalawa'ng to.

Ako naman nilock ko lang yung pinto at umakyat na, itutuloy ko na sana yung pagtingin ko ng profile nung Fatima pero naakit na agad ako ng antok. Kaya nakatulog na din ako.

**********

Nandito kame'ng magkakaibigan sa cafeteria kame lang nila Aubrey,ako,Briella at Tyler. May pinuntahan kasi sila Jayden at Henry pero di nila sinabe kung saan. Pinilit ko si Jayden na sabihin sakin pero mamaya na daw, pag-balik niya.

Kaya naman di sumama si Tyler tinatamad daw siya pero di niya alam kung saan naman pupunta yung dalawa, di pa nga sinasabe nung dalawa kung saan sila pupunta ang sagot niya 'tinatamad ako' kaya ayun naiwan siya.

Pati si Jayden ang sumundo sakin sa bahay kanina, kasabay ko din yung kapatid ko kasi wala si Papa walang maghahatid sa kanya, yung boyfriend naman niya nasa states na bumalik na kasama daw yung ate don, kaya lang naman umuwi yon gawa ng monthsary nila ng kapatid ko. Kaya ngayon balik LDR sila'ng dalawa.

Medyo na awa ako sa kapatid ko. Pano kung isang araw si Jayden naman ang umalis di na magpakita. Baka di ko na kayanin yon. Pero syempre di ko siya papayagan.

Nagiimagine ako ng bigla ako'ng kuhitin ni Aubrey at tinuturo sila Briella at Tyler. Yun pala nagtatanong na si Briella tungkol don sa tanong ko kagabi.

"Love, pwede ba ako magtanong?" Tanong ni Briella kay Tyler. Syempre kame'ng dalawa ni Aubrey kunyari busy para di mahalata ni Tyler na nakikinig kame.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now