Hindi rin nagtagal ay umalis na kami ng restaurant niya. Inalalayan niya pa nga ako pasakay sa loob ng kotse niya bago siya sumakay sa driver's seat. Tahimik lang kami sa byahe ni Xenon. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Nang mapagtanto ko na mali ang direksyon na tinatahak namin ay sinita ko siya.

"Hindi ito yung papunta sa apartment. May dadaanan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at nginitian lang ako. Nababaliw na naman siguro siya. Tama ba namang ngitian ako, nagtatanong ako! Inirapan ko siya at binalik ko na lang ang atensyon ko sa daan. Ibibili niya siguro ng pasalubong ang mga bata.

Pero mali ako. Sa halip ay pumasok kami sa isang subdivision na ngayon ko lang napuntahan. "May kakilala ka rito?" Tanong ko sa kanya nang papasukin kami agad ng guard sa guardhouse na nadaanan namin.

"Kilala nila ko." Natatawang sabi ni Xenon na ang tinutukoy ay ang mga guard.

Pinalo ko siya sa braso sa inis. "Alam mo, walang kwenta kang kausap. Huwag mo akong kakausapin kasi isang linggo kitang hindi papansinin."

Tinawanan pa niya ako kaya inis na pinalo ko ulit siya saka nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga naggagandahan at naglalakihang mga bahay. Natuwa pa nga ako nang may madanaan kaming maluwang na playground. Sigurado ako na kapag nakita nila Lanaia ang playground dito, baka di na umuwi ang mga 'yon.

Lumiko kami sa isang kanto malapit sa playground na nadaanan namin at huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay na may pinturang gray, black at white. May nakatira sa loob dahil sa may ilaw na nakasindi sa loob ng bahay, pero sa taas lang. Sa baba, walang ilaw na nakasindi kaya medyo madilim.

Nilingon ko si Xenon. "Sinong sadya mo rito?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na naman niya ako kinibo at basta na lang siyang lumabas ng kotse matapos patayin ang makina. Inis na binuksan ko rin ang pinto sa tabi ko at inalalayan niya naman akong bumaba.

"Hoy trespassing tayo!" Saway ko sa kanya nang hilahin niya ako at pumasok kami sa gate at tumuloy kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto.

Lumipat siya ng pwesto. Ako na ngayon ang nasa pinakaharap ng pinto habang siya naman ay pumunta sa likuran ko. "What were you thinking?! Are you crazy! Dadalhin mo ako rito, ni hindi ko nga alam kung ano o sinong nandito." Inis na sabi ko sa kanya.

Bago ko pa siya mabulyawan ulit ay narinig kong bumukas ang pinto ng dahan-dahan. Natakot pa nga ako dahil ang dilim sa loob ng bahay kaya sinubukan kong kunin ang cellphone ko sa bag ko para gumamit ng flashlight. Bago ko pa magawa 'yon ay napuno na ng sigawan at bumukas ang ilaw sa loob.

"Welcome home!" 'Yon ang nangibabaw na salita sa bahay.

Pumikit-pikit pa ako para mag-adjust sa bumukas na ilaw at nang okay na ang liwanag sa paningin ko ay tinignan ko kung sino ang mga sumigaw. Si mommy, ang triplets, ang mga magulang ni Xenon at syempre hindi mawawala si Cassandra. Napatingin ako kay Xenon na hinawakan ako sa balakang at inayang pumasok.

"What's going on?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian niya ako ng matamis. "This is our new home now. You're not happy?"

Umawang ang mga labi ko saka ko nilipat ang tingin ko sa pamilya namin. Marahan akong hinila papasok ni Xenon at sinalubong kami ng mga anak namin.

"Mommy! Mommy! Mommy!" Excited na sabi ni Lancelot na agad nagpabuhat sa akin.

Kahit pagod ako ay binuhat ko pa rin siya at hinalikan sa pisngi. Nakasuot na sila ng pantulog at halatang nilinisan na sila ni mommy. Napangiwi pa nga ako ng palihim nang maramdaman ko na sumakit ang likuran ko sa pagbuhat ko sa kanya. Kaya naman ibinaba ko rin siya agad at hinalikan si Lanaia at Landon.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now