Chapter 1

14 2 1
                                    

Everything went well these past few days, but not today. Nagdaan ang mga araw na paulit ulit lamang ang aking ginagawa. Marami akong plano pero walang may nagtutulak sa akin na gawin ang mga iyon.

Nag away na naman ang aking mga magulang. Wala akong magawa kundi makinig. Punong-puno na ako. Hindi ko alam kung ganoon din ang nararamdaman ng mga kapatid ko pero sigurado akong nahihirapan din sila.

Hindi ko kayang makitang magulo ang aming pamilya. Sobra akong nasasaktan. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko na lang mawala na parang bula. Nakakalungkot na ganito ang buhay. Hindi lahat masaya. I always dreamed of having a complete and happy family. But I think it's not meant for us. This situation made me depressed.

“Nay, Tay puwede ba na pag usapan nyo yan nang hindi nagsisigawan? Nadidisturbo na ang kapitbahay.” pigil ko sa kanila kahit alam kong masisigawan ulit ako.

“Huwag kang makialam dito Aya! Kinakampihan mo ba ang nanay mong ito? Baka nakalimutan mo noong nasa Saudi pa sya? Hindi ka niya binigyan ni piso galing sa sweldo nya hindi ba? Mas naniwala sya doon sa mga sabi-sabi ng ka pamilya niya! Pati ako naapektuhan!” galit na sigaw ni Tatay na nagpatigil sa akin.

Totoo nga ang nasabi ni Tatay. Masakit man pero kinalimutan ko iyon. Noong nasa Saudi si Nanay nagkaroon kami ng alitan at hindi ko sadyang namura sya. Sinumbong nya ako kay Lolo kaya napagalitan ako ng todo. Grabe ang takot at lungkot ko noon. Nadagdagan pa na marami akong narinig na gawa-gawang kwento galing sa mga tita ko. Hindi ko kayang baliwalain ang mga 'yon. Mahina akong tao, at kunting sigaw lang iiyak na ako. Iyon din ang dahilan kung bakit mas gugustohin kong sa bahay lang para hindi makarinig ng chismis sa labas.

“Ang sabihin mo Leoncio na pabaya kang ama! Huwag mo akong sisihin sa mga bagay na hindi ko ginawa. Kung sana naghanap ka ng trabaho na maraming sweldo sana okay tayong lahat at hindi naghihirap! Ang problema sayo kontento kana sa maliit na bagay!” si Nanay na handa nang umalis. Kakauwi lang nya galing sa trabaho pero nag away na naman sila.

Hindi naman talaga pera ang problema dito. Kung sana binabaan nyo ang pride ninyong dalawa sana masaya tayong pamilya. Ayaw niyo lang magpatalong dalawa. Gusto kong sabihin sa kanila ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Wala akong karapatang sumali sa usapan, iyon ang sabi ni tatay. Tumalikod na lamang ako at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung maaayos pa ba ito.

Lumipas ulit ang araw at mas lalo kong gustong umalis sa bahay. Gusto kong dalhin ang mga aso ko sa pag alis ko pero hindi ako sigurado kung kaya ko ba. Wala akong tiwala sa sarili ko, lalo na sa perang hawak ko. Naisip ko din ang mga kapatid na iiwanan ko. Maliit pa sila, tuwing nagtatrabaho si tatay at nanay ako ang nag-aalaga sa mga nakababatang kapatid ko. Paano nalang sila kung aalis ako? Siguradong titigil sa trabaho si tatay para mabantayan sila. Ano? Mamamatay sila sa gutom?

Ang isiping ito ulit ang tumira sa aking isipan. Napatigil lamang ako nang may narinig na nagtatawag sa labas. Mahirap kami at walang doorbell kaya sumisigaw o tumatawag lang ang mga tao sa labas dahil na rin palaging sarado ang aming pintuan. Nag isip ako kung sino ba ang pupunta sa bahay ngayon. Tulog pa ang mga kapatid ko dahil alas siyete pa lang! Ang aga naman kung manggising.

Wala akong choice kundi ang bumaba. Antok pa ako at naka pajama pa. Tahol ng tahol ang mga aso ko kaya't hindi ko marinig kung anong sinisigaw ng nasa labas. Dali dali ko itong binuksan at bumungad sa akin ang mukha ng kuba naming lola. Nasa likod nya ang isang lalaki na naka formal attire. May araw na pero hindi ganon ka init. Nasilaw ako sa biglaang pagka expose sa masilaw na araw.

“Lola ang aga pa, at sino naman itong kasama mo? 'Di pa nga ako nakapagmugmog at hilamos, eh.” sabi ko sabay kusot sa mata ko at kuha ng muta sa mata ko ng pasimple.

Lost and Found: A Tale of Love and LossWhere stories live. Discover now