Pagsisimula

38 1 0
                                    

Pagsisimula

Life is not easy as it supposed to be. We experience lots of ups and down until we can finally arrive at our destination. We always tend to think of giving up but after seeing a light, we continue fighting. But, what if that light fades? Darkness will consume you. Kakainin ka nito hanggang sa ikaw ay tuluyan nang mawala sa iyong landas. Hindi ka nito pipigilan hanggang sa ikaw ay maubos.

“ Aya bumangon kana riyan at maghanda ng hapunan. ” sigaw ni Tatay na alam kong kakauwi lang galing sa trabaho. Isang construction worker ang aking tatay, mananahi naman si inay. Sa lima kaming magkakapatid, ako ang pangalawa at pinagbilinan ng magulang ko sa dalawa kong nakakabatang kapatid.

“ May dala ka po bang pasalubong? At saka ano po ang ulam? ”

“ Tigilan mo ang tanong at bumaba ka riyan. Bumili ako ng manok, adobohin mo. Saan na ang mga kapatid mo? ”

“ Nasa likod ng bahay si Miyo nag aayos na naman ng kulungan ng kalapati nya at si Ayna naroon din naglalaro. ” sagot ko habang bumababa galing sa aming ikalawang palapag. Pinuntahan ni tatay ang dalawa kong kapatid sa likod habang sige ang pangungulit ng dalawa kong aso dahil dumating na ang paborito nilang nilalang sa bahay, si tatay.

Kinuha ko ang manok at hinugasan para lutuin. Alas sais na, Sabado at sigurong hindi na makakauwi si nanay dahil gabi na. Tumigil sya sa pananahi at namasukan bilang tagapag-alaga ng isang matanda, mga ilang bayan lang ang layo sa amin. Umuuwi sya every month para magbigay ng allowance namin.

Hindi maayos ang pakikitungo ng nanay at tatay ko. It affected my daily life. Tumigil ako sa pag-aaral sa regular school tatlong taon na ang nakalipas. Noong ikalawang taon ng pag tigil ko ay pumasok ako sa irregular school at nasa Senior High na ako ngayon.

Nahihirapan ako sa buhay namin. Nasasaktan ako na makitang nahihirapan ang mga magulang ko. Si nanay at tatay na palaging nagrereklamo na masakit ang katawan nila pero nagtatrabaho pa rin para makakain kami. Sa edad na 19, namulat ako sa katotohanan na hindi masaya maging matanda. Parang gusto ko na lamang bumalik sa pagkabata.

Marami akong pangarap sa buhay. Isa na doon ang mabigyan ng maginhawang buhay ang aking mga magulang, kapatid at ang aking mga ka pamilya. Gusto kong bumilis ang panahon at makapagtrabaho upang makatulong ako.

“ Handa na ang ulam! Miyo ikaw na ang kumuha ng kanin, Ayna ikaw kumuha ng pinggan. ” utos ko sa mga kapatid ko. Hindi ganito palagi ang sitwasyon sa bahay. May mga araw na galit si tatay dahil hindi kami nakapag laba ng damit namin o di kaya'y wala kaming ginawa buong araw.

Nagdasal muna kami bago kumain. Sa hapag doon na nagsilabasan ng kwento. Nakikinig lang ako habang paminsan-minsan ay sumasali din sa usapan. Wala akong maikuwento dahil buong araw lang naman ako humiga sa duyan sa kwarto ko, nag cellphone, at natulog.

Marami akong gustong gawin pero nakahilata lang ako buong araw.

Hindi ako sanay lumabas at makipagkwentuhan sa mga bata sa labas. Mas gusto kong mag mukmok at kausapin ang dalawa kong aso.

“ Aya, ikaw na ang bumili ng mga kakailanganin sa tindahan. Wala akong maasahan kundi ikaw. ” utos ng tiyahin ko isang araw.

Kanila ang lupain na aming tinitirhan kaya hindi ako maka-hindi sa kanya. Tumango ako at nagbihis para makaalis agad.

Hindi pa ako nakaalis sa bahay pero gusto ko nang makauwi agad.

Gustong gusto ko ang sumakay sa jeep at tumingin sa mga tanawin sa labas sabayan pa ng haplos ng hangin sa aking pisngi. Nakarating ako sa isang malaking grocery store. As usual, andaming tao. Sunday ngayon at siguradong marami ang bibili ng grocery at ang iba ay mga kabataan na gumagala. Katabi lamang ng grocery store ang City Mall kung kaya nagkahalo na ang mga tao.

Nginitian ko ang guard bago pumasok. Kumuha ako ng cart at dumiretso na sa paghanap ng nasa listahan na dapat bilhin. Nawili ako sa pagtingin sa mga na display na pagkain. Nagulat na lamang ako nang may kumuha sa aking kamay. Sa sobrang gulat, nalakasan ko ang pagbawi nito. Unti unting ngumuso ang bata at nagbabadyang umiyak.

Inalo ko sya habang tumingin tingin sa paligid baka man lang may naghahanap sa kanya. Mahaba ang buhok nya na malaki ang pisngi. Mapupula ang labi na animo'y pulang rosas. Pinagpala naman siguro ang magulang nito at kay gandang bata. Nakangiti kong hinaplos ang kanyang buhok.

“Mommy... home. ”

“ Ah, your Mommy's home? So who are you with? ” tanong ko sa pa utal utal niyang sabi. “ Sino ang kasama mo? At anong pangalan mo?” ulit ko pa. Nasa edad na apat na taon na siguro itong bata. Sobrang pabaya naman ng magulang nito.

“Winter! Mommy you forgot my name!”

Napakunot ang noo ko. I sighed. May dumagdag na naman sa gawain ko. Kailangan ko pa magbayad sa cashier at ihahatid ko pa itong bata sa guard. Napagkamalan pa akong nanay nya. Mukha ba akong nanay?

Nagbaka sakali ako na nasa malapit lang ang mga magulang nya kaya nagtanong- tanong ako sa mga taong madadaanan namin papuntang cashier. Dumami ang tao at nahirapan na ako. Kailangan ko din mag ingat baka may humablot sa bag ko. Hindi pa naman akin ang perang ito. Baka mapalayas kami ng maaga. Nakapagbayad na ako sa cashier at sobrang higpit padin ang yakap ng bata sa akin na parang takot ako mawala.

Lumapit ako sa guard at nagtanong kung may naghahanap ba sa bata. Sinabi ko ang pangalan nito upang ma i announce nila. Nagutom ako kakahintay sa tabi ng guard. Nagbukas ako ng isang biscuit at binigyan si Winter. Habang ngumunguya nagulat ako ng may humawak sa pisngi ko, si Winter.

“ Mommy. ”

Nginitian ko lamang sya at patuloy na kumain. Ilang sandali pa ng may dumating na mga lalaki. Naka all black sila except sa lalaki na naka slacks pa na parang kakagaling lang sa opisina na may karga din na batang lalaki. Kamukha ni Winter!

Agad nyang kinuha si Winter sakin. Napatigil lamang sya ng makita ang mukha ko. Mukha ba akong langaw na lahat nalang ng makakita sakin napapatigil?

“ Bantayan nyo po maigi anak nyo. Mabuti nalang ako ang nakakita sa kanya. ” Sabi ko at tumayo na handang umalis. Hindi ko na hinintay na magpasalamat pa sila dahil ala una na. Baka hindi ako makaabot ng jeep.

“Mommy!” tawag din ng batang lalaki pero malayo na ako at dumami ang tao kaya hindi na ako nagbalak na tumingin pa. Iyak nalang sa malayo ang tanging narinig ko.

Lost and Found: A Tale of Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon