Prologue

79 6 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Places, Events, Locates and incident are either the products of Authors imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual event is purely coinsidential.

Note: This is unedited version. Please excuse typographical and grammatical errors that you may encounter.

"Enjoy reading" _queenofthedarrrk

Kasabay ng malakas na pag ulan ay ang pagtulo ng luha ng isang babae. Kitang kita ng dalawang mata niya kung paano sya niloloko ng taong mahal niya. Kitang kita nya kung paano ito manabik sa halik ng babaeng kasama nya ngayon. Halos mapaupo na sya sa lupa ng mga sandaling iyon at iniisip kung gaano sya katanga para paniwalaan ang isang taong tulad nya.

Sa kabilang banda, isang lalaki ang nakatayo sa di kalayuan at basang basa na rin ng ulan. Kitang kita nya kung paano nasasaktan ang babaeng mahal nya. Kitang kita nya kung paano tumulo ang mga luha nito at kung paano ito unti-unting nanghihina. Lumapit ang lalaki sa babaeng hindi matigil ang pagbugso ng luha dahil sa sakit nitong nararamdaman.

"Bakit hindi na lang kasi ako ang piliin mo, bakit kailangan mo pang isugal ang nararamdaman mo sa isang taong walang ibang ginawa kung hindi saktan ka." Mahina nyang bulong.

Lalo pang lumapit ang lalaki sa kanya at tinakpan ang mga mata nito. Niyakap nya ito at pilit pinapatahan katulad ng paulit-ulit nyang ginagawa. "kung hindi mo na kayang tumingin ipikit mo na lang ng kusa ang mga mata mo. Hindi masamang umiyak pero pag alam mung hindi mo na kaya tumakbo kana. Huwag mong hayaang paulit-ulit ka nyang saktan. Maraming taong nagpapahalaga sayo. Wag mo ikulong ang sarili mo sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal mo.Sumama ka na sa akin, hayaan mong tulungan kitang hilumin ang mga sugat sa puso mo. Hindi ko ipipilit kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko pero pakiusap ayusin mo ang sarili mo. Matagal kitang prinotektahan at inalagaan kaya hindi ako papayag na dudurugin ka lang ng lalaking yan." hinaplos nya ang buhok nito at inalalayan patayo. "tama na ang sakit na binigay nya sayo. Hindi nya deserve ang babaeng katulad mo. Hindi nya deserve maging ama ng batang dinadala mo."

Tumingin muli ang babae sa lalaking ngayon ay nakayakap na sa babaeng kahalikan nya. Ngumiti sya ng mapait at pinunasan ang mga luha sa kanyang mata. "hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Umasa ako na pagdating ng araw mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sayo. Hindi ko ginustong maging parte ng buhay mo. Pero nabulag ako ng pagibig ko sayo." tutok na tutok ang paningin nya sa lalaking mahal nya. Umaasa na baka sakaling mali ang nakikita nya pero muli lang tumulo ang luha nya ng makita niyang inakay ng lalaking mahal nya papasok sa sasakyan ang babaeng kasama nito at tuluyan ng umalis. "huwag mo akong sisisihin sa desisyon kung ito. Ikaw ang nagtulak sa akin para lumayo sayo. Malaya ka na mahal ko, hanggad ko ang kaligayahan mo kasama ang babaeng gusto mo."

My TesDiaryWhere stories live. Discover now