Chapter 33

5.8K 127 0
                                    

Aira Louriz POV

Kinapa-kapa ko ang tabi ko at napa mulat ako nangwala na si Liam sa tabi ko.

Saan naman kaya nag punta yun eh alas-sinko palang ng umaga?

Mag katabi kasi kaming matulog at payapa naman kaming naka tulog.

Pag katapos kong gawin ang rituals ko ay bumaba na ako at naabutan ko si Liam na nag wawalis ng buong bahay.

"Hi, Good Morning." aniya at ngumiti.

"Good Morning din, uh....bakit ka nag wawalis? Ako na d'yan, bisita ka dito tapos gumagawa ka ng gawain ko dapat." sabi ko at inagaw ang walis tambo. Pero agad n'ya itong itinago sa likod n'ya at ang isang kamay naman ay inihapit sa bewang ko.

"Ginagawa ko ito dahil, gusto kong mahalin mo ulit ako at aalisin ko ang takot na nararamdaman mo." tanda pa n'ya yun? Akala ko lahat ng lasing hindi nakakatanda ng mga sinabi at ginawa nila?

"Hmm," aniko at tumango tango pa tsaka umalis sa pag kakalapit sa kanya. "Anong oras ka nga pala gumising?" pag iiba ko ng usapan.

"Kani-kanina lang at nakaka hiya naman kila Mama na magiging batugan ako dito, tsaka wala sila Mama. Nasa bayan sila bibili daw ng yero dahil butas na yung yero n'yo sa garahe."

"Ahh, hindi na ba masakit ang ulo mo?" kasi naman lasing na kabagi tapos ang aga pa gumising.

"Kinda, but i can handle it." aniya at kumindat pa saakin.

"S'ya nga pala, saan ka natuto mag walis?" taka kong tanong, kasi five years ago wala s'yang ginagawa sa Condo. Trabaho lang at kung ano-ano pa.

Tumaas ang isang kilay nito at ngumisi. I kinda found it hot. Hot? Tsk...

"I learned all of these when you're doing it in our Condo. I maybe working, but i admire you." aniya at nag walis ulit.

Nag paalam ako sa kanya nag luluto muna ako para pag dating nila Mama ay luto na at kakain nalang.

I cooked fried rice, hotdogs, eggplant at syempre ang pag kain ng mga magaganda, lawlaw na tuyo at sapsap.

A/N:Hehe joke lang, baka may ma trigger dyan. Peace tayo.

Nag handa na din ako ng kape, dahil hindi yan mawawala lalo na't ganito ang ulam at kanin namin ngayon.

"Magandang umaga po Tito, Tita, Adrian." rinig kong bati

Rinig kong bati ni Liam sa mga magulang ko, nang tingnan ko ang sila ay bumati din sila pabalik at ngumiti. Maliban kay Papa.

"Ma, Pa! Kakain na po!" ani ko at lumapit sa kanila.

"Hijo, mamaya tulungan n'yo akong mag kabit ng yero. Hindi din ako papayag na natalo mo nalang ako basta kagabi." serosong ani Papa at nag patiuna papuntang kusina.

Nag ka tinginan kaming apat na natawa, kasi naman hindi ata ma tanggap na natalo s'ya.

"Pabayaan mo na Hijo, ganon talaga yon pero ramdam ko na gusto ka noon para kay Aira, at parang ikaw lang sa mga lalaking ipinakilala ng anak ko na masipag." saad ni Mama at ibinaba ang echo bag na may lamang mga kakailanganin sa pag kakabit ng yero at may kaunti pang grocery.

Si Adrian naman ay nauna na ding pumunta sa kusina, alam ko namang hihintayin nila kami. Baka umiinom ng sila ng tubig o kape.

Tumango at ngumiti lang si Liam, bago seryosong bumaling sa akin.

"Bakit?"

"Mga lalaki? Pang ilan ako? Sinong mas gwapo sa'min?" sunod-sunod na tanong nito sakin.

"Anak tayo nang kumain, para maipasyal mo si Liam dito sa atin!" tawag ni Mama, mula sa kusina.

"Opo!"

"Who?" iritang saad ni Liam, na parang nag hihintay ng sagot ko.

"Mamaya na, ok? Kakain muna tayo." ani ko at hinila s'ya papuntang kusina.

_____

Dumating ang alas-dos ng hapon at natapos na sila sa pag kakabit ng yero sa garahe. At itong si Papa naman ay medyo nagiging mabait na kay Liam. Mabait naman talaga si Papa, baka lang talaga gusto n'ya akong protektahan.

Noon kasing umuwi ako dito nung time na nag away kami ni Liam ay hindi ko napigilan na sabihing nasasaktan ako at nalulungkot, pero yun lang ang sinabi ko.

Ngayon ay pupunta kami sa Buhay forest at mamaya ay overnight kami sa ilog. May ilog kasi dito sa amin na pasyalan at may mga cottage naman silang malaki at pwede ding tulugan. Cottage na pabahay pero tanging tulugan lang ang nakapag palaki dito,at kung mag luluto naman ay may maliit silang kalan na malapit sa cottage.

Pag dating namin sa Buhay Forest ay umakyat na kami.

Naka suot ako ng maong shorts at black t-shirt, nag rubber shoes din ako para madaling umakyat. Si Liam naman ay naka Black khaki shorts at White t-shirt na may design na bola ng basketball, hindi naman obvious na favorite n'yang kulay ang Black and white no?

Sabi nila ay nasa one hundred eighty-five daw ang bilang ng hagdan na inaakyat namin ngayon. Sila Mama naman ay hindi sumama at si Adrian naman ay may aasikasuhin daw sa bayan.

Proud din ako sa batang yun, akalain mo yun engineer na. Parang dati lang hinuhugasan ko lang pwet nun, at binibihisan.

"You ok?" tanong ni Liam.

"Oo naman, medyo pagod lang. Ilang taon na din ako bago naka akyat ulit dito, busy sa flight eh." ani ko at tinanaw ang ibaba.

Ito kasing buhay forest kasi ay bundok, at kita ang mga nasa ibaba, nasa itaas kasi kami ng bundok. For short bundok ito na ginawa nilang pasyalan. May ginawa pa silang bahay dito at pag umakyat ay kita mo na ang lahat.

May bilog din na pwedeng pa-picturan at parang pugad na parang gawa sa kahoy na dinikit-dikit.

May cr din dito, at sa baba naman kanina ay may duyan, at maliit na bahay, may heart na gawa din sa kahoy na dinikit-dikit, may maikli ding tulay. Lahat iyan ay picturan ng mga pumupunta dito.

Sobrang ganda, at libre din. Pero syempre disiplinado din ang mga basura na naiiwan, meron din na basurahan.

Ngayon ay nandito kami ni Liam sa itaas, naka upo kami sa bato na malapit na parang pugad na picture-an. Ang palibot nito ay may harang, para safe ang mga pumupunta.

"Ang ganda dito Love, so relaxing." aniya at inabutan ako ng tubig.

Hinahayaan ko na s'yang tawagin akong 'Love' dahil masarap pakinggan eh, hehe.

"Syempre naman, favorite ko nga itong spot pag nag re-relax ako." aniko at kumain ng pastilyas.

Katahimikan ang na mutawi saamin bago ko naisipang mag salita.

Siguro ito na yung time, tsaka ang ganda ng lugar na to para sabihin ko ang nararamdaman ko.

"Liam, may sasabihin ako." aniko at hinarap s'ya.

"Hmm?"

"Binibigayan na kita second chance." nahihiya kong saad.

Nanlaki ang mata n'ya at namula ang tainga n'ya. Bago pa man s'ya makapag salita ay inunahan ko na s'ya

"Pero, huwag na huwag mo na akong saktan. At matuto ka rin makinig sa side ng iba." aniko at kinurot ang pisngi n'ya.

Agad n'ya akong niyakap at hinalik halikan ang mukha ako. Kaya napatawa kaming pareho.

Pag tingin ko sa kanya ay nakita kong may butil ng luha sa kanyang kanang pisngi.

"Why are you crying?" aniko at pinunasan ang pisngi n'ya.

"I'm just happy." aniya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

Buti nalang kaunti lang ang tao. PDA!

Nang masabi ko iyon sa kanya ay parang nawala ng parang bula ang batong naka dagan sa dibdib ko, gumaan na din ang pakiramdam ko.

"I love you Mr. Hernandez."

"I love you too, soo to be Mrs. Hernandez."


_____

Don't forget to vote and comments po!
Thank you🥺❤️

Marrying The Playboy Billionaire [COMPLETED] Where stories live. Discover now