Umalis sa pagkakayakap sa akin si Katrina at natahimik din dahil sa tanong ng bunso naming kapatid. Kahit sila Liam at Dustin na busy sa pagtext kila Jake at Paulo ay napahinto at bumaling sa amin.

Malungkot akong ngumiti kay Khloe saka kinuha ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit.

"Kailangan Khloe. Kasi hindi na dapat talaga ako magtagal dito. Hanggang dito na lang talaga eh. Kahit gusto kong habaan, kahit gusto kong patagalin, hindi na pwede." Malungkot na saad ko sa kaniya.

Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata nito hanggang sa magsunod-sunod na ang pagpatak ng mga ito.

"Kuya, bakit kasi ikaw? Bakit ikaw yung kinuha sa amin? Madami namang bad diyan, hindi ka naman ganon pero bakit ikaw?" Umiiyak na tanong nito. Simula ng makita ko ulit sila ay wala itong sinabi na ganito.

Nag focus sila sa muling pagkabuhay ko at pag-asikaso kay Mia dahil sa pagkaka-aksidente nito, na nakalimutan na nilang ilabas ang hinanakit at sama ng loob nila.

"Ang daya kuya. Bakit hindi ka kumapit? Bakit iniwan mo kami agad?" Pagpapatuloy nito. Kahit si Kat na tahimik lang na nakikinig sa amin ay umiiyak na rin.

"Khloe..." Ang tanging nasambit ko na lamang at hinila siya ng mahina upang yakapin. Humagulgol ito sa bisig ko at kasabay ng masasakit na hikbi niya ay ang pag-agos rin ng luha sa aking mga mata.

I also held Katrina's hand because I can sense that she's about to have a breakdown just like Khloe. Ilang minuto akong umiyak kasama ang dalawang taong importante sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Khloe. Dahil kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit sumuko rin ako agad. Bakit nga ba hindi ako kumapit?

"Kuya, ang hirap ng wala ka. Hindi ako sanay na walang nang-aasar sa akin. Hindi ako sanay na hindi ka naririnig na tumutugtog ng gitara mo kasi nagpapractice ka para sa gig mo." Umiiyak na saad ni Katrina.

"Kuya, akala ko sa loob ng tatlong buwan na hindi ka namin nakita, kaya ko na. Akala ko okay na ako na wala ka. Pero kuya hindi eh, kasi nasanay akong may magtatanggol sa akin. Na may nagbabantay sa akin." Pagpapatuloy nito atsaka yumakap sa aking gilid.

Napansin ko ang pagtayo nila Liam at Dustin kaya napatingin ako sa kanila. Tinuro naman nila ang pinto at ang cellphone upang sabihin na sa labas nila tatawagan si Jake upang mabigyan kami ng oras ng mga kapatid ko para mag-usap.

"Sila mama at papa, gabi-gabi rin namin naririnig na umiiyak. Kuya ang hirap kasing tanggapin. Bakit bigla kang nawala. Ni hindi man lang namin narinig yung boses mo sa huling pagkakataon. Ni hindi man lang namin nasabi sayo kung gaano ka namin kamahal sa huling pagkakataon. Kaya ang hirap tanggapin kuya." Tinapik-tapik ko ang balikat nito upang aluhin ito.

"Kuya, kailan ka ba aalis ulit? Sasabihin mo naman sa amin diba?" Malungkot na tanong ni Khloe. Hindi na ito umiiyak pero may bakas pa rin ng luha sa muha nito.

"Oo naman, sasabihin ko sa inyo. Actually, ito na dapat ang huli kong araw. Kasi tapos na ang kaso ko, naipanalo at nakuha ko na ang hustisyang inaasama ko pati na rin ninyo." Sagot ko sa tanong ni Khloe at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Hinawakan ko ang pisngi niya upang alisin ang ilang hibla ng buhok na dumikit na sa kaniyang pisngi dahil sa luha niya. "Pero pinagbigyan ako ng dalawang araw pa. Bukas makalawa, kailangan ko na talagang lumisan. Wala ng balikan." Pagpapatuloy ko rito.

"Kuya, di ba sabi mo kaya hindi nakaka-alis yung ibang kaluluwa dahil may pumipigil pa sa kanila? Like yung magulang nila hindi pa rin tanggap ang pagkamatay nila kaya hindi sila maka-alis dahil may humahawak pa rin sa ala-ala nila." Saad ni Katrina at tinuyo ang luha sa kaniyang mga mukha.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant