05

81 4 1
                                    

LET'S GO BACK TO BIRINGAN

Amara's POV

“Amara, tawagin mo ang asawa mo.” ani ng amang hari. Tumango lamang ako at tinawag na ang aking asawa na nasa hardin. Habang naglalakad ako papunta doon ay nahinto ako dahil sa nakita ko siyang kausap ang asawa ng kanyang kapatid. Masaya silang nag-uusap habang ako ay naiinggit.

Napabuntonghinga naman ako at pinilit na ngumiti. Nagpatuloy akong maglakad doon hanggang sa lumingon siya sa akin. Ang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng seryosong mukha nong makita niya ako.

“Crino, tinawag ka ng amang hari.” sabi ko at napalunok. Tumango lamang siya at lumingon sa babaeng sa pagkakaalam ko ay Karylle ang pangalan nito, ang asawa ni Primo.

Simula nong dumating siya dito sa Biringan ay parang nawalan na ng interes sa akin si Crino. Oo nga pala, kahit kailan ay hindi siya nagkakaroon ng interes sa akin. Pinulot niya lang ako sa mga alipin para maging asawa niya. Noong una ay sobrang saya at kinilig ako dahil isang prinsipe ang mapapangasawa ko. Naiinggit nga yung mga kasamahan kong alipin dahil sa ako ang napili ng Prinsipe.

Iyon siguro din ang dahilang kung sa loob ng dalawang taon ay hindi pa ako nagkakaanak. Hindi oa nga kami nakabuo.

“Ano ang kailangan niya sa akin?” tanong niya. Sinabi ko naman na hindi ko alam dahil sa iyon lamang ang sinabi ng mahal na hari pagkatapos non ay dumiretso na siya sa lugar kung saan nandoon ang amang hari. Ibig sabihin kami nalang dalawa ni Karylle ang nandito sa hardin. Tinitigan ko siya. Napakaganda niya. Totoo nga ang sabi-sabi ng ibang engkanto na nakapunto sa mundo ng mga tao. Ibang uri ang gandang taglay at kagwapuhang taglay ng mga tao.

Hindi ko naman masisisi si Crino kung magkakagusto siya kay Karylle. Kung ako ay may maitim na balat, kaputian naman ang taglay ni Karylle. Hindi lahat ng engkanto at mga diwata mapuputi. May mga maiitim na tulad ng isang madilim na gabi. May mga mapuputi na tulad ng isang nyebe.

Minsan nga napagsabihan akong kapre dahil sa kaitiman na tagalay ko ngunit ay natutuwa naman din ako dahil maraming mga diwata na sinasabing kahit maitim ako ay maganda parin ako.

“Ikaw ba ang sinasabing asawa ni Crino?” tanong ni Karylle sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at napatango pagkatapos non ay ngumiti siya sa akin. Hindi ko man siya masyadong kilala ngunit alam kong mabait siya.

Noong araw na naikasal siya kay Primo ay napakadaming engkanto ang gusto kumain at agawin siya kay Primo ngunit hindi nila ginawa iyon dahil kapag si Primo na ang galitin, maaaring may masamang mangyari sa kasal na iyon. Maaaring hindi iyon matutuloy.

Nagtanong lamang siya sa akin at nagpaalam na umalis dahil baka ay hinanap na siya ng kaniyang asawa. Ako naman ay bumalik sa palasyo at dumiretso sa aking kwarto. Pagkapasok ko doon ay agad akong nanginig dahil sa nakita ko ang pag-ibang anyo ni Crino. Namumula ang kaniyang mga balat, nangingitim ang kaniyang ngipin tsaka ay puting-puti ang mga mata niya. Hindi ako lumapit sa kaniya at nanatilig nakatitig sa kaniya sa pintuan.

Nakaharap siya sa isang salamin na basag at may bahid na berdeng asido doon. Ang asido na iyong sa mga mundo ng mga tao ay tinatawag na dugo.

“Crino...” pagbabanggit ko. Hindi siya lumingon sa akin pero nasaksihan ko ang pagkalma niya. Nanghina naman siya na akmang matutumba na kaya gamit ng diwata kong kapangyarihan ay agad ko siyang sinalo. Hinawakan ko ang mukha niya at pumikit. I have the power of healing kaya madali ko siyang matutulungan sa tuwing gaganito ang anyo niya. Ito na ang pangalawang beses na nangyari.

Siguro ay ito ang dahilang kung bakit niya ako pinili. Pinili niya siguro ako para maging isang tagpag-alaga niya, hindi bilang asawa. Malungkot naman akong napangiti sa katotohanang iyon. Matagal ko namang alam iyon.

The Phantom City of BiringanWhere stories live. Discover now