03

52 4 0
                                    

MUSEO SECRETO: EL LUGAR DONDE SE REENCARNÓ

“Ay taray, kaya pala di ka nagjojowa si Belinda pala gusto mo” pang-aasar ni Athena kay Kio. Si Kio naman masama ang tingin sa amin ni Athena at napatawa naman kaming dalawa. Sabi ni Athena matagal na niyang napaghalataan na nagkakagusto si Kio kay Belinda. Same kami ng reason.

“Sige, asarin niyo pa ako. Lagot kayo sakin!” ani Kio. Mas lalo pa kaming natawa ni Athena dahil sa mukha niya. “Eh paano na yun? Ikakasal na si Belinda at Thomas bukas? Sad boy ka na niyan?” pang-aasar ko na natahimik naman si Kio at napatitig sa akin. Walang bahid na galit na nakikita ko sa kanyang mata.

“Ikaw nga engkanto yung nagustuhan,” sabi niya at inirapan ako. Aba't akala ko ba nakamove-on na siya? Nakamove-one na din ako kay Primo dahil sa pagkakaalam ko ay wala na talaga siyang chance na mabuhay. Pumupunta naman ako sa Secret Museum kapag may free time ako dahil alam niyo na busy na ako sa trabaho. 

I am now a successful Doctor. Kio is now a Lawyer. Athena is a Teacher. Belinda is a Flight Attendant and Thomas, his soon to be husband is now a pilot. It's really been a long time.

“Hala oo nga Karylle, hindi mo pa natapos ikwento sakin yan!” sabi ni Athena na parang nagtatampo. Napatawa naman ako kasi nakakasuka yung mukha niya. Hindi bagay magtampo kaya hindi nagkakajowa e.

“Mamaya, ikukuwento ko sa 'yo” sabi ko. 

Ngayon lang kami nakapagbonding na kaming tatlo. Si Belinda at Thomas, busy sila sa magiging kasal nila pero hindi ko man lang nararamdaman na nasasaktan si Kio. O nagmomove-on na talaga siya?

“Yan, ka na naman sa mamaya mo, napakabusy mo naman” umirap siya sakin. Aba 'tong babaeng 'to.

“Thena, wag mag-alala ako magkukwento sayo” sabi ni Kio kay Athena. Binatukan naman ni Athena dahil alam niya na puro kalokohan lamang ang sasabihin ni Kio. Mahilig yan mangbuwiset ng isang tao.

Akala ko nga noong una namin siyang makilala, siya yung matino sa aming lima yun pala ako lang pala yung matino dahil puro kabaliwan lang naman pala alam nila. Ang bait ko talaga. “Naku, Kio wala akong matinong kwento na matatamo sayo mas mabuti pang maghintay nalang ako sa ikukwento ni Karylle”

“Bakit ba ang sama nyo sakin?” reklamo ni Kio. 

Bigla namang nagring ang cellphone ko. Hudyat na may pasyente na naman ako. “Mauna na ako, may tumawag na”

“Sige, Doktora. Pagalingin mo ang iyong pasyente at sana din mapagaling mo ang puso ni Kio, bukas na ang kasal ngam mahal niya” pang-aasar ni Athena kay Kio at hinila naman ni Kio ang buhok ni Athena dahilan upang mapaaray naman si Athena.

I kinda ship them both pero kapag sinabi ko sa kanila ang opinyon ko baka masuka na sila. Ayaw niyan sa isa't isa. Tsaka yang si Athena, mapili talaga yan pagdating sa lalaki at sabi niya hindi pumapatol sa mga kaibigan.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at hinayaan na silang magbardagulan doon sa loob ng milktea shop. Si Kio naman ang magbabayad dahil siya naman ang nag-aya sa amin.

Dumiretso ako sa hospital kung saan ako nakaassign. Maraming pasyente ang nandoon na bumabati sa akin at ningitian ko 'to. Nahinto naman ako bigla nang may nakita akong bata na umiiyak. Nadapa siya kaya tinulungan ko. May sugat ang bata sa tuhod. Kinalkal ko ang bulsa ko baka may makita akong band-aid at buti nalang meron.

“Huwag na tatakbo ah? Mag-ingat ka” sabi ko habang inilagay ang band-aid sa sugat. Napatango naman ang bata kaya hinulo ko ang buhok niya. So cute. May papalapit naman na babae at batid kong ito ang ina niya. Nagpasalamat siya sa akin at ngumiti lamang ako. Dumiretso na ako sa opisina ko at kinuha muna ang files na kailangan kong icheck. Sabi ng nurse na tumawag sa akin ay may bagong pasyente daw ako na kailangan kong aasikasuhin.

The Phantom City of BiringanWhere stories live. Discover now