02

59 6 1
                                    

A LETTER FROM BIRINGAN CITY

“Stay still” tumango ako sa sinabi sa akin ni Kio. It's been a year since I went to that lost city. A city where I met Primo. 

Noong nakauwi kami sa bahay non, nagtaka naman sila mama at papa, may nangyari daw bang masama. Hindi ko naman sinabi ang totoong nangyari sa akin at nagsinungaling na ayos lang ako.

Last year really haunted my senses. Kahit gusto kong mapanaginipan si Primo, iba ang napapanaginipan ko. Isang punong mangga na may napakaraming bunga. At sa ilalim ng punong iyon ay doon ako natutulog. Hindi ko naman alam kung ano ang kahulugan non.

Palagi nalang talagang ganun ang panaginip ko minsan nga ay pumasok sa isipan ko na baka nareincarnate si Primo bilang isang bunga ng mangga pero imposible naman iyon. Tsaka hindi talaga ako naniniwala sa reincarnation. Narinig ko lang yan sa mga kaibigan ko at kahit hindi ako naniniwala may parte parin sa akin na nangangarap na totoo nareincarnate nga si Primo kahit anong anyo man ito.

Yung iba kong kaibigan, nasa ibang bansa na. Sa Europe dahil sa business trip ng parents nila at sinama naman sila ng mga magulang nila. Nasa iisang kompanya lang naman kasi yung parents nila. Pinapasama nila ako ngunit ayaw ko. Except sa ayaw kong iwan sila mama at papa, ayoko na ding maulit ang nangyari noon. Baka kasi may lost city na nandon tapos ako na naman ang mabibiktima.

Tanging si Kio lamang ang palagi nasa tabi ko. Sa kanya ko din sinasabi ang totoo. Ang mga pangyayari na napapanaginipan ko.

“All done.” nagpasalamat ako kay Kio. May gagamba kasi sa ulo ko at sa totoo lang, matatakutin talaga ako sa mga gagamba. Tumawa lamang si Kio sa akin tsaka ibinigay na ang milktea ko.

“Nagtext si Athena sa akin, ayaw mo ba talagang sumunod doon sa Europe?” tanong niya. Ngumiti ako at umiling. Napatango naman siya sa akin at sumipsip na sa miltea niya. “Sabihan mo lang ako pag nagbago ang isip mo, sasabay na ako sayo”

“Pwede ka namang sumunod sa kanila, kung namiss mo si Belinda” pang-aasar ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa ako. He really likes Belinda. Ako ang unang nakakahalata. The way niya titigan si Belinda kakaiba e. Noong panahon na sinabi ko ang totoong napapanaginipanko ay iyong panahon din na sinabi niyang may gusto siya kay Belinda.

“Wala na akong pag-asa don, baliw yun sa anime.” as in napakunot ang noo ko. As in, nagseselos siya sa anime? Di naman yun nag-eexist.

“Wag mo akong tignan ng ganyan, pake mo ba kung gusto kong ako lang magustuhan niya.” he smirked. Aba, aba 'tong lalaking 'to. Bakit di niya sinabi agad kay Belinda? Ang torpe naman kasi nito.

“Torpe ka lang” sabi ko.

“Ikaw, umiyak sa isang engkanto. Ano feeling mahalikan ang labi ng engkanto? Ba't mo kasi pinatay?” sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sa tuwing inaasar ko siya kay Belinda. Aasarin din niya ako kay Primo. Patay na nga yung engkanto dadamayin niya pa. 

Inaasar ko siya kay Belinda at puro inis lang ang makikita ko sa mukha niya. Marami pa kaming napag-usapan. Natigil lamang kami nang may tumawag sa phone niya. Nagngiting aso naman ako nang tinignan iyong tumawag. Si Belinda. Umirap sa akin sakin si Kio at nagpaalam na sagutin muna iyon at dederitso nalang siya sa pag-uwi tutal gabi na. 

Nang ako nalang mag-isa sa kwarto ko napabuntong-hinga ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. 8:03 P.M. Gabi na nga.

Lumabas ako sa kwarto at nakita ko si mama na naghahanda na ng pagkain. Sabi ko sa kanya ako nalang magluluto pero ayaw niya talaga, maggawa nalang kami ng thesis ni Kio.

“Umuwi na si Kio, inaya ko sana siyang kumain pero ayaw niya daw kasi tinawagan daw siya ng girlfriend niya, may jowa na pala ang batang iyon” napanganga ako sa sinabi ni mama. Buang na ang lalaking iyon.

The Phantom City of BiringanWhere stories live. Discover now