Mistake.22 - Maybe

Start from the beginning
                                    


Narinig ko ang bumuntong hininga sya. "Fine! Text mo kung saan maliligo lang ako." Saka nya pinatay ang tawag.


Napabuntong hininga rin ako saka ko itinext sa kanya kung saan kami magkikita. Matapos nun ay pilit kong hinila ang sarili paalis sa kama kahit medyo mabigat pa ang pakiramdam ko saka ako dumiretso sa banyo.


After taking a quick shower and getting dress in my black leggings and gray cotton sweat shirt, i went out room. I told Ate Linda that i'm going out for a bit. I also ask her about him buy just like what i suspected hindi na nga sya bumalik ulit kagabi. Nagpatawag ako ng taxi sa guard house hindi naman nagtagal ang pagaantay ko. So i left the house after saying bye to her.


Mabilis akong nakarating sa meeting place namin ni Lyn. Dito lang naman sa Jollibee malapit sa subdivison, maaga pa kasi para mag'mall kami isa pa dito ko napili para makapag almusal na rin kami habang nag'uusap. Medyo na miss ko ang hot chocolate nila rito saka gusto ko rin kumain ng spaghetti.


At dahil wala pa naman ang bestfriend ko naisipan kong umorder na ng almusal at idinamay ko na rin sya ng beef tapa alam ko namang yun ang favorite breakfast nya dito sa jollibee. Magsisimula na akong kumain ng dumating sya at umupo sa harapang upuan ko. Tinignan nya ako na para bang sinusuri ang itsura ko.


"Lyra you look--" binigyan ko sya ng - wag mo nang ituloy - look dahil alam ko na ang sasabihin nya. Mukha akong pagod at medyo maga pa ang mata ko. Nagkibitbalikat nalang sya at kitang kita ko rin kung paano nangislap ang mata nya sa pagkaing nasa harap nya.


"Wow! Bestfriend talaga kita! Thank you!" sabi nya at nagsimula na rin kumain. Napairap lang ako sa kawalan, basta talaga pagkain ang bilis kumilos!


"So? Anong na naman problema mo? Pasalamat ka hindi ako kailangan ng maaga sa site." Sabi nya habang nilalagyan ng cream yung coffee nya.


Napabuntong hininga ako. "He's mad and I d-don't know what to do. I'm confuse." Wala sa sarili kong sabi sa kanya.


Inirapan nya ako. "Alam mo walang mapupuntahan tong usapam natim kung puro 'I don't know and I'm confuse' lang ang maririnig ko sayo. Why don't you tell me what EXACTLY happened between you too?" In-emphasize nya pa talaga ang Exactly sabay subo ng kinakain nya habang nakatingin sa akin na para bang sinasabing -Ano pang inaantay mo? Magsimula ka na!-


I know she's right that is why with another heavy sigh, i told her the whole story. Siminulan ko nung valentines day na may nangyari ulit sa amin sa pangalawang pagkakataon, not all the details of course! Pati ang pagiwas at paglayo ko rito na para bang may sakit itong nakakahawa, dahil kahit sa sarili ko hindi ko maamin kung ano ba talaga ang mga nararamdaman ko. Kinuwento ko ang araw na naglasing ito at hiniling sa akin na wag syang iwasan. At syempre ang main point ng kaguluhang ito sa utak ko. Ang araw na umepal ang asawa ni Barney sa restaurant kung saan kami dapat masayang kumain ng tanghalian. Kinuwento ko sa kanya kung paano nilalandi nito si Enzo sa mismong harap ko na para bang hangin lang ako para mapansin nila. Pati na rin yung natuklasan kong magkasama sila nung gabing naglasing sya. Malay ko ba kung ano ginawa nila nun! Nakakainis talaga isipin!


Habang nagkukwento ako napapansin ko nang parang nagpipigil sya ng tawa pero ng matapos akong magkwento tumawa na talaga sya ng malakas dahilan para mapatingin sa amin ang iba costumer. Kaya naman tinakpan ko agad ang bibig nya at pinanlakihan sya ng mata. Nakakahiya! Buti nalang maaga pa kaya konti pa lang ang tao!

Unlikely Mistake ✔Where stories live. Discover now